Chapter 6: Her Past

10 1 0
                                    


"Everyone has the right to be stupid, but you're abusing the privilege."

***

Hatinggabi na pero heto ako at gising na gising pa. Dalawang araw na akong ganito. Gising kapag hatinggabi at natutulog ng madaling araw. Kaya walang dudang mukha akong zombie kapag pumapasok sa klase.

Hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari kanina sa office ni Madam Principal. Lalo na ang sinabi nito.

"Base on our investigation, they are after you Miss Lawrence. Mukhang may kailangan ang mga taong ito sa iyo."

Walang sinuman sa aming dalawa ni Shay ang nakapag salita.. Gulat, Takot at pangamba ang makikita sa mukha ni Shay. Ako, blanko lang. Sa mga oras na ito, hindi ko gustong ipakita kanino man ang nararamdaman at naiisip ko. Pero sa loob ko, halo halo nang emosyon ang nandito. Hindi ko kayang pangalanan.

"Alam na din naming may mga sugat ka sa katawan, kaya nakompirma naming ikaw ang puntirya ng taong nasa likod nito."

Yan ang huli kong narinig bago nagdilim ang paningin ko.

Nagising nalang ako kaninang hapon na nasa loob ng clinic. Nakabantay si Shay sa tabi ko at mukhang kanina pa akong hinihintay na magising. Matapos ng ilang paalala tulad ng pagtulog at pagkain sa tamang oras, pinaalis na din kami.

Ilang beses na akong pabaling baling pero hindi pa din ako makatulog. May ibig sabihin na naman ba nito?

"Halimaw!"

"Mangkukulam!"

"Mamamatay tao!"

"Kriminal!"

"Malas!"

"Lumayas ka na! di ko kailangan ng palamunin! Mga kriminal kayo! Lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din!"

"Anak, lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka ni mama."

"Sophia! Sophia, gumising ka na!"

"Mama.."

"Male-late na tayo, Sophia!"

"Mama.."

PAK!

"Aray! Bakit ba nananampal ka?" Ouch! Ang hapdi ng pisngi ko.

"Eh kung ano ano kasing pinagsasabi mo jan. Di naman kita maintindihan. Mukhang binabangungot ka pa nga." Asik nito.

"Eh bakit ba ang sungit sungit mo? Umagang umaga." pati tuloy ako umiinit na rin ang ulo.


"Eh kasi yung damuhong Dax, pumunta dito tapos inaalok ako ng kung ano ano. Nakakainis!!" dabog ni Shay papasok ng cr.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mirage academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon