Chapter 13
BLUE POV:
Hindi na ako nagulat ng makita ko ang pagkamangha sa mukha ni Jezz. Never kasi siya dinadala ng parents niya at si Dhie sa ganitong lugar. They are overprotective at her.
Nabigla naman ako ng hawakan ni Jezz ang kamay ko at hinila sa harapan ng isang ride. Octopus. Shit, gusto niyang sumakay jan?
"Sakay na tayo jan, Blue!" Masayang aniya at tinuro ang ride na nasa harapan namin. Napalunok ako. Really Jezz? Kaya mo yan? Darn.
Napatigil naman si Jezz nang mapansin niya akong natahimik at namumutla.
"Hey, may sakit ka ba?" Hinipo niyo ang noo ko, umiling ako sakanya
"Ahm, pwede bang magferris wheel nalang tayo?" Ani ko, napansin ko ang pagnguso nito.
"Sige na blue. For me?" Huminga ako ng malalim at tumango nalang.
Ngumiti siya ng napakalapad at niyakap ako, "yes. Thank you, blue! The best ka talaga!" Bumitaw na siya at hinila na niya ako papasok. Sumakay na kami, at wala pang minuto ay bigla nalang umikot. Shit shit shit shit.
"DAMN IT! AHHHHH!"
"WAHAHHAHAHAHA"
"STOPPPP! STOPPPP!"
"ISA PA! ISA PAAAAA!!"
Pagkatapos ng ride, ay bumaba na kami at feeling ko magkakaroon ako ng jetlag. Tangina. Nahihilo ako, feeling ko masusuka ako ng dis oras.
"Wahhh, sakay naman tayo sa viking!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko, v-v-viking? Fuck.
"V-viking talaga jezz? Ferris wheel nalang..." Napaisip naman siya at dahan dahan na tumango.
"Osige..." Nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. Masaya na akong nakikita ko siyang masaya.
Umaandar na ang ferris wheel na sinasakyan namin ngayon. Gabi na kaya kitang kita namin ang mga ilaw sa syudad. Wow.
"Sana tumigil ang oras..." Narinig ko ang pagbulong ni Jezz habang nakatingin sa labas, ngumiti naman ako. Sigurado akong nagenjoy siya sa mga ginawa namin ngayon.
Pinatong niya ang ulo nito sa aking balikat, "Maraming salamat, blue..."
"For what?"
"For everything, and for these..."
"Just for you Jezz, alam mo naman na gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kita..."
"And I'm thankful that you're here... Thank you so much, blue."
Kung sanang pwede kong patigilin ang oras, kanina ko pa ginawa. Sigh
Edited: April 26 2017