Chapter 2: The Incident

19 3 0
                                    

"It isn't giving up, it's knowing that getting tired is okay."

***

Matapos naming kumain ni Shay, tumayo na kami para bumalik sa dorm subaliit natahimik ang lahat sa biglang pagpatay ng ilaw.

Madilim. Masyadong madilim. And I'm a little scared dahil mukhang may panganib sa dilim na ito. Wala bang emergency light sa school?

"Calm down, students. Walang magpapanic." Tinig iyon ng isang guro mula sa di kalayuan.

"Brownout at walang reserved lights? Generators? Ngayon lang ito nangyari ah." Mahinang wika ni Shay. Normal nga lang ang magka black-out, but as far as I know, Mirage Academy is a prestigious and wealthy school, dapat meron nang ilaw ngayon from their reserved generators.

What if something horrible happened or will happen because of this blackout, tulad ng iniisip ko kanina. I started to tensed and to panic subalit bago pa ako gumawa ng kung anuman ay biglang sumindi ang mga ilaw at muling lumiwanag. Bakas ang relief sa mga studyanteng naroon. Kinalma ko na rin ang sarili ko.

"Oh my god! I was so scared. Baby, hug me please" Sigaw ng isang babae na di kalayuan sa amin.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kaartehan ng babaeng to. Duh? Lumugar naman kayo. Get a room guys. Psh.

"Finally!" sigaw ni Shay nang bumukas ang ilaw. "Akala ko dito na tayo matutulog—" hindi na natapos ni Shay ang nais sana niyang sabihin dahil isang malakas na sigaw ng studyanteng babae mula sa labas ang pumailanlang sa paligid. All students rushed outside, maging ang ilang faculty na nasa loob din at nagdi-dinner. Nakisabay na din kami sa ibang studyante na papalabas. I wished I didn't. How I hate this curiousity. Dahil isang traumatic view ang nasa harapan namin ngayon. I heard gasps and curses and sobs from a few people.

"Oh my god! Sino siya?"

"What happened to her?"

"Yuck! Kadiri! Ano yang nasa mukha niya?"

"Ang baho!"

"Oh my God! Adviser natin siya!" nanlaki ang mata at shocked na wika ni Shay. Nanlamig naman ang buo kong katawan. Nanginginig... Nangingilabot...

Hindi ko alam kung blanko o shocked ang mababasa sa mukha ko. Hindi ako makagalaw. Halos nakalimutan ko nang huminga. Nagulat nalang ng bigla akong tapikin ni Shay sa balikat.

There, in front of us.... It's her. Our class adviser. She's dead. Battered, full of blood flowing from her fresh wound. Mukha wala pang isang oras mula nang mamatay siya. Dahil hindi pa ganun ka pale ang balat at labi nito.

She's hanging there on the entrance of the cafeteria. Rope around her neck, open red-eye, cold and lifeless. Pero kanina lang nakausap ko pa siya.

The fresh blood on her white long sleeves and dark bruises sa left hand na mukhang pinalo siya ng dos por dos. And circle on her eyes evidence that she had a painful death.

"Aimee Dela Vega, English Teacher and our Classroom adviser. Who would have thought na mangyayari sa kanya ang ka brutalan na ito?" shocked pa rin na wika ni Shay.

Lalapit pa lang sana ang isang studyante para suriin ang bangkay ng bigla itong paalisin ng isa sa mga faculty.

"Sauler! Wag mong hahawakan ang katawan ni Mrs. Del Valle lalo na't wala pa ang mga otoridad."

"Bumalik na kayo sa mga dorm nyo at magpahinga. Papunta na dito ang mga awtoridad at si Madam Principal. Kami nang bahala dito." Singit ng isa pang guro na pinapaalis ang mga studyante.

