Tapos na ang klase namin. Naglalakad na ko pauwi ngayon
Habang naglalakad ako may nakita akong Cake shop. Pumunta muna ako dun at bumili ng Cake roll strawberry flavor para may makain ako sa bahay, Naalala ko tuloy yung panaginip ko noon na cake na nagsasalita T.T Nalulungkot pa rin akong isipin na hndi ko siya nahabol at natikman T.T
Haay, Hayaan ko na lng atleast may cake na ko ngayon *_* Pag tapos kong bumili pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko ng may nararamdaman akong sumusunod saakin.
Lumingon ako sa likuran ko ngunit wala nmang tao, kaya hinayaan ko na lng baka guni guni ko lng iyon.
Matapos ang ilang sigundo may naramdaman akong dumidila sa paa ko. Nilingon ko ito at nakakita ako ng isang cute na aso na dinidilaan parin ang paa ko
"Arf.arf" Kyaaa *_* ang cute niya tumahol mukang bata pa itong tuta na ito, kawawa nman nawawala yata siya
Nilapitan ko ang tuta at nilapag muna sa tabi ang cake na bitbit ko, ngunit nagulat ako ng nilapitan nito ang cake at inamoy amoy
"So mahilig pala siya sa cake, kaya pala sumunod ito saakin. Kunin ko muna kaya siya nakaka awa nman eh." Sabi ko sa isip ko. Hmm.
"Mabuti sigurong kunin muna kita, kaysa mag gala gala ka lng dito sa kalsada baka mapahamak ka pa." Mabuti na siguro ito.
"Halika cutey dog, uwi na kita at para mapakain na din kita mukang gutom kana din eh." Saad ko. Atsaka siya binuhat gamit ang kanang kamay at sa kaliwa nman ang Cake na dala ko. Mabuti na lng iniwan ko ang mga libro ko sa locker ko kanina.
--
"Waaaah! Princess ang cute cute nman ng tuta na yan *_*." Si ate Tina yan.
Kasalukuyan na kaming naka uwi at ayun nga pinagkaka guluhan nila ung tuta na nakita ko kanina. Kawawa nman parang malalamog na ung tuta T.T
"Tama na yan, akin na nga si doggy. Kinakawawa niyo siya T.T" Sabay kuha doon sa aso.
"Ayy, ang damot ni princess *c* Pahiram lng nman eh." Ang kulit talaga ni ate
"Hndi nman po kse ito laruan ate Tina -_-" Sabi ko tsaka umalis na papaakyat ng hagdan
"Hmm, osya. Mag bihis kana at malapit na tayong kumain princess." Makapag palit na nga.
Hndi na ako sumagot kay ate at umakyat na lng sa taas para makapag palit na ng damit.
**
Nakahiga kami ni doggy sa kama ngayon, Nilinisan ko na din siya para mabango siya *_* Bukas bibili ako nh dog food niya para makakain na siya ng maayos.
"Sino kaya ang amo mo doggy?" Yeah, nababaliw na yata ako kase kinakausap ko tong aso.
"Arfff" Aba! Sumagot. hahahaha
"Alam ko na papangalanan na lng kita. Hmmm ano kayang pangalan?" Ano kaya?
AHA ALAM KONA XD
"Ang ipapangalan ko sayo ay cake, kase kanina hinabol mo ko dahil sa cake, Tama. Ikaw na ngayon si cake ha?" Sabi ko sa aso este kay cake na ngayon ako buhat buhat ko na.
"Arff, arff." Aba mukang nagustuhan niya ito.
Ikaw na ngayon si cake na kaibigan ko. Masaya ako dahil kahit papaano may kaibigan na ako.
--
(A/N: Kahit walang nag babasa ng story na to T.T Pag papatuloy ko pa rin to T^T)
BINABASA MO ANG
Her Disguise
Teen FictionA girl who loves to hide her real life in the other side that no one know's who and what's the real her.