Part 12

73 6 5
                                    

Part 12: Buried Past is Still Alive

[Lavend Sanchez]

Mabilis na napabitaw si master sa panyong hawak niya at pumunta sa babaeng nasugatan dahil sa nabagsak na vase. Pumunta rin ako sa tabi nila para sana umalalay, pero mukhang kaya naman na ni master na wala ang tulong ko. Binuhat niya si ms. Chelsy na parang pangkasal saka agad itong hiniga sa sofa na nasa lobby.

"You okay?" nag-aalalang tanong ni master kay ms. Chelsy at nag-army sit para maging kapantay ang paa nito.

Nakita kong nanggilid ang luha niya at mabilis na nailing "I-I think no. Sobrang sakit" Tinignan niya ang paa niya na ngayon ay nagdudugo pero sa tingin ko naman, hindi siya nabubog e.

"Master, kailangan lang po gamutin ng sugat ni ms. Chelsy. Hindi naman po malala e" sabat ko para naman ma-feel nila na nage-exist din ako dito. Feel na feel nila ang pagiging bida ng telenobela e-- Teka! Ano ba itong pinagii-isip ko? Nababaliw na ata ako x.x

Napailing ako at sinubukang sampalin ang sarili nang mag-ehem si ms. Chelsy kaya napunta ang atensyon ko sa kaniya. Pasimple niyang hinawakan si master sa kanang balikat pagkatapos noon ay napatingin siya sa akin kasabay no'n ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi.

"Lavend, will you please get the first aid kit for me?" malambing na sabi niya sa akin.

Tama ba ang narinig ko? Inuutusan niya akong kumuha ng first aid kit? Bakit ako pa? Pwede naman si master a...

Magrereklamo na sana ako nang maunahan ako ni master. "Lavend. Clinic" utos niya at kahit ayaw ko, pumunta pa rin ako ng clinic para manghiram ng first aid kit.

At habang naglalakad ako papunta ng clinic, iniisip ko lahat ng mga pinagii-isip ko kanina.

"Aish!" nahampas ko ang ulo ko nang wala sa oras. "Ano bang pinagii-isip ko kanina? Ang baliw ko..." ilang beses ko pang hinampas ang ulo ko hanggang sa may humawak sa kamay ko para pigilan ang paglapat nito sa ulo ko. Dahan dahan kong tinignan ang taong gumawa no'n at automatic na nagsalubong ang kilay ko nang makita ang kaniyang mukha.

Sinetch itey? "S-sino ka?" kinakabahang tanong ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Napataas naman ang kaniyang kilay at agad na binitawan ang braso ko saka nag-cross arms.

"Hindi magandang makita na sinasaktan ng babae ang sarili niya. Lalo na ang magandang katulad mo" Ngumiti siya at inilahad ang kanang kamay. "Ako nga pala si Lurze Vieifer Villanueva. Para hindi ka mahirapan, LV na lang ang itawag mo sa'ken" pagpapakilala niya sabay kindat.

Huwaw. May depekto rin pala ang mata ng isang 'to. "Ahh! Hehe. Nice meeting you po, ako nga pala si Lavend---" napatigil ako nang ma-realize kong pareho pala kaming LV! Lavend Viel ang kumpleto kong pangalan! Omg.. "Lavend na lang ang itawag mo sa'ken" nakangiting tugon ko at nakipagkamay sa kaniya.

"Lavend..." Binitawan niya ang kamay ko at napahawak sa kaniyang baba. Oha! Kunwari nag-iisip si kuya. "What a beautiful name" puri niya sa pangalan ko at napangiti na lang ako.

Nakakaloka naman 'tong si kuya. Kung maka-what a beautiful name, wagas! Naisip ko tuloy, sana pangalan na lang ako. Para naman maging maganda din ako sa paningin ng tao, lalo na kay master. Teka lang muna wait, bakit napasama si master sa iniisip ko?

Speaking of master--- paktay. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na nakangiti ng malapad. Napakamot ako sa batok ko at naiilang na nginitian siya. "Ahm LV, una na pala ako sa'yo. May kailangan pa kasi akong gawin e. Sige, bye" pagpapaalam ko at tuluyan na siyang iniwan kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko.

Don't talk to strangers... Did I just talk to one of them? Oha! Ang taray ng page-English ko 'no? Nagle-level up na ba? Kasi kung oo, masasabi kong may maganda rin palang dulot ang paggawa ng mga reports.

MENTAL GIRLS 1: Lavend Sanchez #TAA2018 #WPAA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon