Chapter 4: Sleep Over

6 0 0
                                    


Anika Cold's POV

One week na rin ang lumipas nang magsimula ang pasukan. At ngayon nga ay meron kaming activity sa Science subject namin. Science research by pairs.

So sino nga ba ang pipiliin kong partner ko? Syempre si Snow!

Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay naisingit iyon sa isip ko. Kasi naman, bukas na isa-submit kaya dapat ay gawin na namin yun mamayang gabi.

"Snow, saan natin gagawin yung research?"tanong ko sa kanya.

"Hmm, hindi pa ako nakapag sleep over sa inyo! Ikaw pa lang yung nakaranas nun sa bahay kaya sa inyo na lang Cold! Para quits na tayo!"masiglang sagot niya. Napaka-hyper talaga nito!

"Ok sige"sagot ko na lang.

May guests' rooms pa naman sa bahay kaya Ok lang. Ayokong patulugin siya sa room ko kasi ayokong makita niya yung mga posters ko at kung ano-ano pang mga nakakahiyang bagay na meron ako sa kwarto ko he he.

"Haaaa! Talaga? Yiiee! Excited na ko!"

Napapatalon talon pa siya habang naglalakad kami. Hay, ano bang gagawin ko dito sa napa-ingay at napakasiglang babaeng to.

• • •

Uwian na at heto nga, papunta na kami sa bahay. Hindi na nag-abala pang umuwi si Snow sa bahay nila para kumuha ng mga gamit niya. Hindi naman nag-kakalayo ang sukat ng mga katawan namin kaya pahihiraman ko na lang siya ng mga damit ko.

Kahit nagdadrive ako ng kotse, napansin kong hindi mapakali tong si Snow sa kinauupuan niya.

"Hoy babae, anong nangyayari sayo at para kang bulateng di mapakali dyan?"

"Ah, kasi ano, eh. Hindi naman siguro magagalit si Kuya mo di ba?"nag-aalalang tanong niya.

Medyo natawa ako. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Natatakot siya kay Kuya, haha.

"Mag ookay pa ba ako kung alam kong magagalit siya? At baka sa condo niya siya matutulog ngayon kaya wala kang problema sa guest room
sa first floor. Minsan kasi dun siya natutulog dahil tinatamad siyang umakyat sa kwarto niya"

Napansin kong medyo natigilan siya. Ano nanaman kayang iniisip ng babaeng to?

"Ang kwento mo sakin, paminsan minsan lang nagpupunta ang mga maids niyo para lang maglinis ng bahay niyo. Eh di pag hindi umuuwi ang kuya mo, wala kang kasama sa bahay niyo. Kaya mo yun?"tanong niya.

Well tama ang sinabi niya. Sina Mom at Dad kasi ay nasa ibang bansa para asikasuhin ang company namin doon. So, kami lang ni Kuya ang naiwan dito sa bahay. At tutal kahit naman may yaya kami ay sinanay na kami na magtrabaho ng sarilihan kaya okay lang kahit wala kaming Yaya.

DangerWhere stories live. Discover now