Prologue

16.1K 230 23
                                    

JHAIRHIE’S

"Ouch! Bakit ang sakit ng ulo ko?"

Napatayo ako sa hinihigaan ko at saka hinimas-himas ang sentido ko.
Ano nga bang ginawa ko kagabi?
Inisip ko kung anong nangyari kagabi pero nahihirapan akong alalahanin.

Ano nga bang nangyari?

Ah! Oo, tama. Inimbitahan nga pala ako ni Arriana sa isang party.

Birthday raw kasi ng pinsan niya.

Hay! Napadami siguro ang inom ko. Kasi naman si Keith, eh. Ano ba kasing nangyari sa’min? Ano bang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa’kin?

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Masakit pa rin pala ‘tong puso ko.

Mabuti na lang at naihatid ako rito sa kwarto ni...

Teka, kaninong kwarto ‘to?

"Hmm..."
Nagulat ako nang bigla akong makarinig ng isang ungol.

Wait... Ungol?

Saka ko lang napagtanto na may kakaiba sa nangyayari sa’kin ngayon.

Una, hindi ko alam kung kaninong kwarto ba ‘tong napuntahan ko. Pangalawa, wala ako masyadong maalala. At pangatlo, bakit parang...

"What the! W-wala akong damit! Anong nangyari?" sigaw ko.

Napatingin naman ako sa katabi ko. Nakatalukbong siya ng kumot.

"Arriana! Uy! Anong ginawa ko? Bakit wala akong damit?" tanong ko sa katabi ko.

Isa pa, bakit parang may masakit sa’kin?

"Arriana? Who the hell is that?."
Nagulat ako nang ibang boses ang marinig ko. Hindi nga ito si Arriana! Lalo ko pang nakumpirma iyon nang paupo siyang bumangon habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Samantalang ako, heto at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig dahil sa pagka-estatwa. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha ng gwapong katabi ko.

At topless siya? Teka, wala nga pala akong suot na damit! What the?

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Dahan-dahan naman niyang minulat ang mga mata niya.

What the... Heck?

"Ahh!" mahabang sigaw naming dalawa.

Agad kong pinulupot sa katawan ko ‘yong kulay pink na kumot saka dumampot ng kalapit na unan para ibato sa lalaking kasama ko.

"Sino ka? Anong ginawa mo sa akin? Rapist! Rapist ka!" sigaw ko habang patuloy lang sa pagbabato ng mga unan sa kaniya.

"Ah! Ouch! Aray ko! Masakit! Uy!" sunod-sunod na sigaw niya habang pilit iniilagan ang nagliliparang mga unan.

"Ni-rape mo ‘ko ‘no? Sino ka ba?" Para na akong mamamaos kakasigaw. Maya-maya pa ay naubusan na ako ng unan na ibabato sa kaniya kaya naman nagkaroon na siya ng tyansa na makapagsalita.

"Hindi ko alam! ‘Di rin kita kilala!" inis na sagot niya.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya ay napagtanto kong pamilyar siya, kaso hindi ko pa rin talaga maalala! Dali-dali akong tumayo habang mahigpit na nakahawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Halos paatras akong naglalakad papunta sa banyo samantalang ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa kaniya.

Accidentally Got Pregnant To A Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon