CHAPTER FIVE
BLOM;
Dali-dali kaming sumakay sa kotse, si Don Lawrece at ang kaniyang asawa ay sa back seat nakaupo kasama si Huang Yong. Katabi ko naman si Dekker at bago ko pinaandar ang sasakyan ay sinigurado ko muna na maayos ang pagka-seatbelt ng bata.
"Don Lawrence, madam mag-seatbelt kayo." Utos ko, at tinulungan naman sila ni Huang Yong.
"Honey, sino ba ang mga iyan? Bakit hindi nila tayo tinatantanan?" umiiyak na nagtatanong ng kaniyang misis.
"I don't know honey."
Pinaandar ko ang sasakyan at pinaharurot ko ang takbo.
Bang!
Bang!
Bang!
Putok mula sa aming mga kalaban at dali-dali silang sumakay sa kanilang mga sasakyan. Dalawang sasakyan ang humabol sa amin, kaya agad kong tinawagan si General.
"General, kailangan namin ng back up. Nakalabas na kami, ngunit may mga humahabol sa amin."
"Blom, saan na kayo banda?"
Nang matapos kaming mag-usap ay nagpokus na ako sa aking pagmamaneho. Habang si Huang Yong naman ay nakikipagpalitan ng putok
Bigla kong naapakan ang preno, sapagkat may isang sasakyan na humarang sa amin at mga armado ang sakay ito. Nagpalinga-linga ako sa ibang kalsada kung saan kami pwedeng makalusot.
Bahagya kong pinaatras ang aming sasakyan. Ngunit niratrat kami ng mga kalaban.
"Dekker, yuko!" Utos ko sa bata at itinulak ko ang kaniyang balikat para maiwasan ang bala na papunta sa kaniya.
"Uuuh!" boses ni Don Lawrence.
Aaaah!
Aaaah!
"Blom may tama ang asawa ko." sigaw ni madam."
"SHIT!" Bulalas ko.
"Pinatakbo ko ng mabalis ang kotse para maisugod namin si Don sa hospital.
"Honey!" Huwag kang pumikit HUHUHU!"
Boses ni madam na niyakap si Don Lawrence at hinawakan ang bahaging dibdib ng asawa, kung saan natamaan si Don.
Si Huang Yong naman ay patuloy ang pakikipag-barilan sa mga kalaban na sumusunod pa rin sa amin.
Bang!
Bang!
Bang!
Booom!
"Mga putok mula sa baril ni Huang Yong at sinundan ng malakas na pagsabog. Natamaan niya ang makina, dahilan sa pagsabog ng isang sasakyan. At dahil nakaharang iyon sa daan kaya nakalayo kami sa mga kalaban.
"BLOM!" Malubha ang lagay ni Don Lawrence bilisan mo pa!"
"Huang Yong, tawagan mo si General. Sabihin mo papunta tayo ng hospital."
"B-Blom... H-uang..." Sambit ni Don Lawrence na paputol-putol.
"Bakit Don?" Tanong ko.
"H-hu-wag mong paba-ba-yaan ang pa-milya ko."
"Gagawin namin 'yan Don."
"Pa-nga-ko mo 'yan"
"Opo Don Lawrence. Pangako namin 'yan." sabay naming tugon ni Huang Yong.
"Malapit na tayo sa hospital Don Lawrence, huwag ka munang magsasalita!" wika ni Huang Yong.
"Daddy, huwag kang mamatay dad! Please! HUHUHU!" Boses ni Dekker, na panay ang punas sa mga luha.
Nang makarating kami sa hospital ay agad dinala si Don sa Operating Room. At kami ay naghintay sa labas.
"Tawagan ko lang ang anak ko Blom, iparating ko sa kaniya ang nanyari sa daddy niya." Malungkot na paalam ni madam.
"Sige po!"
"General!" Sambit ko nang makita ko siyang papalapit sa amin.
"Mabuti at nakalayo kayo. Kumusta si Don Lawrence?" tanong ni General Mons Omo.
"Wala pang balita."
"May dinala akong mga tauhan Blom para magbantay dito."
"Mabuti kung ganoon General."
Nang makaalis si General ay nagsimula akong mag-usisa sa aking among babae.
"Madam may konting katanungan lang ako."
"Ano 'yan Blom?"
"Base sa aming pag- imbestiga ay wala naman kayong naka-away. Maliban lang sa mga ka-kompetensya sa negosyo. Pero sa tingin ko po ay may malalim silang dahilan. Madam may alam ka ba na pwede nilang hahabulin sa pamilya ninyo? Like importanteng bagay."
"Kung importanteng bagay, isa lang ang alam ko Blom. 'Yung mga ginto na nahukay ng aking asawa sa nabili niyang lupa, doon sa isang probinsya. Pinag-aagawan pa 'yun, kung sino ang makabili."
"Kung ganoon, iyan ang pakay nila. Marami ba ang nakakaalam nito madam?"
"Sa pagkakaalam ko mga lima sila."
"Pwede ko bang makuha ang kanilang mga pangalan?"
Agad kong isinulat ang mga pangalan na sinabi ni madam, at ito ang lalakarin namin. Balak ko sanang sabihin kay General, ngunit napansin ko na may traydor sa departamento.
Kinabukasan ang dating ni Dane, at hindi ko rin ito pinaalam kay General. Binilin ko kay madam na sabihan ang anak na mag-disguise siya. At agad akong tawagan pagdating niya sa paliparan. Ang lahat ng aking sinasabi ay sinunod ni madam.
"Huang Yong, pupunta ako sa airport. Dito lang kayo sa loob at bantayan mo ang bawat taong pumapasok."
"Okay Blom, mag-iingat ka."
"Salamat."
________
DANE;
"Hello! This is Dane, papalabas na ako sa eroplano."
"Okay, anong suot mo?"
"Naka sumbrero ako ng itim, Jacket na itim at puti na pantalon."
"Pamunta na ako sa entrance."
"Okay!"
Lumabas ako sa entrance at nagpalinga-linga, hinahanap ko ang aming sasakyan.
"Sakay!" boses ng isang babae.
Nagdadalawang isip ako na lumapit sa kotse, dahil balot na balot ang nagmaneho nito.
"NINJA?"
Bulong ko!
Itutuloy!!!
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND Author:JHYNE JUNTILLA
AksiyonTHE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND Genre: Action/Romance Author:JHYNE JUNTILLA DANE TIMMER-THE BACHELOR BILLIONAIRE,HANDSOMEMAN. Maraming kalaban sa negosyo dahil sa husay nito. Maraming naghahabol na babae, Dahil siya ang lalaking pe...