Chapter 18

4.1K 63 0
                                    


Mikaire's POV

Nasan na kaya yung kotse ko? Kanina pa ako paikot-ikot dito sa parking lot pero wala talaga. Nakakainis!

Pumara nalang ako ng taxi at saka nagpahatid sa bahay. Sino naman kaya kasi ang kumuha ng kotse ko eh yun lang ang kaisa-isa kong kotse!

"Dito nalang po manong." sabi ko at saka inabot ang bayad sa kanya.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Kliya na nakatayo sa gate na parang nagtataka.

"Uyy sis, diba may kotse ka? Ba't ka nagtaxi?"

Sino ba kasi ang abnormal na kumuha ng kotse ko.

"Wala na. Pinagpyestahan na ng iba." sabi ko saka lumakad papunta sa loob.

"What do you mean? Don't tell me na na-carnap?"

Tumango ako.

"Gusto mo bang alamin natin kung sino ang kumuha nun?" pagtatanong nya.

"Wag na. Saka mag-iipon nalang ako ulit para makabili ng kotse na yung hindi na galante tulad nun ng di na ma-carnap ulit. Yun nga lang ang kotse ko kinuha pa. Hayy!"

Pinagsalubong nya ang dalawa nyang kilay. Sasabihin na naman nyang–

"Aysus ka! Ano ba ang silbi ng asawa ng bilyonaryo kung mag-iipon ka ng pambili? Hello? Kayang-kaya ni kuya yun."

Sabi na nga ba eh.

"Hayaan mo na. Hindi na muna ako gagamit ng kotse."

-

"Bakla san ba nakalagay ang diaper nila? Tumae kasi silang tatlo eh ang taray! Nakakaloka ang mga bagets mo." reklamo ni Sandro kaya napatigil ako sa pagbabasa.

"Bakit? Wala ba dun sa kwarto?" pagtatanong ko.

"Wala na bakla kaya nga nagtatanong ako sayo diba."

Patay. Naubusan na pala ng stock ng diaper. Ba't ba nawala yun sa isipan ko kanina dun sa market?

"O heto na pala si Kent, may dalang supot ng diaper." sabi ni Sandro saka kinuha ang dala nya.

"Hephep! Patingin muna." pigil ko sa kanya.

Omg. Iba't-ibang brand ang binili ni Kent? EQ, Lampein, Huggies, Pampers?

Tiningnan ko si Kent. Hanep din nito mamili eh.

"May plano ka bang ubusin ang mga diaper sa market? Grabe. Di naman sosyal ang mga bata everyday iba-iba ang brand ng diaper."

"Di ko kasi alam kung ano ba kaya kumuha nalang ako. Alangan namang napkin ang bilhin ko para sa kanila diba?"–Kent

"Ewan ko sayo! Sige na Sandro palitan mo na ng diaper ang mga bata dun at magluluto na ako." utos ko at saka pumunta sa kusina.



Izille's POV

Kanina pa ako naiinip dito. Nakakainis. Ang babagal kumilos ng mga bwisit.

"Uyy girl, chill ka lang. Ako nahihilo sa ginagawa mo eh."

"Shut up Maureen! Hindi pwedeng wala akong ginagawa habang naka-stock ako dito sa bahay! Kelangan kong maisagawa ang mga plano ko."

"Hayy naku. At ano na naman yan? Pagka yan nalaman ng mama mo naku magagalit na naman yun."

Pinanlakihan ko sya ng mata. Ba't ba kontra to?

"Boba! Pwede bang makisabay ka nalang kesa marami ka pang satsat dyan?! Hindi pwedeng hindi ko makuha si Kent dahil akin lang sya at hindi dun sa babaeng yun!" sagot ko saka uminom ng wine.

"Eh girl, pansin ko lang, medyo hawig ni Mikaire ang mama mo eh." –Maureen

"Gaga. Bulag ka ba? Try mo magsalamin para naman malinawan ka sa sinasabi mo. Maureen, tawagan mo ang mga tauhan ko, sabihin mo may ipapagawa ako."

"Girl naman ba't ako? Ikaw nalang." pagrereklamo nya.

"Susundin mo ba ako o dudukutin ko yang mata mo? Bilis!"

Hindi magtatagal ay mapapasakin ka rin Kent. At sisiguraduhin kong matatahimik ang Mikaire na yan.

Dating My BILLIONAIRE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon