Pag-ibig na 'di alam kung sa'n nagsimula
Na biglang naramdaman nang kusa
Parang ipinahiwatig ng puso sige't magmahal ka
Yung tipong mapapa "Oo" kaInisip ko si KUPIDO ba ang may gawa?
Dahil sa pana niya ako'y nagkatama
'Di naiisip ng aking puso na muling iibig
Dahil takot masaktan at maging sawi sa pag-ibigNgunit ba't ganto?
Ba't puso ko'y nahulog?
Nahulog nang kusa sa taong di ko kilala't 'di ko dati dama
Na akala mo'y 'di makakasundo dahil sa pagkatao niyaHinayaan ko ang araw at gabi'y dumaan
Kala ko'y magbabago aking nararamdaman
Ngunit 'di pala at habang tumatagal ako'y nahuhulog na
Sa'yo baliw na taong kakaibaAno bang meron ka?
At ba't ako'y nagkakagusto sayo bigla?
'Di ka naman yung pinapangarap ko
Pero ba't ikaw tinitibok nitong puso ko?Dahil ba sa pana ni KUPIDO?
O dahil in-love talaga ako sayo?
Walang basehan kung ba't kita gusto
At dahilan ba't gan'to ako sa'yo.Ilang numero ang dumaan
Pag-ibig ay lumalim nang lubusan
Nauwi sa pagmamahalan
At nagkaroon pa ng aminanIkaw pala'y may lihim na nararamdaman
Sa tulad kong alien na takot magmahal at masaktan
Pero sabi nga ng isang kasabihan
Kahit pigilan mong magmahal, magmamahal at magmamahal ka nang 'di mo inaasahan.Yung puso kong dating takot umibig
Ngayo'y buhay na para sa bagong paglalaanan ng pag-ibig
Tumibay na't kayang harapin ang sinasabing sakit
Na dala ni KUPIDONG pag-ibigKatagang WALANG FOREVER
Bukam-bibig ng mga taong BITTER
Nasasabihan ko rin na WALA TALAGANG GANUN
Pero meron naman KAMI ngayonNasabihan ka pa MAGBEBREAK DIN KAYO
Mga salita ng TAONG BITTER daig pa ang nakalunok ng ampalaya
Akala mo'y 'di na makakadama ng saya
Sa pagmamahal ng iba.Pero kahit ano pang sabihin nila
May FOREVER man o WALA
Ang mahalaga ay IKAW at AKO
Yung taong mahal ko't mahal ako
Ang dahilan kung bakit umiibig at nagmamahal ako nang totoo't 'di biro.
YOU ARE READING
Lihim ng TULA
PoetryTulang nilikha mula sa bawat letra may damdamin at diwa na galing sa puso ng manunula 'di man makata ngunit tula'y galing sa nadarama.