"Mumu na nagsasalita?" Saan ko nman nakuha yun?
"Hoy, hoy. Anong mumu ka dyan! Hndi ako multo, Gwapo ko nmang multo." Lumingon ako sa paligid para hanapin kung sino yung nagsasalita na yun. At may naaninag akong nakahiga sa may kabilang sulok, lalaki ito
"Ehem, mahangin. Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Well, alam kong natutulog siya pero bakit dito?
"Well, wala kang pakielam. Ikaw anong ginagawa mo dto? Bakit andito ka?" Barahan pala gusto mo ah.
"Well, wala ka din pakielam." Pagtataray kong ganti
"Tss." Tss your face.
"Waaaah! Malas talaga oh >.< Una nakulong ako dito tapos ngayon may kasama pa akong monster dito." Bulong ko sa sarili.
"Hoy, anong sabi mo? Sinong monster?" Narinig niya, patay
"Ah wala, sabi ko monsters yung mga nagkulong sakin dito" Pero ang totoo ikaw talaga ang monster, pangit bwisit.
"Well, wala akong pake" Tignan mo tong bwisit na to -____-
"Bwisit" Saad ko ng pabulong
"Ka" Ang talas ng pandinig niya T^T
"Bakit ba di ka pa lumayas dito? Siguro gusto mo din noh?" Aba, talaga namang napaka kapal ng lalaking to ah
"Ang kapal mo. Naka lock lng nman yung pinto kaya di ako makalabas. Mas gugustuhin ko pa nga na mabugbog nila kaysa makulong dito kasama ang tulad mong mahangin at monster" Narinig kong tumayo siya at naaninag ko ang anino niya na nag lalakad patungo sa pinto at sinipa ito, at bumukas na ang pinto
Kahanga hanga ang lakas niya, sa isang sipa lng nasira na niya ang pinto. Naiimagine ko kung ano kaya ang itsura niya? Kaso mukang may iba yata sa kilos niya, mukang galit
"Edi lumabas kana" Mukang nagalit nga ata siya sa sinabi ko, patay
"Ah.. eh.. Yung sinabi ko kanina wag m-"
"Wala akong pakielam sayo at sa sinasabi mo lumabas ka na." At nagmadali na akong lumabas dahil baka kainin pa ko ng monster na to
Ano nangyari dun? Bakit kaya nagkaganon yun?
Dumiretso ako sa canteen para kumain. Nagutom ako sa pagkaka kulong dun dalawang oras din ako naka kulong dun kasama ang monster na yun, hndi lng halatang dalawang oras dahil hndi kami nag iimikan
"Ahm, miss isa nga pong strawberry cake, fries, burger at coke" Gutom na talaga ako
"Eto na po" Sabay abot ng babae ng order ko dumiretso na ako sa counter at binayaran saka umupo at nilantakan ang pagkain ko
"Look oh! Patay gutom, babae ka ba talaga? Grabe ka kumain daig mo pa lalaki, Ganyan ba talaga pag mga poor?" Saad ng babae sa harap ko na may straight at red hair na buhok na may kasama pang isang babae na Black na black ang buhok na kulot
Poor? Ganon ba talaga tingin nila sakin?
"Anong kailangan niyo sakin?" Umupo sila sa katapat kong upuan at saka tumingin sakin na parang nandidiri
"Wala nman, gusto lang namin ipatikim sayo itong Juice na hawak kong galing pa sa France, baka kase di ka pa nakakatikim nito." Hndi ko kailangan ng Juice mo
"Sorry pero di ko kailangan niyan, salamat na lng" Saad ko saka pinagpatuloy ang pagkain
"Oh really? Ang arte mo nman ikaw na nga binibigyan minsan ka lng makakatikim niyan at for sure hindi mo kayang bumili ng ganyan." Saad niya saka sila tumawa ng kasama niya.
Hindi kaya bumili? Bigyan pa kita ng sampong kahon niyan eh
"Sorry pero ayoko tumanggap ng kahit ano galing sa hindi ko kilalang tao, Mabuti pa ipaligo mo na lng yan sayo malay mo may pag asa pang malinis ang madumi at masama mong kalooban, sige bye" Ewan ko kung saan ko nakuha ang tapang ko para sumagot, siguro napuno na ako sa mga panlalait nila. Hndi nman nila kilala ang tao, mga bwisit
Umuwi na lng ako sa bahay at nagpahinga na, dapat wag ko na lng silang pansinin, hayaan ko na sila basta alam kong wala akong ginagawang masama sakanila
-----
(A/N: NAKAKALUNGKOT ANG STORY NA TO T^T NAPAKA TAHIMIK AT WALANG NAGBABASA :'()
BINABASA MO ANG
Her Disguise
Teen FictionA girl who loves to hide her real life in the other side that no one know's who and what's the real her.