Chapter 15

5K 88 0
                                    

Mikaire's POV

Kanina pa kami nagtatalo ni Kent dito sa kwarto. Gusto nya kasing magpa-ultrasound ako ngayon kaso ayaw ko lang talaga lumabas.

"You should really go to Obgyne now honey." pamimilit nya sakin. Pero ayaw ko talaga eh! Bakit ba ang kulit nito?

"Ayoko nga. Tsaka bakit mamatay ba ang mga buntis kapag di nakapagpa-ultrasound? Kalokohan. Wag na. Gagasto na naman. Mabuti pang ibili nalang ng pagkain yung perang ibabayad dun." sagot ko sa kanya. Tiningnan ko sya at napabuntong hininga ng malaman nyang ayaw ko talaga. He's defeated.

"Fine. We're not going. But kung may kelangan ka just call me okay? I have to go." paalam nya saka humalik sa noo ko.

"Okay. Ingat!"

Magpapalit sana ako ng damit ng biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang screen nito pero unregistered number ang nakalagay. Sino naman kaya to?

Ini-slide ko ang answer button at itinapat sa tenga ko.

[Beshy! Kumusta ka na!]

"Sino to?" tanong ko.

[O my gulay bakla! Nakalimutan mo na ako? Ang sakit sa feelings ko huh! Ako ito babaita]

"Sandro?"

[Koreksyon! Sandra beshy. Sandra not Sandro. Naii-stress si ako sa name na yan!] iritang sagot ni Sandro. Ito talagang baklang to.

"O musta ka na? Buti at napatawag ka."

[Kaya nga ako napatawag kasi you have to sundo-sundo me in the airport now. Dyan na tayo magchikahan ng bongga dyan sa bahay nyo.] sabi nito sa kabilang linya.

"Sige sige! Wait lang magpapasama ako sa driver namin."

[Okieee!]

Dali-dali kong kinuha ang maternity dress ko na kulay red at saka nag-ayos. Sinuot ko ang flat sandal na bili ko dun sa divisoria.

Wag kayong magtakha! Kasalanan ko ba kung mahal ang mga paninda sa SM at Robinsons?

Hinablot ko ang shoulder bag ko at saka lumabas ng kwarto.






-Airport-

"Bakla! Grabe ang laki na ng pinagbago mo!" Untag ni Sandro ng makarating ako ng airport.

"Heh! Ikaw nga dyan eh, nagpapakasarap ka sa states! Siguro naman may mga pasalubong ako?"

Dating My BILLIONAIRE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon