Chapter 4: The Powerful Couple

13 2 0
                                    

"Everything will be painful for someone who is cruel to oneself."

___

Alam kong marami na akong nagawang katangahan sa buhay ko. Pero lahat ng iyon ay isinisisi ko sa sarili ko. Kasalanan ko man o hindi, nasa akin pa rin ang sisi. But this one? Whom am I going to blame this? Should I blame this to my poor and innocent phone?



Caught-in-the-red-act. Sh*t.Sabihin ko nalang kaya na 'Ahm. Sorry, napadaan lang ako. Wala akong nakita. Promise." Pero tanga lang ang maniniwala nun. Dahil nakita na ako ng gunggong na to nang nakanganga habang nakatingin sa kanila.



Saka lang gumana ang utak ko ng tumingin na rin sa akin yung babae. Wow! Ganda nya ha. Para syang anghel na hinulog sa lupa, kasi di ata tumatanggap ng malandi sa langit.


Tatakbo na sana ako pababa dahil wala na akong choice nang marinig kong magsalita ang lalaki. It's deep, velvety, and almost husky.


"Mamaya nalang tayo mag usap,Grace.. May kakausapin lang ako." At doon na natapos ang kakahalik sa kanya nung babae. Yuck! Akala ko magkakainan na sila magdamag. Salamat at natapos din.


Bago umalis ang babae, tumingin muna sya sa akin bago nag 'tsk'.


Problema nun?


Susunod na sana ako sa babaeng yun dahil isa lang naman ang pinto dito sa emergency exit, nang may humawak sa braso ko at tinulak ako sa pader.


"SHIT!!" yan agad ang lumabas sa bibig ko nang maramdaman ko ang sakit pagkalapat pa lang ng likod ko sa pader.


Napa kunot noo ang balahurang nasa harap ko na tinawag ng babae kaninang Dax, nang mapansin nya ang reaksyon ko.


"Tsk. OA"


OA?? Tngina mo! Gusto ko sanang sabihin yan pero di ko magawa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.


"A-Ano bang problema mo?" pinilit kong ibuka ang bibig ko matapos ang ilang minutong katahimikan.


Hindi pa rin sya nagsasalita. Pinag aaralan nya lang ang mukha ko. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.


Doon ko lang napansin ang mahaba nyang pilik mata, matatangos nyang ilong, mapulang labi, in short, wala syang kapintasan sa mukha. Matangkad din sya na halos hanggang balikat nya lang ako.


"Kung iisa-isahin mo ang features sa mukha ko, baka madefine mo ang salitang perfect."


Teka. Ano daw???? WHOOOOO!!!! Ang hangin.


Ang kapal naman ng uhuging to! Oo, gwapo sya. Pero hindi ko kino consider na gwapo ang may masasamang ugali.


"For your information, hindi ka gwapo. Mas gwapo pa ang palaka sayo." Okay. Walang sense yung sinabi ko.

Mirage academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon