Chapter 5: The Reason Behind

14 2 0
                                    

"An unlikely situation can make an unlikely person have unlikely feelings."

***

"Shay, may tanong ako." Pambungad ko sa kanya nang makabalik sya sa table. Siya kasi pinag order ko, siya din naman nagyaya eh.


"Oh? Wag mong tanungin kung may girlfriend na si Levi, kasi sinasabi ko palang ngayon, wag siya. Siya ang pinaka playboy sa lahat. Masasaktan ka lang." sagot ni Shay kahit wala pa naman akong tinatanong.


"Pinagsasabi mo? At sinong sinasabi mong Levi? Yung kaklase nating uhugin?" pabalang kong tanong. Yuck! Oo, gwapo siya, inaamin ko. Pero duh? Marunong naman akong pumili no? At sa pinakita nyang angas kanina, siya ang pinaka una sa Most Hated Persons ko.


"fgijskflgjhs kfjkdsljg sajfdasjhf ksjhfslkfjhsi."


"Ano ba yan! Ang baboy mo namang kumain. Ubusin mo nga muna yang nasa bibig mo."


"Hmm. Okay, so as I was saying, sa sobrang gwapo ni Levi, pati si Miss President nagka gusto sa kanya."


"Miss President?" tanong ko. Sino nga pala siya?


"President ng Student Body Organization. Grace Morgan. The perfect Girl." Sagot ni Shay. So may Student Org palang nag e-exist dito, di man lang ako nainform.



"Grace? Her name sounds familiar." Tanong ko habang nasa loob pa rin ang straw ng chuckie sa bibig ko.


"Ofcourse, she's bound to be remembered, so that you won't mess with her." Sabi ni Shay ng mapansin nyang iinaalala ko kung saan ko sya nakita. Bago ko pa maibuhol ang dila ko, naitanong ko na ang kanina ko pang gustong itanong.


"You know someone named Dax?" Gawd! Kailangang parusahan ang dilang ito. Tsk! Kelan pa ulit ako naging interesado sa isang tao? Lalo na sa isang lalaki? Well, ngayon.


Akala ko, hindi nya kilala si Dax dahil hindi na ito nagsasalita pa. Pero pag angat ko ng tingin sa kanya, ngi ngiti ngiti pala ang loko.


"Problema mo?" tinaasan ko nalang siya ng kilay. Inaano ko ba ang babaitang to at parang naengkanto.


"Kaya pala ayaw mo kay Levi kasi si Dax ang gusto mo. Haha. Ikaw ha, may Hidden Desire ka pala sa kanya." Tatawa tawa nyang sabi habang hawak ang tiyan sa sobrang tawa. Tell me, may nakakatawa ba?


"Kung ayaw mong sagutin, edi wag mo." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Ubos ko naman na yung kinakain ko. Narinig kong tumayo na rin si Shay at hinabol ako. Pasalamat siya masakit ang katawan ko kaya mabagal akong maglakad.


"Eto naman, napaka defensive." Nawala na ang mapang asar nyang ngiti. Napansin nya sigurong wala akong gana maki pag joketime.


Hindi ko pa rin sya pinapansin hanggang sa makapasok na kami sa elevator. Yes, ayos na ang elevator =.= Papansin lang.

Mirage academyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon