👶AGPTAS 33👶

3K 45 30
                                    

Jin and Jhairhie👆

Chapter 33: Make up?

JHAIRHIE POV

"Ma'am Heto na po ang mga gamit niyo" sabi ni kuya Nestor sabay baba nung mga maleta ko. 6:00 pm narin kasi kaya ako pinahatid ni Mommy

Mangiyak ngiyak Kong kinuha yun

Bat kasi kailangan pa naming tumira sa isang bahay?! Bakit?! Asan ang hustisya?! Nasa Height ni Keith? Nasa Gilagid ni Yyan? Nasa ilong ni James ? O NASA baba ni Hobi? T^T

"Ma'am ayos lang po ba kayo?!" Tinignan ko ng masama si Kang Nestor

"Sa tingin mo ba maayos ako?! Na matulog dito?! Lumayas ka nanga! Kainis!" Sabi ko sabay tingin sa bahay na to

Kanina pa daw nandyan sa loob si Jin. At ang masama pa Walang Kasambahay! Wala kaming taga utos! OK lang sana kung nandito si Vance e para siya ang utusan ko. Pero tangina! Si Jin lang! E di ko nga mautusan yun e

What am I going to do now? T^T o English yun ah! Ganun pala pag kinakabahan napapa English kA nalang.

Lumapit ako sa pinto at pipinduton ko sana yung doorbell pero

Bakit ko pipindutin? E bahay ko din to! Kaya may karapatan akong pumasok nalang basta basta!

"Wow! Di ba USO ang kumatok?" Lalong umusok ang mga tenga at ilong ko nang narinig ko ang Bose's ng taong to

At aba! Feel na feel niya ah! Nakahiga sa sofa habang nililipat lipat yung TV.

"At bakit ako kakatok kung bahay ko rin to?!" Inis na sabi ko sa kanya sabay punta sa kwarto ko at ibinagsak lang yung maleta ko

Bukas ko nalang aayusin

Agad akong bumaba at naabutan ko parin siyang nakahilata sa sofa

"Asan ang pagkain? Kumain kana?" Tanong ko sa kanya na nakahiga parin sa sofa. Ang sarap niyang pektusan pramis!

"Tapos na" tipid na sabi niya

"O asan sakin?" Tanong ko. Agad naman niyang tinuro yung nakarakip sa Mesa.

Agad naman akong tumakbo palapit doon

Binuksan ko yung takip at bumungad sakin ang Afritada. Agad akong umupo at nilantakan yun.

OK rin na nandito siya. Atlis may Instant chef ako haha

"Di rin pala USO ang 'Thank You'" sabi niya sabay iling. Di ko nalang siya pinansin.

Matapos Kong kumain sinilip ko muna siya.

Busy sa kanonood e

Napatingin ako sa Orasan 8:00 pm na

Magpunta nalang ako sa kwarto

Agad akong tumalon sa kama at inangkin lahat yun

Iidlip na sana ako nang may tumapik sa akin

"Uy! Tabi!" Napamulat ako AT inis Kong Hinarap si Jin

"Excuse me? Tabi?" Ako bang tinutukoy niya? Tabi?

"Oo ikaw! Tumabi ka para kasya tayo!" Nanlaki ang mata ko nang marealize ko ang sinasabi niya

"Ha?! Diyan ka sa baba! Wag ka dito! Dun!" Sigaw ko sa kanya. Dahilan na mapakunot ang noo niya

Accidentally Got Pregnant To A Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon