Spark Annie Snow's POV
Napatalon ako nang biglang may sumulpot na ipis sa sahig malapit sa paa ko. Hindi naman ako maarte,eh. Kaso takot talaga ako sa ipis dahil sa nangyari nung bata pa ko.
Lumayo ako sa pesteng ipis na to. Pero bigla siyang naglakad ng mabilis papunta sakin.
"Waaaahhhh!!!"Agad akong tumalon sa sofa nina Cold.
"Hoy ikaw pesteng ipis ka! Wag kang lalapit kundi dudurugin kita ng pinong-pino!" pananakot ko sa kanya kahit alam kong di ko naman kayang gawin.
Kaso mukhang nababasa niya kung ano ang nasa isip ko kaya hindi siya tinablan ng pananakot ko. Bagkus ay lumipad pa siya papunta sakin.
"WAAAAHHHHH!!!"
Napabangon ako bigla.Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi rin ako makahinga. Tinignan ko ang paligid ko kung may ipis. WALA. Isa lang ang ibig sabihin nito, panaginip lang yun.
Dahan-dahan akong bumaba sa kama at kahit panaginip lang yun, sinisigurado ko pa rin kung biglang may susulpot na ipis sa paligid ko.
Hindi pa rin ako makahinga. Sa dinamirami ba naman kasi ng pwedeng mapanaginipan, isang lecheng pesteng ipis pa!
Nagpunta agad ako sa kusina nina Cold. Hinanap ko ang refrigerator at kumuha ng isang basong tubig.
Hooo!!! Wag na sana yong mauulit! Baka magising lahat ng natutulog sa buong bahay na tutulugan ko.
Habang umiinom ako...
"Hey" rinig kong may nagsalitang lalaki dahilan para mabulunan ako.
*cough!cough!*
Agad kong ininom ang natitirang tubig sa basong hawak ko.
"Tsk! Just what are you doing?!" sabi pa niya na parang concerned pa sa nangyari sakin.
Walang hiya naman to! Pakitang tao ganun? Sunugin ko kaya para kahit papaano eh mabawasan ang mga plastic? Pwe!
Sa pagkaka-alala ko kasi, kami lang ni Cold ang narito sa bahay nila. Panong magkakaroon ng lalaki dito? Pinasok talaga kami!
YOU ARE READING
Danger
RomanceMany different emotions...Many fight scenes...Many kilig scenes... that's all!!! hope you'll like it, support it,and vote it