Part 26

58 5 5
                                    

Part 26: When Past Creeps

[Lavend Sanchez]

2:00 am na pero nakatunganga pa rin ako sa laptop na nasa harapan ko. Pinahiram kasi ako ni master ng laptop para daw may mapaglibangan daw ako. Pero sa ngayon, iba ang ginagawa ko.

Nagse-search ako kung ano bang meron sa court, at ang puro lumalabas ay yung tungkol sa mga korte at mga basketball game.

Napabuntong hininga ako at ininom ang gatas na kanina pa binigay ni master... Ibabalik ko na sana sa table yung baso kung hindi lang ako nakarinig ng pag-click. Agad akong tumayo at kumuha ng panghampas nang unti-unting bumubukas ang pinto.

"Sino ka?!" Nagboses lalaking matapang ako, pero sa totoo lang, gusto ko nang magtago sa ilalim ng kama para mailigtas ko ang buhay ko.

Tumigil sa pagbukas ang pinto kaya nakahinga ako ng maluwag. Phew! Mukhang natakot sa boses ko yung kung-sino-man. Nilapag ko sa upuan yung panghampas ko at dahan dahang lumapit sa may pintuan para i-check kung cleared na nga ba talaga nang biglang bumukas ang pinto.

"Waaaah---!" Hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko nang takpan ng kung sino man 'tong nilalang na 'to ang bibig ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil mas matangkad siya sa akin at sa ngayon, katapat lang ng paningin ko ang dibdib niya. Musta naman 'di ba?

"Why still awake?"

Doon ako nagising sa katotohanan at dahan dahang inangat ang paningin.. at nakita ko siya

Parang biglang nag-play sa background yung kantang 'Thousand Years' dahil bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko. Napatulala ako at napanganga kahit nakatakip pa rin sa bibig ko ang kamay niya.

"Hey!" Tawag niya at tinanggal ang kamay sa bibig ko. Napailing naman ako at naupo sa gilid ng kama.

"Ahm.. May ginagawa lang po ako" pag-amin ko at napaupo si master sa gilid ko.

"Eh ikaw po, anong kailangan mo?" Tanong ko at biglang namula ang mukha niya. Ang weird pero, ang cuuute cuuute ni master sa paningin ko. Imbis na maawa ako sa kaniya, nag-fangirl pa ako. "Master.." Tawag ko pero hindi siya lumingon sa akin. Ang snob niya pa rin ㅠㅠ Pero kahit ganoon, nagsalita pa rin ako. "Pwedeng pakurot sa mukha mo, promise mahina lang" at nag-sign ako sa kamay ko na nagpapakita ng 'onti lang!'

Napalingon naman siya sa'kin at napailing saka tumayo. "J-just sleep" Sabi niya at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko.

Naiwan naman akong nakanganga at ilang sandali lang din ay napataas baba ako ng balikat. Mukhang nasapian na naman ng alien si master.

* * *

"Morning"

Wala sa oras akong napabangon nang marinig ko ang pabulong na pagbating 'yon.. Pagkatingin ko sa gilid ay bumungad ang walang emosyon niyang mukha na lagi namang naka-display.

Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin banda sa bintana.. T-teka--- "Ang dilim pa sa labas, master a?" Napatango siya sa sinabi ko saka may binigay na kung ano sa akin.

"I'll go to company and I just want to say goodbye to you" seryosong sabi niya at nagdikit ang mga kilay ko.

"Goodbye agad master, hindi pwedeng see you later muna?" natatawang tanong ko, pero ang epic fail dahil blangko pa rin ang expression niya. Oryt! Napahiya ako ng wala sa oras.. "Ehem.. Anyway highway, hindi mo naman po kailangang magpaalam sa'ken, hindi mo naman po ako kaano ano e"

Hinawakan niya ang ulo ko at lalong ginulo ang mala-bird's nest kong buhok. "Someday you'll be" 'yon na lang ang sinabi niya bago tumayo at umalis.

MENTAL GIRLS 1: Lavend Sanchez #TAA2018 #WPAA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon