Chapter 49
AUTHOR'S POV
Lumungkot ang mukha ni Eliesha nang si Daddy pala niya ang nakita niya at hindi si Vance
"D-Daddy" nanghihinang sabi niya kaya agad nagising ang nasa middle aged na lalaking natutulog sa tabi niya at napatingin kay Eliesha
"Ha-hazel anak? Ok kana ba? Walang masakit sayo?" Sunod na sunod na tanong ng papa ni Eliesha. Halata sa mata nito at mukha ang pag aalala at pagmamahal sa anak. Malaki rin ang pagsisisi niya dahil sa nangyari kay eliesha 5 years ago
"S-si Vance po?" Napaupo ang daddy niya sa narinig niya. Tama ng ang hinala niya. Alam niya na konting bagok o untog lang ay posibleng pagbabalik ng ala ala niya. Nakahanda na sya doon kahit pa magalit ang anak niya sa kanya
"Naa alala mo na nga" sabi ni ng daddy niya sabay iyak. Dinig na dinig ang paghikbi nito at halos maubusan na ng hininga
"Patawarin mo ako anak. Dahil pinilit kita noon. Malaki ang pagsisisi ko, kaya sana di ka galit sa akin" sabi pa nito habang hawak ang kamay ng anak niya at sabay hikbi
"Ok na po daddy, matagal ko na kayong napatawad. Gusto ko lang makausap si Vance" sabi nito kaya tango lang ang isinagot ng ama nito at naglakad paalis. Bigla namang bumukas ang pinto pagka alis ng daddy niya at bumungad na nga doon si Vance
"Vance" mahinang sambit ng dalaga. Kasabay ang pagtulo ng luha niya
Agad namang niyakap ni Vance si Eliesha
"Patawarin mo ako eliesha kung di ko ipinaalala sayo" sabi ng binata. Ngiti lang naman ang isinagot ng dalaga na tilay uhaw na uhaw sa pagmamahal ng binata
"Mahal parin kita" sabi nito na nagpangiti sa binata
***
"Oh Zhandrei! Bakit ganyan ang mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Yyan sa kaibigan niyang kararating lang sa oapital. Nasa ospital silang lahat dahil nga sa nangyari kay Eliesha
"Asan naman si Jhairhie?" Tanong ni Arriana. Napayuko naman si Zhandrei at nagsimulang humikbi. Dahilan kaya agad tumayo si Keith at nilapitan si Zhandrei saka hinawakan sa magkabilaang balikat at niyugyog
"Nasan siya?! Nasan si Jhairhie?!!" Kinakabahang tanong ni Keith. Mahal parin niya si Jhairhie. At alam ni Arriana yun.
"Di ko talaga alam. Pagdating ko sa tagpuan namin. Bigla nalang siyang nawala" naiiyak na sabi ni Zhandrei. Napabutaw si Keith kay Zhandrei saka napaupo. At sinabunutan ang sariling buhok
"Keith huminahon ka" sabi ni Hobi na nilapitan si Keith
"Pero may nakita ako" napatingin silang lahat nang tumigil sa paghikbi at nagsalita si Jin
BINABASA MO ANG
Accidentally Got Pregnant To A Stranger
Novela Juvenil[CURRENTLY EDITING. READ AT YOUR OWN RISK] What a cringe tragedy indeed. I mean, I just wanted to drink to get rid of my feelings for my freaking ex! Then I got on a One night stand instead? And with a complete stranger of all people. And what?! I'm...