[6] Deserves that bitch

11 0 0
                                    

"Gerard has one more Math test before take the gradesare averaged. So far he has scores of 98, 94, 96, 93, 94, 95. What must be his score on this last test to mantain his present average?" Nagbabasa ako ngayon ng College entrance exam reviewer, habang naka higa sa malambot kong kama.

Tuesday ngayon at wala akong klase pag tuesday, Monday to Saturday lng ang pasok ko, Wala din ako pasok tuwing Sunday. So Tuesday and Sunday ang pahinga ko.

Kaya ngayon ay super bored na ko dito sa kwarto. Nakita ko tong libro na to sa bookshelves ko kaya tinignan at binasa ko.

Nakakatuwa lng isipin na nalampasan ko na ang mga lesson na yan at ngayon mas mahirap na ang tinatahak kong mga lesson. At alam kong kahit na gaano pa ito kahirap ay malalampasan ko rin ito kagaya ng lesson na binasa ko ngayon na nalampasan ko na.

Kasalukuyan akong nag iisip ng biglang may nag pop up sa utak ko na gawin.

Alam ko na pupunta na lng ako ng mall at mag shopping, Matagal na din akong hndi nakakapag liwaliw simula ng nangyari ang insidente na iyon sa mga magulang ko.

Sa tuwing naiisip ko iyon ay hindi ko maiwasan na malungkot. Kaya dapat nga lng siguro na mag saya ako ngayon.

Dumiretso na ko sa banyo ko at naligo at nag ayos. Nagsuot lng ako ng simpleng damit. Naka plain t-shirt white lng at short na kulay red na pinartneran ng wedge skechers kong red. Then, ready to go na!

*Knock* *knock*

"Princess, aalis ka ba? Kumain ka muna nakahain na ang pagkain sa lamesa" Ayy, nakalimutan ko pala mag paalam kay ate Tina na aalis ako, kase naman biglaan ang gala ko.

"Ah sige po ate, Susunod na lang po ako" Saad ko habang inaayos ang gamit na dadalhin ko, pinasok ko ang gamit sa bag na dadalhin ko. It's a simple side bag color white.

"Oh sige" At narinig kong umalis na din siya sa harap ng pinto ng kwarto ko.

Tumingin muna ako sa salamin at chineck ang itsura ko bago tuluyan ng lumabas at pumunta sa kitchen.

--

"Princess, malapit na ang pagdating nila" Nakangiting saad ni ate. Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon

"Oo nga ate Tina, sobrang saya ko nga po at malapit na silang dumating" Saad ko habang may ngiti sa aking mga labi.

"Lucy anak, sabihin mo sakin kung may nang aaway ba sayo sa school huh? Yari sila sa papa mo ako ang bahala sakanila" Saad ni papa.

Ayaw na ayaw kase nila papa na may nang aaway sa nag iisa nilang prinsesa.

"Opo papa, wala nman pong nang aaway sakin sa school. Takot lang nila sa muscle ng papa ko" Saad ko atsaka kami nag tawanan ni papa

"Tama na ang bolahan, at papasok na sa school" Biglang singit ni mama

"Opo mama, bye ma, bye pa" Then i kissed them in cheeks, at umalis na.

Biglang pumasok sa isip ko ang ala-ala na iyon kasama sila mama at papa. Nakaka lungkot lang isipin na matagal na panahon na din palang hndi ko sila nakikita

"Oh.. eh kala ko ba masaya ka bakit parang hindi nman, at nakasimagot ka pa diyan" Saad ni ate sabay subo ng kinakain niya.

"Wala ate, may naalala lang. Ayy sige ate una na ko, bye" Nilinis ko muna ang pinagkainan ko at saka tumayo na

"Sige princess, ingat ka. At huwag mag pagabi huh" Ngumiti na lng ako kay ate at saka tumango at umalis na.

--

Kinakabahan ako, paano pag nalaman nila ang nangyayari sakin sa school ko? Sigurado ako na hndi sila makaka payag doon. Malaking problema ito, hndi nila dapat malaman.

"Miss, SM na" Ako na lng pala ang tao dito sa jeep. Masyado yatang napalalim ang iniisip ko at hindi ko na namalayan na nasa SM na ako.

Bumaba na ako ng jeep at agad na pumasok sa loob ng SM.

Tumitingin ako ng magandang damit ngayon dito, nasa isang Shop ako at hindi ako makapili sa dami ng magaganda, well. Bibilhin ko na lng ang mga gusto ko. Pagtapos kong mamili ng damit ay pumunta ako sa Accesories at bumili ng isang silver na kwintas, bracelet at hikaw. Matagal na din kase akong hindi nakaka bili ng bago.

Napagdisisyunan ko munang kumain sa KFC, dahil gutom na din ako.

Busy ako sa pagkain, naisipan kong umupo sa may bandang dulo ng KFC para konti lang ang tao. Ang loner ko dito. Binilisan ko na lng ang pagkain ko para makaalis na agad ako.

Tumayo na ako dahil tapos na kong kumain, diretso lng akong naglalakad ng....

*Boooogsh*

May nabangga ako or let's say na sinadya niyang banggain ako kase malawak nman ang daan at nagawa niya pa kong mabangga

"Arrrgggh, Look. Natapon ang pagkain namin dahil sayo, tanga tanga kasi eh" Tumingin ako sa babaeng nakabangga ko at laking gulat ko ng si Bitch ito, may masama pa siyang dalawang babae na namumukhaan ko rin. Sila iyong nag locked at nag buhos ng tubig sakin

Napatingin ako sa sahig. Natapon nga ang pagkain nila

"S-sorry" Nahihiyang sabi ko dahil ang dami ng nakatingin ngayon sa amin

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Bayaran mo yan nerd" Tumingin ako sakanya at nakita ko siyang nag smirked

"Girl, pababayaran mo pa? Wag na bumili na lng tayo ng bago" Tanong ng kasama niyang isa

"Oo nga, girl. At mukang wala siyang pambayad" Sabi nung isa saka sila nag tawanan.

Pinipikon talaga ko ng tatlong to. Tumigil sila sa pagtawa at tumingi sakin si Bitch

"So? Magbabayad ka ba? Kung wala kang pambayad pwede nang kapalit ang luhod" Saad nito ng nakangiti, ngiting nakakaloko, ngiting plastic, ngiting nakaka bwisit

Unti unti akong umupo, at narinig ko silang nagtawanan na tatlo.

Umupo ako, pero di ako umupo para lumuhod. Umupo ako, kinuha ko ang bag kong nalaglag sa pagkaka bangga niya

Nanlaki ang mata ng tatlo ng nakitang tumayo ako. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko kumuha ako ng dalawang libo na. Tinapat ko ito sa mukha niya saka sinabing.. "Oh bayad, Dalawang libo na yan. Sabihin mo lang kung kulang pa dadagdagan ko na lang" I smirked. At naglakad na ko ng paalis at iniwan silang nakanganga. You deserves that bitch.

Umalis ako sa KFC ng may ngiti sa aking mga labi. Pumunta muna ko sa National bookstore at bumili ng libro atsaka umuwi na.

Pagkauwi ko ay sinalubong ako ng cute na cute kong aso na si Cake, Binuhat ko ito at saka nilaro muna sa Sala bago umakyat na sa kwarto ko.

Feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko ng maka uwi, nakaganti din ako sa bitch na iyon. Pero natatakot ako sa gagawin niya pag pasok ko. Sigurado ako na hindi siya papayag na hindi maka ganti. Well, let's see.

*****

Her DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon