K A I B I G A N L A N G

32 2 1
                                    

Ngiting 'di ko maikubli
Sa t'wing nakikita tamis ng iyong ngiti

Parang walang mapaglayan
Ligayang nadarama ni'tong damdamin

'Di nga alam kung bakit?
Bakit napapasaya mo ako?

Bakit sumisigla ako?
Sa t'wing nakikita ko mukha mo.

Bakit ganto yung nararamdaman ko?
Sa t'wing ka chat o kausap ka.

Ang daming bakit na katanungan
Na wala kahit anong kasagutan.

Hanggang ngayon masaya ako
Sa kung anong meron tayo.

Kung iisipin naman eh WALANG TAYO.
Kasi KAIBIGAN LANG ako

Kaibigan na pwedeng umalalay sayo

Kaibigan na handang magpasaya sayo

Kaibigan na susuporta sa gusto mo

Kaibigan na magpapayo sayo,
kapag na sasaktan kana.

Kaibigan na pupunas ng luha mo,
sa 'twing umiiyak kana.

Kaibigan na pwede maging punching bag mo,
pag gusto mo ilabas lahat ng sakit na nadarama mo.

KAIBIGAN mo ako.
Handang masaktan para sa kaligayahan mo

Handang magbaliw baliwan,
Makita ulit ngiti sa labi mo.

Pati ang kinag ng mga mata mo.

Handa ako sa lahat ng sakit,
wag ka lang mawala sakin

Kahit hanggang KAIBIGAN LANG tayo

KAIBIGAN LANG turing mo sakin,
ayos na ako

Wag mo lang ipagkait,
na MAHALIN KITA
ng higit pa sa PAGKAKAIBIGAN ang nararamdaman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lihim ng TULAWhere stories live. Discover now