[7] The bitch revenge

11 0 0
                                    

"Hoy bata ka! Gumising ka na dyan, tanghali na may balak ka bang pumasok? Ha?" Galit na sigaw ni Manang sa labas ng pinto ko.

Kanina pa kasi alarm ng alarm ang alarm clock ko pero hndi pa din ako bumabangon.

"Manang, ayaw ko talaga pumasok" Natatakot talaga kong pumasok dahil alam ko pag datingko ng school mamaya ay yari ako kay Bitch -____- Kung bakit ba kasi ginawa ko pa yun sa kanya eh T.T

"Manang, ako na po bahala kay Princess" Narining kong sabi ni ate Tina

"Osge anak, papasukin mo yan anak. Hindi pwedeng hindi siya pumasok mapapagalitan lang siya" Waaaah! Oo nga pala T.T Papagalitan akooooo

"Sige po" Narinig ko ang yabag na papaalis na sa pinto

"Princess, hindi ka ba papasok?" Mahinahong tanong ni ate Tina.

Binuksan ko ang pinto atsaka siya pinapasok. Umupo ito sa tabi ng kama ko

"Pero ate, natatakot akong pumasok T.T" Natawa naman siya sa inasta ko, Huhuhu! Tinawanan pa ko T.T

"Pero bakit?" Tanong nito, saka tumayo at hinawi ang kurtina

"Eh kseee...." atsaka ko kinuwento ang ginawa kong kalokohan sa KFC kay Bitch.

Inaasahan kong magagalit si Ate sa kinuwento ko, Pero nagulat ako ng...

"BWHAHAHAHAHAHAHA, Talaga Princess? Ginawa mo yun? HAHAHAHA" Natawa pa ito T.T Minsan may pagka weird din itong si Ate Tina eh.

"Ah.. eh. Opo. Hindi ka galit ate?" Pagtataka kong tanong dito.

"Of course not. Bakit naman ako magagalit Princess? Sa ginawa niya sayo, i think she deserves that." Eeeee? May pagka bitch din talaga si ate minsan -______-

"Ang weird mo ate" Yan na lng ang nasabi ko. Dahil naguguluhan talaga ako kay ate.

"Hahaha, Ang astig mo Princess nagawa mo talaga yun? Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin salanila na isa ka talaga---" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na ito

"Sige ate, mag hahanda na po ako sa pagpasok" Saka na ko tumayo at naglakad papunta sa banyo, bago ako maka pasok nakita ko si Ate Tina na napa-iling na lang

"Matagal nang panahon yun Princess, Alam ko hindi mo pa rin ito matanggap, pero kailangan mong kalimutan na iyon" Narinig kong pahabol ni Ate Tina bago ito tuluyang lumabas sa aking kwarto.

Napasandal na lng ako sa pintuan ng banyo ko at naglabas ng isang malalim na hinga. Kailangan ko na ba talagang kalimutan iyon? Tamang panahon na nga ba? Pero sa tuwing naaalala ko ang nangyaring iyon na ikinasira ng aking pamilya ay hindi ko maiwasan na magalit pa rin. Hindi ko pa kaya...

--

Naglalakad ako ngayon papasok sa gate ng University ko. At talaga namang grabe na lng ang panginginig ng tuhod ko sa kaba. Samahan mo pa ng mga tingin sakin ng mga studyante na parang mamamatay ako gamit ang mga tingin na iyon

Hindi ko na lang sila pinansin saka ako dumiretso unang klase ko. Pagdating ko sa room ay wala naman masamang nangyari maliban sa mga tingin nilang mapanuri, sa tingin ko wala pang nangyayari sa ngayon....

Natapos ang unang klase ko ng wala namang kakaiba, maliban na lang talaga sa mga tingin nila. Parang may kahulugan ito, wala din si Bitch ngayon. Nakahinga ako ng maluwag sa balitang iyon.

Naglalakad ako ngayon papunta sa Cafeteria ng may humatak sa balikat ko, Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod, pero nasisigurado kong babae ito. Jusko lord. Eto na yata ang plano ni Bitch T.T

"Hey! San niyo ko dadalhin? Bitiwan niyo ko!" Sigaw ko sa mga ito pero parang wala itong narinig at diretso pa rin sa paghatak sakin, or let's say pagkaladkad sakin.

Her DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon