Chapter 17

4.4K 80 0
                                    

Kent's POV

Dali-dali kong tinimpla ang gatas ng biglang umiyak ang tatlo. Wala pa naman si Mika dahil nag-grocery sila ni mommy.

Minsan ay madaling araw silang nagigising kaya pareha kami ni Mika na minsan kulang sa tulog. Pero mas walang tulog si Mika dahil madalas umiiyak si Tommen samantalang si Jane at Kace ay iiyak lang sila kapag gutom.

"Ssshhhh..stop crying my baby. Mommy's gonna be here soon." pagtatahan ko kay Tommen saka pinainom ng gatas.

Nakakapagod pala maging ama. Pero masaya ako kasi sila ang mga anghel ko sa buhay.

"Hey." bati sakin ni Mika ng makapasok sya sa kwarto.

Binigyan ko sya ng smack kiss. Damn. Nababaliw ako sa labi nya.

"Napagod ka ba? Ako muna ang magbabantay sa kanila."

"Hindi naman. Umiyak kasi silang tatlo kaya hinele ko pero si Tommen hindi ko mapatahan." sagot ko sa kanya saka inabot si Tommen.

"Aww. Don't cry na baby, nandito na si mommy. Ikaw kasi eh, bakit di ka mapatahan ng daddy mo, ayan tuloy nahihirapan syang mapatahan ka." sambit nya kay Tommen pero maya-maya ay tumahan na to.

Bakit ba ganun ang bunso ko? Ayaw ba nya sakin?

"Kent pahinga ka na dyan. Ilalabas ko lang si Tommen sa garden ah."

Tumango ako at saka humiga katabi ng dalawa.

Mabuti pa si Kace at Jane, napapatahan ko pero si Tommen hindi talaga.

Mikaire's POV

Nandito kami ngayon ni Tommen sa ilalim ng puno. Seryoso syang nakatingin sakin habang nasa bouncer sya at ako naman ay nakaupo.

"Baby gusto mo magkwento si mommy?" tanong ko sa kanya pero tumawa lang. Waaahhh! Ang cute ng baby ko.

Nakatingin lang sya sakin kaya sinimulan ko ng magbasa.

"Once upon a time, there was a girl born from an isle. It was a stormy night when her mother gave birth to her."

Tiningnan ko si Tommen na ngayon ay titig na titig sa akin. Magbabasa sana ulit ako ng biglang may bumato ng bote pwesto namin.

Buti nalang at hindi natamaan si Tommen. Naku! Sino na naman ang baliw na napagtripan kami?

Pinulot ko ang bote pero napansin kong may laman na papel kaya kinuha ko iyon.

Tiningnan ko yun at napatakip ako sa bibig ko.

Picture namin to ni Kent at ang mukha ko ay nilagyan ng ekis. Sa kaba ko ay dali-dali kong kinuha si Tommen at pumasok sa loob ng bahay.

"Bakla! San ka–uyy ano yan?" tanong ni Sandro na ngayon ay kinuha nya sakin si Tommen.

"May bulag kasing dumaan eh hindi natapon ng maayos kaya ayun sa labas ng bahay tumama kasi akala nya basurahan ang natapunan nya." pagsisinungaling ko.

"Kalerkey naman yan bakla! Eh kung taasan nyo kaya ang pader ng bahay nyo? Maganda yun atleast wala ng magtatapon ng basura dito sa bahay nyo."–Sandro

"Gaga! Ano yun mala-little mermaid lang ang pader nung ipinanganak si Melody? Lol. Sayang ang semento nun sa laki nun."

Sumimangot lang ang bakla at umupo. Hawak-hawak ko parin ang bote na tinapon sa labas ng bahay kanina. Kapag nalaman ko lang kung sino ang bumato nun samin ng anak ko ipapasunog ko sya dragon ni Dany!

Iniwan ko muna si Tommen kay Sandro at kinuha ang susi ng kotse.

"San ka pupunta bakla?" tanong ni Sandro ng makahakbang ako sa pinto.

"Mag-gogrocery lang. Bantay mo muna si baby ah. Babalik din ako." paalam ko.

****

Kanina pa ako ikot ng ikot habang tulak-tulak ang cart. Kelangan kong punuin ang cart para di na ako mamili pa next week.

Nabigla nalang ako ng may bumunggo saking bata.

"Ouch."

Tinulungan ko syang makatayo kaya lumuhod ako para magpantay kami.

"Sorry kung nabangga ka ah. By the way nawawala ka ba? Sino kasama mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm with mommy pero nung tumakbo ako papunta dito di ko na sya nakita." sabi ng cute na bata.

"Nandito ka lang pala Nathan. Ikaw bata ka!" Ani ng babaeng naglakad papalapit samin.

"Mommy!"

Tumakbo si cute kid at yumakap sa kanya. Ang sweet nilang mag-ina.

"Mommy i'm sorry. I won't do that again."

Ngumiti ang nanay nya saka humarap sakin.

"Salamat sayo miss—wait, ikaw ba yan Mikaire?"

Eh? Kilala nya ako?

Tinanggal nya ang shades na suot nya kaya mas lalong dun ko nalaman kung sino sya.

"Arra!"






**

A/N: May side story po si Arra. Wanton Mafia Boss po ang title. Pakicheck nalang po sa profile ko. Btw don't forget to vote and read. God bless!

_Greenalena ❤

Dating My BILLIONAIRE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon