'Kala ko tayo na,
ang tinalaga para sa isa't-isa
Mali pala, mali ako'y umasa
sa inakala kong tama'Kala ko kasi puro saya,
lambingan at harutan lang
May sakit, pait at away din
palang mararamdaman'Kala ko sugat lang
na pwedeng gamutin
Ngunit hindi, dahil malalim
pa sa sugat ang sakit'Kala ko'y ikaw at ako
yung tutupad ng forever mo
Ngunit mali pala tayo
kasi ikaw ang nagsabing walang tayoWalang panghabang-buhay
walang tatagal ng isang taon,
Dahil walang forever sa mundo't
maghihiwalay din tayo'Kala ko kasi sapat na lahat
nagkamali pala ako
Mali na umasa ako sa akala
forever na pero 'di palaKaya ako'y nasasaktan
at nagmumukhang tanga
Sumisigaw pa na
PUTANG-INA walang forever talagaKasi iniwan mo ako
na parang aso
Pinabayaan at walang pakielam
sa mararamdaman koDahil sa 'di ako sapat
at kulang pa ang pag-ibig
Na iyong hinahangad
kaya't ika'y naghanapNakakatanga naman di'ba?
sabi mo ako, ako lang...
Ang forever mo at tinitibok niyang
puso mong manlolokoDahilan kung ba't puso ko
durog sa pagpapaka-tanga sayo
Dahil ako'y niloko mo
at ginawang gagoDati galit pa ako
sa mga taong bitter sa kanto
Na laging sumisigaw ng
WALANG FOREBER magbe-break din kayoPuta! totoo nga sila
kasi yung forever na sinabi mo
Na tayo hanggang dulo
isang panaginip lang palaIniwan mong 'di na buo
at durog ang puso ko
Pinagpalit ako sa gago
kala mo'y matinoMukhang naman adik sa kanto
pinangakuan siya na ang forever mo
Dati'y sa'kin din sinabi
ngunit nauwi sa hiwalayan at pagsisisiPinagsisihang inibig ka't
sa'yo'y nagpakatanga
Na forever kita
ngunit di naman palaDahil walang forever na kataga
sa taong walang isang salita
Puro landi pa sa iba
kaya nauuwi sa walaAng relasyong pag weekdays lang pala
si Forever na wala naman talaga
YOU ARE READING
Lihim ng TULA
PoetryTulang nilikha mula sa bawat letra may damdamin at diwa na galing sa puso ng manunula 'di man makata ngunit tula'y galing sa nadarama.