Wala na kaming nagawa kundi ang umalis. Nakita na din namin ang school maintenance at sinisimulan ng maglinis ng dugo sa sahig pero hindi pa rin inaalis ang katawan doon.. Paalis na sana kami nang may mahagip ang mga mata ko. Isang anino na nakatago sa may likod ng puno. Balak ko na sanang kompirmahin kung may tao nga ba dun nang may biglang humila sa braso ko.

"Sophia, saan ka pa pupunta? Babalik na tayo sa dorm." Si Shay lang pala.

"May nakita kasi akong anino sa likod ng puno. Di mo ba nakita? Baka may kinalaman sya sa pagkamatay ni maam." Wait- am I playing some spy or agent now?

"Seryoso ka? Anong oras na oh, delikado na din. Atsaka baka guni guni mo lang yun. O kaya naman, baka napa paranoid ka lang dahil sa nangyari." Pagpipigil nya saakin.

Napaisip ako. May point sya. Baka nga napa paranoid lang ako dahil sa nangyari. Muli akong tumingin sa puno, parang wala namang kakaiba.

Bumalik na kami ni Shay sa dorm at laman ng usapan ang nangyari kanina. Halos yan ang narinig namin ng pumasok kami sa dormitory.

"Sino kayang may gawa nun? Halos gusto ko nang masuka, kaya lang sayang yung kinain ko kaya nilunok ko nalang." Shay said the moment we enter our room. Pabagsak syang humiga sa kama nya.

"Kadiri ka naman. Atsaka, madalas ba tong mangyari? I mean, hello?"

"Hi?"

=.=

=.=

=.=

"K. Fine. Ititikom ko nang bibig ko." Tsk. Buti naman.

"I mean, sinadya bang gawin ito nang lumipat ako o coincident lang?" I prefer the second one. Nakakatakot naman kung sinadya ito nang dumating ako.

Hindi ko alam kung anong meron sa school na to. Hindi naman ako nag research o kung ano. Basta nung nalaman ko lang na malayo ito sa Louiseville, nag enroll agad ako.

"Sa pagkakaalam ko, ngayon lang nangyari ito. Siguro may atraso sa kanya si Maam Dela Vega kaya nya nagawa yun." Akala ko para sa akin yung sinabi nyang iyon. But I think she said it to herself.

Hindi ko alam kung magsisisi ako na lumipat ako dito. Ang gusto ko lang naman eh lumayo kay Tiya Isabel, sa bayan ng Louiseville at sa naging bangungot ko.

"Nagsisisi ka na ba? Gusto mo na bang bumalik sa inyo?" bakas sa boses ni Shay ang disappointment, lungkot at takot.

"Hindi. Naninibago lang ako."

"Wag kang mag alala,Sophia. Akong bahala sayo." She gave me a reassuring smile bago lumapit sa kama ko at humarap sakin. "Bestfriends?" and then she offer her hands. Hindi ko ito inabot.

Hindi ko alam kung kaya ko na bang magtiwala ulit. Kakakilala pa lang naming for Pete's sake! Wala pa ng akong kaalam alam tungkol sa kanya.

But on the other hand, masaya naman siyang kasama. Naging kumportable agad ako sa kanya. Hindi ka makakaramdam ng awkwardness pag siya ang kasama mo, dahil bukod sa jolly na, madaldal pa siya. I think this is the start of a new life.

Nang mapansin nyang hindi ko inaabot ang kamay nya, siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at naki pag shake hands.

"Bestfriends na tayo ha? Wala kanang choice." Pagpupumilit nya.

Okay? Sino naman ako para tanggihan siya? Buti nga may kumakausap pa sakin eh.

I think this is the start.

***

Sorry for the short update guys. Babawi ako next time *wink*.

By the way, what do you think of Sophia? Magtatagal ba siya sa paaralang iyon? O aatras pag nalaman ny ng sikreto ng Mirage Academy?

See youJ

---

Tweet me:@teylavine_WP

Official Hashtag: #MirageByTeyLavine

Mirage academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon