Chapter 3: The Officers

22 3 0
                                    

"The genius accepts fucked up emotions; the gifted pretends nothing's wrong."

***

Natapos ang gabing yon na nakayakap si Shay sa akin. Nagpumilit siya na magtabi kami sa pagtulog dahil bestfriends na DAW kami. Ugh!

Alas dos na ng madaling araw pero gising na gising pa din ako. Hindi ko alam kung hindi lang ako sanay na may katabing matulog, o kaya naho-homesick lang ako, o baka dahil sa nangyari kanina kaya di ako makatulog.

Dahan dahan kong inalis ang kamay at paa ni Shay na nakapulupot sa akin. Jusko! Ang clingy naman ng isang to.

Pumunta ako sa study table ko at kinuha ang sketch pad. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita kong anino sa may puno sa cafeteria.

And then realization kick in! Yung interval ng brownout at pagkatuklas sa bangkay, hindi ba parang masyadong mabilis?

Hay. Ang gulo! Habang nag iisip, ginuhit ko yung nakita ko.

Isang puno na may anino sa gilid nito. Naka all black. From the shoes hanggang sa mask na nasa mukha nito. Hindi ako sigurado kung babae o lalaki sya. Pero base sa tindig at sa tikas ng katawan nya, hindi maipagkakailang lalaki iyon.

***

"Sophia, gising na. male-late na tayo." Isang tinig ang aking narinig pero hindi ko matukoy kung sino yun.

Pinilit kong imulat ang mata ko at tumambad saakin ang mukha ni Shay.

"Bakit ba jan ka natulog sa baba?"

Teka. Bakit nandito na ako sa sahig? Sa pagkakaalam ko, nasa study table ako at nagdo-drawing. Tumayo ako ng dahan dahan. Napansin kong wala na ang sketch na ni-drawing ko kagabi. Pero nandun pa din yung sketch pad. Mapapansin din na pinunit ito dahil may tirang kakaunting papel sa gilid.

"Bakit Sophia? Anong problema?" tanong ni Shay nang mapansin nyang nakatitig ako sa sketch pad.

Hindi ko sya sinagot bagkus dumapo ang tingin ko sa bintana. Lumapit ako dito at nagsitaas ang balahibo ko nang mapansing bahagyang nakabukas ito. Lumapit din si Shay.

"Nagulat nga ako nang mapansin kong bukas iyan. Pero nang makita kitang nakahiga sa sahig, alam kong ikaw ang nagbukas niyan. Baka kasi nainitan ka." Sabi ni Shay at binuksan niya ng maayos ang bintana.

WHAT?? BUT I DIDN'T!!! Gusto ko sana itong sabihin sa kanya pero naisip ko na baka ako nga ang may gawa, dahil dito nga ako nakatulog sa baba. Sleep walker na siguro ako, I guess. Kaya isinawalang bahala ko nalang ito.

Bukod sa nawala kong sketch, isa pang palaisipan kung bakit ganito kasakit ang katawan ko.

Ugh! Ang sakit ng likod ko.

Kahit na nahihirapan akong gumalaw, pinilit ko pa rin ang sarili kong gumalaw sa pinaka mabilis na makakaya ko. Para akong may pasa sa likod at di ko man lang ito mai-bend.

"Mauna ka na lang sa room, Shay. Baka malate ka nang dahil sakin." Sabi ko kay Shay nang makita kong inaantay nya ako.

"Sigurado ka? Kung di mo kaya, wag ka na lang pumasok. Sasabihin ko nalang na may sakit ka." Pag iinsist niya. Pang ilang beses nya nang sinabi yan. Duh? Second day ko pa lang to tapos absent agad?

"Kaya ko naman. Hindi naman ganun kasakit. Sabihin mo nalang na male late ako." Hindi ganun kasakit??? Fck you myself! Kasi sa totoo lang ANG SAKIT SAKIT.

"Oh sige, sabi mo eh. Hintayin kita sa room ah."

