°•PROLOGUE•°

9 2 0
                                    


Bakasyon pa lang at nakaupo si Spark sa sofa habang bored na tinitignan ang Mom at Dad niyang nagmamadaling pumasok sa trabaho. Lagi na lang ganyan. Minsan nga'y naiisip niya na mas mahal pa ng mga magulang niya ang trabaho kesa sa kaisa-isang anak nila.

"Spark,baby,papasok na kami ng Dad mo sa work. Be good okay?", pagpapaalam ng Mom niya.
" Mom,hindi na po ko bata. You don't have to say that anymore. Sige na bye na Mom,bye rin Dad", nakasimangot na sabi niya.

~~~~~

On the other side...

Inis na sinipa ni Brent ang isang mesa sa loob ng hide out nila. Leader kasi siya ng isang Gang at wala siyang pakealam kung magwala man siya ngayon sa harap ng Gang members niya. Naiinis siya eh. Bakit? Stressed nanaman kasi ang mga magulang niya dahil sa pagpapatakbo ng kumpanya nila. Kasi kahit anong gawin nila ay hindi pa rin nila mahigitan ang kalaban na kumpanya. Gusto nga ng Dad niya na ipapatay na lang ang unica-ija ng kalabang kumpanya para magkawatak watak na ito, at yun din Ang gusto ni Brent na mangyari.
Sinipa niya ulit yung isang upuan sa tabi niya. Atat na siyang makita ang litrato ng anak ng kalaban nilang kumpanya para naman makapag-EXERCISE naman sila ng mga Gangmates niya. Sila na ang bahalang magligpit sa babaeng yun.
Samantala, sa sulok ng hide-out ay nakasandal ang isang Gang member na nagngangalang Kyzer Ice,,, Yelo ang tawag sa kanya ng Gangmates dahil kasinlamig ng Yelo kapag siya'y tumitig. Kanina pa niya malamig na tinititigan ang Gang leader nila dahil kanina pa ito nagwawala pero di naman sinasabi ang dahilan.
ABANGAN...

_____

A//N:

Sorry kung yan lang ah he he basta abangan niyo na lang
Please VOTE it po hihi
SALAMAT

DangerWhere stories live. Discover now