Ika'y nakilala no'ng tayo'y bata pa
Tahimik at mag-isa
Lungkot saying mukha'y aking nakikita
'Di maikubli ng iyong mataAko'y tumayo't sayo'y nagtungo
Sabay dukot sa'king bulsa
Inilabas ang panyo't inabot sayo
Upang punasan ang luhang di maitagoBatid ko iyong nadarama
Pati bigat na dinadala
Kaya ako'y umupo sayong tabi
Dinamayan ka sa'ying dalamahatiSa aki'y sumadal ka
Tapos ako'y kumanta
Upang lungkot mo'y mawala ng bahagya
Sa puso mong durog sa paghuhusgaHampas sa balikat aking nadama
Dahil kanta ko'y sintunado't wala sa tono
Na sayo'y nagpatawa ba?
O nagpaniis lalo sayo.Ako'y tumatawa't ganun ka din diba?
Napalitan ng saya ang lungkot ma nadarama
Pagmumukmok kanina ngayo'y habulan
Na may kasamang tawanan't kulitanSigla mo'y bumalik
Naging maingay ka't makulit
Enerhiya mo'y parang nakawala sa hawla't
Nagbabadayang limipad sa kawalan at gusto na mangdagitPagkakaibigan'y nagsimula
Sa simpleng damayan
Nahwi sa matatag na samahan
'D matibag g kahit sino manKaya't nais kitang pasalamatan
Aking mumunting kaibigan
Sa pagdamay sa'king kabaliwan
Kaya't pagkakaibign natin'y
Parang kapatid na anv turingan

YOU ARE READING
Lihim ng TULA
PoesiaTulang nilikha mula sa bawat letra may damdamin at diwa na galing sa puso ng manunula 'di man makata ngunit tula'y galing sa nadarama.