Tumayo na si Shay at lumabas. Nang marinig ko ang pag 'click' ng pinto, napabagsak ako sa kama ko. Di ko na napigilan ang katawan ko. Natulog lang naman ako sa baba, pero bakit pakiramdam ko pinukpok ako ng dos por dos na kahoy. Di ko napansin kanina sa banyo kung may pasa o wala.

Nung nasa kina Tiya Isabel pa ako nakatira, lagi akong sa sahig pinapatulog. Sa maids quarter. Akala ng mga kaklase ko noon, mayaman ako dahil mayaman sina Tiya. Pero hindi nila alam, parang hayop ang turing nila sa akin. Lahat ng kinakain ko, ay leftover nila. Wala akong ibang damit kundi dalawang blouse at dalawang pantalon.

Bago mamatay ang Nanay ko, ibinigay nya sakin ang mga gamit nya na pwede kong ibenta o isangla. Pati na rin ang savings nila ni Tatay.

Kaya nagkaroon ako ng pera para makalayo kina Tiya Isabel at maka enroll sa Mirage Academy. Nakabili din ako ng mga damit. Ang pera ko ngayon ay pwede kong gamitin habang nag aaral pa ako.

Naglalakad ako ngayon sa hallway na parang zombie. Malaki ang eyebags, medyo magulo ang buhok at para kong pagong kung maglakad.

Pipindutin ko na sana ang elevator ng bigla akong pigilan ng guard.

"Miss, sira ang elevator. Gamitin nyo nalang yung hagdan. Di pa kasi pwedeng gamitin ang elevator." Yung mata ko na ganito -.- dahil sa sobrang antok, naging ganito O.O

Seyoso ba tong gagong to? Eh nasa 4th floor pa ang room ko.

Gusto ko nang maiyak dahil sa frustration at sa sakit na nararamdaman ko. Pero ano pa bang choice ko?

Kung mahirap ang paglakad, mas mahirap ang pag akyat. Para akong binugbog kagabi. Ano ba talagang nangyari? Ang babaw naman kung sahig ang dahilan ng pagkaka ganito ko, diba?

Halos nasa fourth floor na ako nang makarinig ako ng kaluskos. Habang papalapit, naririnig ko na nang maayos kung anong nangyayari. May dalawang taong nag uusap. Isang babae at isang lalaki. Nakatalikod sa akin yung lalaki habang yung babae naman ay nakikita ko yung kalahati ng mukha nya, dahil yung kalahati, natatakpan nung lalaki.

Wait, what are they doing? Omo! Don't tell me ito yung sinasabi nilang 'gumagawa ng milagro'.

Nagtago ako sa isang trash can. My virgin eyes. My Ghad! Gusto ko nang umalis pero nasa fourth floor na ako. Kung bababa ulit ako, mas malayo yun. Hindi naman ako makakadaan sa pinto dahil andun yung dalawang hokage.

"Grace naman. Ano ba? Pinuntahan mo pa talaga ako sa room para lang sabihin yan?" narinig kong sabi ng lalaki. Base sa tono nito, parang pinipigilan nyang sumigaw. Kahit galit na galit na.

"Dax. I still love you and I know you still love me too. Please, ibibigay ko naman sayo lahat ng gusto mo. Please come back to me" Srysly? Parang ang tae naman ng babaeng to.

"Love? Pinapatawa mo talaga ako, Grace. Alam mo namang hindi ko alam ang salitang love. So please, get los----" oh? Anyare?

Wala na ba? Pinakiramdaman ko ang paligid ko kung may tao pa ba.

Nang masigurado kong safe na at pwede ng lumabas, umalis na ako sa pinagtataguan ko.

Ang kaninang hinala kong wala nang tao, hindi pala totoo. Dahil iba ang nakikita ko ngayon..

Kaya pala hindi na natapos nung lalaki ang sasabihin nya, dahil natatakpan ang bibig nito, nang bibig ng babae.

Yuck! Ano ba to? Ang SPG naman.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Babalik na sana ako sa pinagtataguan ko kanina nang biglang

I got your picture

I'm coming with you

Dear Maria, count me in

There's a story at the bottom of this bottle and I'm the pen.

TANG-I-NA!

Mirage academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon