Bumalik si Julie sa bahay ng mga Young. Gaya nung nakaraang araw hindi na siya pumasok sa loob kasi baka mamaya may makakita sa kanya. Pero buti na lang nandun lang sa malapit sa gate si Janine.
"Janine." tawag ni Julie
"wonderwoman! buti na lang bumalik ka. kanina pa kita iniintay eh!" si Janine.
"Syempre naman. Nangako ako sayo di ba?" si Julie.
Magaang ang loob ni Julie kay Janine hindi niya alam kung bakit pero yun ang nararamdaman niya.
"Ay ate wonderwoman. Eto oh!" si Janine at may inabot na sobre kay Julie
"Ano ito?"
"open it po para malaman mo." si Janine
Nagulat si Julie sa nakita. as in ganito O_O may tseke kasing nakalagay sa sobre.
"One-hundred thousand pesos?" si Julie."
"Yes. ate wonderwoman, magagamit mo po yan para makapag ganti ka sa ate ko." si Janine.
"Hindi ko ito kaylangan Janine. Matutulungan naman kita kahit wala nito eh." si Julie
"Ate don't worry. hindi naman ako mapapagalitan dyan eh. Si ate . Si ate ang masisisi dyan kasi siya yung nakapirma dyan eh. kinuha ko yan sa bag niya kanina." si Janine.
Hindi na tumanggi pa si Julie at tinanggap ang pera pero wala siyang balak gastusin ito. itatabi niya lang ito para kapag nagkahanapan na ay mababalik niya din.
"Janine sino yang kausap mo?" si Lauren. nagtaka si Lauren kasi may hindi pamilyar na babae na kumakausap sa kapatid niya.
"Sino ka?" dagdag pa ni Lauren pero hindi nagsalita si Julie.
"Ate. friend ko siya. Tara na pumasok na tayo sa loob dali na. uuwi na rin itong friend ko eh!" nakangiting sabi ni Janine at agad naman silang pumasok sa loob ng bahay.
Nakauwi na sa bahay si Julieta. As usual bubuksan niya ang pinto ng bahay nila at pipindutin ang nakapatay nilang ilaw pero bago niya mapindot ang ilaw ay bigla itong bumukas.
"San ka nanaman galing?" tanong ng nanay ni Julie.
"Ay ma. bat gising ka pa?" si Julieta at biglang bumeso sa mama niya.
"Julieta teka nga! San ka ba talaga nagpupunta? Bakit ganitong oras ka na lagi umuuwi?"
"Ma. hayaan niyo na lang po ako. dont worry hindi naman ako mapapahamak eh. papasok na po ako sa kwarto ko," sinabi ito ni Julieta at agad ding umalis
magte-12:07 na ng gabi/madaling araw. Hindi pa rin nakakalabas ng bahay si Julieta. malamang sa malamang nagbabantay sa baba ng bahay nila ang mama niya para malaman kung saan talaga nagpupunta ang anak. Pero dahil sa kagustuhan ni Julie na pmunta sa bar ay bumaba ito sa bintana ng kanyang kwarto. buti na lang may hagdanan doon na sinadyang gawin para sa mga aberya tulad ng sunod at iba pa.
Nakalabas na si Julieta ng bahay nila, ay hindi. si Julie na pala dahil naka make-up na siya at ibang iba na ang ayos. Agad na itong pumunta sa bar at hindi niya alam na sinundan pala siya ng nanay niya.
pagdating na pagdating ni Julie sa bar ay agad siyang pumasok. Pagkapasok na pagkapasok niya ay may nakabangga siyang isang babae. si Maqui.
"Ju-Julieta?? Anong ginagawa mo dito?" si Maqui.
"Julieta." sabay hatak naman ng isang babae na nasa likod niya. "Aba kasabwat ka rin pala dito maqui. akala ko ba bestfriend ka ng anak ko? bakit mo siya dinadala sa ganitong lugar?"
"Teka. Teka nga bitiwan mo muna ako miss. Tama ba ang pagkakarinig ko? Julieta ang tawag niyo sakin?" si Julie na medyo mataray ang pagkakasabi. "Alam niyo mga miss baka nagkakamali lang kayo kasi Julie. Julie Anne ang pangalan ko." dagdag pa nito.
"Hindi, ikaw yung anak ko eh! ikaw yung sinundan ko papunta dito." si Marivic.
"Sorry miss ah! hindi kita kilala Hindi ko kayo kilala. Baka nagkakamali lang kayo." pagpapanggap ni Julie.
"Julieeeeee. Bestfriend!" si Diva.
"Hayyy. Diva buti na lang dumating ka! Pakisabi nga sa mga to na Julie ang pangalan ko., Pinagpipilitan kasi nila na ako daw si Julieta eh!" mataray nanaman na sabi nito.
"Ay oo nga po mga miss. Siya si Julie Anne. She's my bff." si diva.
"Ay sorry miss Julie. sorry din miss. Nagkamali lang tong tita ko. Hinahanap niya kasi yung anak niya eh! Pero magkasing ganda kayo Julie." si Maqui at umalis na rin agad at sinama si Marivic.
"Mygossh Julieta. muntik ka ng mahuli. Dapat mag-ingat ka para hindi na masira ang mga plano mo." eto yung mga salitang umiikot sa utak ni Julie.
Next time naman ulet update. :) salamat sa mga nagbabasa