CHAPTER FOUR

3.6K 144 5
                                    


CHAPTER FOUR

BLOM;

"Blom, right side may tatlong nakapasok!" Sabi ni Huang Yong.

Nakayuko ako habang papalapit sa kinaroroonan ng tatlong kalaban. Agad kong binunot ang maliit kong patalim. Nang makalapit na ako sa isa ay palihim kong tinakpan ang kaniyang bibig. Sabay laslas sa kaniyang leeg.

Nang lumingon ang isa ay agad ko ring sinaksak ang kaniyang dibdib.

BANG!

Binaril ko naman ang isa pa, dahil bumunot ito. Ang mga bangkay ay itinago ko sa gilid, upang hindi mahalata ng mga kalaban

"Huang Yong! Saan ang next target?"

Ang lahat kong pagpatay sa mga kalaban ay nasaksihan ni Don Lawrence at lihim siyang napahanga.

"Blom!" Pupunta ako diyan, may iba pang dumating. "Wika ni Huang Yong.

"Don Lawrence, hito itimbre mo sa amin ang mga location ng kalaban. Kailangan kong tulungan si Blom. Ito ang baril, at kahit anong manyari huwag kayong lumabas dito."

"Okay, okay! Please mag-ingat kayo." Isinuot naman ni Don Lowrence ang airphone.

Dali-daling lumabas si Huang Yong at maingat na nagmamasid sa paligid. Hindi namin hinayaan ang kalaban ng makalapit sa bahay

"Saan ka Huang Yong?" tanong ko.

"Nandito ako sa likod Blom."

"Mag-iingat ka diyan," paalala ko.

BANG!

BANG!

Putok mula sa kalaban at maagap naman akong nakagulong sa lupa.

Bang!

Bang!

Bang!

Tatlong putok mula sa aking baril na may silencer at tatlo rin ang bagsak. Sa bawat putok ng aking baril ay lagi kong sinisiguro na matataan ang aking mga kalaban.

"Psit! BAAG!" Sitsit ni Huang Yong sa kalaban sabay palo sa ulo. Nang mawalan ng malay ay agad niyang nilaslas ang leeg.

Sa batas namin ni Huang Yong ay "NO MERCY" Pagdating sa aming mga kalaban. Hindi namin ito iiwanan ng may buhay. Dahil marami ang posibleng manyayari kung sakaling bigyan ng second chance.

"Ayos ka lang Blom?" tanong ni Huang Yong. Nang mapag-abot kaming dalawa.

"Oo' ayos lang ako, huwag mo akong alalahanin."

THE BILLIONAIRE AND THE SECRET OF HIS GIRLFRIEND Author:JHYNE JUNTILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon