Sa silid-aral una kang nakita
Tahimik at 'di nagsasalita
Ang iniisip mo'y malalim ata
Kaya ako'y nabahala't nilapitan ka
Nagulat ka pa nga't natulala
Dahil ba sa'king presens'ya?
O 'di mo inaasahang lalapitan kita't
Sayo'y magpapakilala?
'Kala mo siguro aawayin kita
Kaya mukha mo'y 'di maipinta
At nakabusangot pa,
Animo'y lalaban sa gera.
Ngiting matamis aking pinagbawi
Sa mukha mong 'di mawari
Na bumago sa labi mong nakagiwi't
Masayang ngiti ang isinukli
Kamay ko'y inilahad
At tila ika'yy parang natigilan
'Di alam kung ito'y hahawakan
o titignan lang ng pagmatagalan
Kamay ko'y inabot
Sumama sa'kin tinanggal ang lungkot
Kanina pa sa mata'y bumabalot
Ang lungkot na 'di malimot
Ngiti sayong mata'y lumabas na
Kitang kita na din ang sigla
'Kala ko'y 'di ko makikita
Dahil mukha mo'y parang suka kanina
Sa silid-aralan nagsimula
Simpleng tawanan,
Asaran,
Kulitan,
Kwentuhan,
Bulyawan
Nabuo ating pagkakaibigan
Dumaan ang araw't buwan
Kasabay ni pighati't kalungkutan
Sabay na'tin tinawanan
Malimutan lang ang lungkot na nararanasan
Silid-aralan ang patunay
Ng pagkakaibigan tunay
Sa puso't isipan,
Kapatid na ating turingan
Kahit iba ang pinaggalingan
Pinangakong walang iwanan
Kahit bagyo pa ang dumaan
Ngunit lahat may katapusan at hangganan
Dahil sa pangarap na nais makamtan
Magbago man lahat
Maiba man ating dahan
Alala na'tin pinagsamahan
'Di ko makakalimutan
Lalo na ating pagkakaibigan
Na binuo na'tin sa Silid-Aralan.

YOU ARE READING
Lihim ng TULA
Thơ caTulang nilikha mula sa bawat letra may damdamin at diwa na galing sa puso ng manunula 'di man makata ngunit tula'y galing sa nadarama.