Chapter 23

3.9K 62 0
                                    

A/N: THIS IS AN UPDATE! Sorry kung matagal akong nawala. Namaalam na kase ang mahal kong cellphone at naghihintay ako sa panibago. And di rin ako maka-update dahil sa busy sa school at exam, until now busy pa rin. Medyo malayo ang comshop kaya di ako makapag-update. Kaya pasensya na po ah? Pasensya na po sa matagal na pag-aantay. At salamat rin po sa dahil patuloy kayong sumusubaybay sa story ko. ENJOY READING MGA LOVEESSSSS!



========================================================================



Maureen's POV


"Pakawalan nyo ako dito!" sigaw ko pero parang wala lang sila naririnig.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Izille at may kasama itong babae na hindi ko kilala.

"Oh, ito pala ang anak ng dear half sister ko." sarcastic nitong pahayag kaya naguguluhan ako. Ako? Anak ng kapatid nya?

"Excuse me but i think you got the wrong woman, kaya please pakawalan nyo na ako." sagot ko.

Ngumiti ito ng mapait sa akin at lumapit..

"No, i got the right woman and it's you. Don't worry alam na nila na ikaw ang totoong anak ni Angeline. I'm pretty sure na nakarating na sa kanya na hawak ko ngayon ang panganay ng kambal nya."

"You must be crazy!" sigaw ko.

"Oh, you don't believe? Well, actually pinagpalit kita sa anak ko, which is Izille, and since ayoko namang mapunta ka sa kamay ko, pinapulot nalang kita sa ibang tao. Ang saya noh? Nagantihan ko na rin si Angeline sa ginawa nya sakin." sabi nya sakin.

"Mga walanghiya kayo! Let me get out of here." hiyaw ko.

"Ang ingay naman nyan mom, puruhan mo nga." sagot naman ni Izille..

"Mag-ina nga kayo. Pareha lang kayo, gumagawa ng kasamaan dahil hindi nyo nakuha ang taong gusto nyo." i said

Lumapit ito sa akin at sinabunutan ako. Hinila nito ang buhok ko at saka humarap sa akin.

"Alam mo, yang nanay at kapatid mo, pareha lang sila. Mga mang-aagaw. Ang dapat sa kanila ay mamatay. Kaya ikaw? Magdasal kana dahil bilang na ang oras mo. Baka pag dumating sila, bangkay ka na. Oww. So sad for you." sagot nito kaya dinuraan ko sya.

"Nakakatawa ka naman pero since kanina ba ako naiingayan sayo, ito ang bagay sayo." sagot nito at nilagyan ng tape ang bibig ko..

"Paka—mmmmmm! Mmmmm!"

"Hayy naku, Maureen dear wala akong naiintindihan sayo. So we have to go. I hope makagawa ka na ng last wish mo pagbalik namin."

"Sino ka ba? Please let me go.." pagmamakaawa ko.

"Ah. You want to know my name? Oh by the way i'm Alona Markins, your aunt." sagot nito.

"Sige na, takpan nyo ang bibig ng babaeng yan. Siguraduhin nyong hindi sya makakatakas." utos ni Izille at saka iniwan ang kwarto at sinirado ang pinto.

Damn! I must do something para makaalis ako dito.





Eunice's POV

"Mom may update na po ba sa kambal ko? Is she okay?" alala kong tanong kay mommy

"No dear, we have to save your twin, pero hindi ko alam kung papaano. Hawak sya ni Alona at ni Izille." -Mom

Izille

Izille

Izille

Izille

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. What's happening?

"I shall go mom. Ililigtas ko siya."

Napalingon sakin si mom at saka lumapit.

"No, don't do this anak. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Both of you." naiiyak nyang sabi.

"Pero mom hindi natin maliligtas si ate kung wala tayong gagawin. Kelangan nating gumawa ng paraan and this is the only way." I answered.

Kinuha ko ang bag ko at saka tahimik na nilisan ang kwarto. Kelangan kong harapin kung sino ang dumukot sa kapatid ko.

Pinatay ko ang phone ko para hindi nila ako matawagan. Malakas ang kabog ng dibdib ko na tila bang parang katapusan ko na.

Hindi ako makapapayag na saktan nila ang pamilya ko. They must know it.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa location.






"Nasaan ang kapatid ko? Ilabas nyo sya." Pakiusap ko sa taong nakabantay sa labas ng building

"Sumunod ka sa amin kung gusto mo syang makita." sagot nito sakin kaya sumunod ako. Kinakabahan ako ng sobra. Huminto sila kaya huminto rin ako.

Sumenyas ang isa na buksan ko ang pinto kaya agad kong ginawa yun. At doon ko nakita ang isang babaeng nakatali at nanghihina.

"Oh my God!" sambit ko at saka tumakbo papalapit sa kanya. Puro pasa at sugat ang kanyang mukha at mga braso.

"Sino ang may gawa nito? Sino? Sino?" Sigaw ko sa mga lalaki pero walang isa ni ang sumagot sa kanila.

Tiningnan ko ang kambal ko na ngayon ay walang malay. She's weak.

"Ako Eunice, or should i say, Mikaire. Nagustuhan mo ba?" wika ng isang boses mula sa pinto kaya napalingon ako.

And then i saw her..


Dating My BILLIONAIRE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon