Julieta X Chapter 5

159 4 0
                                    

Nagpasama si Julie sa bahay ng mga Young para makita si Janine. 

"Sure ka na ba dito? Eto na ba talaga yung bahay nung Lauren Young at Janine Young na yun?" tanong ni Julie.

"Oo naman Julie. Sure na sure. Ayun nga si Janine oh!" sabi ni Ynna, kaibigan ni Diva. sabay turo kay Janine.

"Osige. pwede mo na akong iwan dito. Salamat ah!" si Julie at lumapit papunta kay Janine.

"Ha- Hi Janine!" 

"Si- sino ka po?" sagot ni Janine na parang bata ang boses.

"Ak-ako si......." biglang naputol dahil biglang sumabat si Janine.

"Teka, Ikaw po ba si Wonderwoman? Ikaw yung pinepray ko kay Papa Jesus na magpa-fight kay ate Lauren kasi inagaw niya sakin si Elmo my loves." si Janine na pinapabata ang boses.

"Oo. ako nga si wonderwoman. wag kang magalala Janine. tutulungan kitang gumanti sa mga nanloloko sayo." sabi ni Julie.

"Talaga? Yes! Yes! Yes! Thank you ate wonderwoman. I Love You. I Love you." sabay yakap kay Julie ng mahigpit.

"Osige. Pero bago kita tulungan dapat magsabi ka muna sakin ng totoo." si Julie.

"Opo. sige po. Promise. Honesto." sinabi ito ni Janine ng nakangiti at nagtaas pa ng kanang kamay na parang si Honesto

"So. anong totoong name mo?" si Julie

"Ako po si Janine San Jose"

"Ha? bakit San Jose? Di ba Young ang apelyido niyo?" 

"Hindi po. Si Ate lang yun at si Mama. Ayaw kasi ni Mama na maging San Jose yung apelyido ni Ate Lauren. Si Papa ko kasi San Jose yung apelyido."paliwanag ni Janine.

"Talaga? Ano ba buong pangalan ng Papa mo?" Tanong ni Julie.

"Jonathan po. Jonathan San Jose."

Biglang kinabahan si Julie sa sinabi ni Janine. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya na parang sasabog na, Maraming tumatakbo sa isip niya at bigla niyang naalala ang lalaking dahilan kung bakit siya naghihiganti ngayon. Ang lalaking nang-iwan sa kanila ng mama niya at ang lalaking dahilan kung bakit may galit siya sa mga lalaki.

"Julieta, kapangalan lang siya ng papa mo. Hindi siya ang papa mo." sa isip ni Julie.

"Ate Julie. Okay ka lang po? Bat ka po natulala?" si Janine.

"Ah okay lang ako. May picture ka ba ng daddy mo?" tanong ni Julie.

"Ay wait po. Meron po. Eto po oh nasa phone ko." inilabas ang phone at papunta na sa gallery si Janine ng biglang.....

"Janineeeee. Janineeeeeee. tawag ka na ni mommy. asan ka na?" sigaw ni Lauren. si Lauren ang nakatatandang kapatid ni Janine.

Thanks sa lahat ng nagbabasa. Love love :) 

Julieta XWhere stories live. Discover now