CHAPTER THREE.
BLOM:
"Huang Yong, ikaw ang bahalang mag-check sa itaas. At ikabit mo ang mga cctv, ako naman dito sa ibaba at sa labas."
"Copy Blom."
"Huwag mo ring kalimutan na kabitanan ang may pinto at mga bintana."
"Copy!"
Kumilos ako at nag-ikot-ikot sa buong paligid ng sala at kinabitan ko ito ng mga cctv. Nang matapos ako sa loob ay lumabas rin ako. Para malagyan rin ng mga cctv ang paligid ng bahay. Makabagong teknolohiya ang aming ginagamit.
Maliliit na camera ang aming ikinabit, upang hindi madaling mahalata ng mga kalaban. Nang matapos kami sa pag-aayos ay pinatawag kami ni Don Lawrence sa kaniyang library.
"Magandang hapon Don," bati namin ni Huang Yong.
"Take a seat."
"Sino nga ulit si Blom sa inyo?"
"Ako Don, siya naman si Huang Yong."
"Pinatawag ko kayo, dahil may mahalaga akong misyon sa inyong dalawa. I will pay you, five million each."
"Ano ang kapalit Don?" Tanong ko.
"Protektahan lang ninyo ang aking mga anak, na hindi sila mapapahamak. Huang Yong. Ipagkatiwala ko sa'yo ang aking bunsong anak na si Dekker. Siya ang priority mo. Naninigurado lang ako para sa mga buhay nila."
"Huwag kang mag-alala Don, makakaasa ka na, gagampanan namin ang aming trabaho." tugon ni Huang Yong.
"Blom, sa'yo ko ipagkatiwala ang aking panganay na anak na si Dane. Nasa America siya ngayon, please! Protect him."
"Kahit buhay ko Don. Isusugal ko, para sa aming sinumpaang trabaho."
"Salamat. Ito ang mga tseke, anytime, ma-withdraw ninyo 'yan."
"Salamat Don."
Tumayo na kami ni Huang Yong para bumalik sa aming trabaho.
"Huang Yong, pwede kanang bumalik sa trabaho. Blom stay here."
"Yes Don," tugon ng aking kaibigan at agad lumabas.
"Blom, malaki ang tiwala ko sa'yo. Kaya sa'yo ko ihabilin ang lahat na mga importanteng bagay. Kung sakaling may masamang mangyari akin. Ikaw na ang magbigay nitong lahat kay Dane. Hindi ito alam ng aking mga anak, ito ang sekretong vault"
Sabay alis niya ng isang tiles sa sahig. Pinindot niya ang itim na botton at biglang humiwalay ang magkadikit na lalagyan ng mga libro. Lumantad sa akin ang isang napakatibay na pinto. Na kahit pagbabarilin ito ay hindi basta-bastang mawawasak.
"Ang password nito ay ang title ng paborito naming kanta ni Dane"
"Noted Don."
"Nandiyan lahat ng mga dokumento ng aming mga ari-arian Blom."
"Sana huwag mo akong biguin." Aniya na tila nagpapaalam na.
"Don, makaasa ka. By the way Don, lahat ng paligid ay kinabitan na namin ng mga cctv. Sa inyong pinto sa labas ay meron na rin at sa labas ng bintana.
"Mabuti kung ganoon Blom."
"Kailangang mag-double ingat tayo. Dahil hindi pa natin kilala ang mga kalaban . Pero 'wag kayong mag-alala, dahil nag-imbestiga na kami."
"Good!"
Hanggang sa natapos ang aming pag-uusap ni Don. Lumabas na ako para mag-checking sa paligid.
Pagsapit ng hating gabi ay may nakita kaming mga kalalakihan na kahina-hinala ang nga galaw, at nasa labas ang mga ito.
"Huang Yong, kunin mo si Dekker at dalhin mo sa kuwarto ng kaniyang mga magulang."
Utos ko, at naghanda ako sa aking sarili. Tiningnan ko ang buong paligid sa labas at sampung tao ang aking nakikita. Ang iba ay may dalang mga armas, dali-dali kong isinuot sa aking likod ang samurai, isang baril na may silencer at isang maliit na patalim. Isinuot ko rin ang maliit na earphone, na naka-konekta kay Huang Yong.
Dali-dali akong lumabas at nagpunta sa kuwarto nila Don. At agad akong kumatok. Tama naman na dumating si Huang Yong at dala niya si Dekker.
Tok!
Tok!
Tok!
"Sino 'yan?"
"Si Blom. Don Lawrence, please open the door."
"Blom, may problema ba?" Kinabahang tanong ni Don nang mabuksan niya ako.
"May mga armadong tao sa labas."
Ano?! Bulalas ng ginang at agad-agad kaming pinapapasok..
"Huang Yong, bantayan mo sila at i-check mo ang mga cctv. Ako na ang bahala sa labas at i-guide mo ako." Utos ko at lumabas na sa kuwarto.
"Mag-iingat ka Blom!" Paalala ni Huang Yong.
"Dahan-dahan akong lubas sa kuwarto, at nang makarating ako sa baba ay maingat kong binuksan ang likurang pinto at dito ako lumabas.
May dalawang lalaki na papaakyat sa bakod at agad akong pumwesto.
"Blom, may papaakyat." Boses no Huang Yong.
"Oo! Dito ako at nakapwesto na."
Nang makatalon ang dalawa ay agad ko silang binaril
Bang!
Bang!
Parehong bumagsak ang dalawa dahil pinuruhan ko ang kanilang mga noo.
Itutuloy!!
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND Author:JHYNE JUNTILLA
ActionTHE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND Genre: Action/Romance Author:JHYNE JUNTILLA DANE TIMMER-THE BACHELOR BILLIONAIRE,HANDSOMEMAN. Maraming kalaban sa negosyo dahil sa husay nito. Maraming naghahabol na babae, Dahil siya ang lalaking pe...