Part 20

64 6 0
                                    

Part 20: Close 2 U~ 🎶

[Lavend Sanchez]

"Ano... Master, sorry a.. Ang kukulit ng mga kaibigan ko. Dapat hindi na talaga tayo pumunta doon e" Napatungo ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nakakahiya talaga kapag naiisip ko yung mga sinabi ng mga baliw kong kaibigan. Ewan, parang nakakakilabot na ewan. By the way, nasa sasakyan na kami ngayon, pauwi sa bahay.

"It's fine" sagot niya habang diretsong nakatingin sa daan. Pagkatapos noon ay napuno ulit ng katahimikan ang paligid. At syempre, dahil ayaw ko namang mapanis ang laway ko, ako na ang unang nagsalita.

"Master..." tawag ko sa kaniya at sandali siyang napalingon sa akin pero kaagad naman niyang binalik ang tingin sa daan. "Nagalit ka po ba kasi nagsinungaling ako sa'yo?" kinakabahang tanong ko at tumingin sa labas ng bintana para hindi makita ni master na kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"No. Right from the start, I knew you're not like that"

eh?

Napaharap ako sa kaniya na puno ng pagtataka. "Nahulaan mo agad, master? Ano ka, manghuhula? Aba kukunin mo pa ata ang sideline ko---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang pumreno. Infairness muntik na akong masubsob, buti na lang may seatbelt na pumipigil.

"You're too unique that I can't even resist you" Napatulala ako dahil sa mga sinabi niya. Bakit ganoon, ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.. Pero ang problema, hindi ko naman siya naintindihan.

"Hehe. Pa-translate naman ng mga sinabi mo, master" hirit ko sa gitna ng pagtitig ko sa kaniya dahilan para mag-rolled eyes siya. Tss, ang taray talaga nito ni master. I mean, naintindihan ko naman talaga yung mismong sinabi niya, pero baka may ibang meaning 'di ba? Pero nevermind, baka malagot pa ako dito kay master.

"Kailan ka ba babait sa'ken master? Yung tipong, ngingitian mo na ako tapos hindi mo na ako papatayin sa isip mo.. Yung ganoon"

Hindi niya na ako sinagot pa kaya nanahimik na lang ako at pinatugtog ang radyo. Hindi naman na umangal pa si master kaya sa palagay ko, okay lang sa kaniya.

*

Nagising ako sa loob ng kotse ni master. Susmeyo marimar, nasaan ako? I mean, parang ang layo naman ng pinuntahan namin at nakatulog ako. Pinunasan ko ang laway sa gilid ng labi ko at nilibot ang paningin sa loob saka ko napansin na wala si master sa driver's seat. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago sinubukang tanggalin ang seat belt at lumabas.

"master?" inaantok na tawag ko at napansin kong wala kami sa bahay niya. Nasa isang open field kami na kitang kita ang paglubog ng araw. Napatigil ako sa paglakad at saglit na tumitig sa palubog na araw.

"ang ganda" bulong ko sa sarili at naramdaman kong may humawak sa braso ko. Sa sobrang gulat ko nga, muntik ko pang masuntok ang kung sino man 'yong taong 'yon. Pero buti na lang hindi ko pa tuluyang na-landing yung kamao ko dahil si master pala iyong taong humawak sa braso ko. 'Pag nagkataon na natuluyan yung kamao ko sa pag-landing, for sure hindi magiging okay 'yon.

Tinanggal niya ang kamay na nakahawak sa braso ko at tahimik na tumingin sa paligid.

"You like it?"

"Ang sunset po?" hindi sure na tanong ko at napatango siya. "Hm. Hm. Ang ganda po, na-miss ko nga bigla ang mga magulang ko e"

Sandali kaming naupo sa damuhan bago ko naisip na ikwento sa kaniya ang istorya ng buhay ko. Wala na rin naman akong dapat itago sa kaniya kasi alam naman na niya ang lahat e.

"Alam mo ba master... bago ako pumunta sa mental hospital dati, halos wala akong social life?" Napangiti ako nang maalala ko ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. "Buong elementary ko, hindi ako nakapag-aral sa school, nagho-home study lang ako kasi natatakot sila mama na baka mapahamak ako. Tapos nung high school ako, pinayagan na nila akong pumasok sa totoong school, pero may mga kasama pa rin akong bantay. Wala nga akong kaibigan dati e, maliban sa isang babae na naglakas loob na kausapin ako. Pero hindi rin naging maganda ang pagkakaibigan namin" Huminga ako ng malalim at nilingon siya.

"why?"

"Dahil tinraydor niya ako. Ang malala, hindi siya nag-sorry sa akin. Bigla na lang siyang nawala na parang bula. Noong high school din ako, na-kidnapped ako at muntik nang mamatay, buti na lang naligtas ako ng mga magulang ko"  Tumingin ako sa kulay red-orange na langit at biglang bumalik sa isip ko lahat ng mga nakakalungkot na pangyayari sa buhay ko.

Pero kahit gaano pa kapait ang buhay ko, natutunan kong maging matatag at ngumiti. Sa ganoong paraan, nasabi ko sa sarili ko na kahit baliw baliw ako para sa ibang tao, childish at oa.. May kakayahan pa rin akong maging malakas at maging mature sa ibang paraan.

"Sorry"

Nagtataka akong lumingon kay master nang bigla siyang mag-sorry. "Para saan master? Wala ka namang kasalanan e" napatingin ako diretso sa mga mata niya at napansin kong may kakaibang emosyon na nakamarka dito. Yung feeling na parang may naalala siyang bigla kaya nagkaroon ng ibang emosyon dito.

Iniwas niya ang tingin sa akin at ibinaling na lang ang tingin sa paligid. "Nevermind" Seryosong sabi niya at nanahimik na lang din ako.

Ilang minuto pa ang tinagal namin bago tumayo si master at tumalikod para bumalik sa kotse. Tatanungin ko pa sana siya kung anong gagawin niya, kung aalis na ba siya, pero agad din siyang bumalik sa tabi ko. May hawak siyang tatlong jolens. Kung para saan 'yon? Hindi ko alam.

"Here" nagulat ako nang ibigay ni master sa akin ang tatlong jolens na meron siya.

Sandali kong tinignan ang tatlong jolens saka muli siyang tinignan. "Para saan ito master?"

"Just a symbolism."

"Symbolism para saan?"

Imbis na sagutin ang tanong ko, humiga si master sa damo at tumingin sa papalubog na araw.

"My mother's name is Jolen, she is honest, benevolent and brilliant" sandali siyang napatigil at tumingin sa direksyon ko. "Just like you" sandali kaming nagkatitigan at naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Bakit ganun, normal naman ako, pero yung tibok ng puso ko, hindi. Simula nang makilala ko si master, akala ko magiging normal lang ang lahat. Hindi ko agad na-realize na sa kasungitan niya pa lang at pagiging chilish ko, nagsimula na ang hindi normal na ugnayan.

"Master, lahat ba ng nabasa ko sa mimir, totoo?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang mga jolens na binigay niya sa akin. Sandali kong sinilip ang mukha niya para makita kung ano ang magiging reaksyon niya, pero tulad ng dati, emotionless lang ang mukha niya.

Tumango siya ng kaunti. "I tend to speak less" tumigil siya saglit at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Because I feel like speaking more is worthless."

"Bakit naman worthless? 'Di ba nga, nagsasalita tayo para makipag-communicate? Paano ka maiintindihan ng ibang tao kung hindi ka magsasalita? Paano nila malalaman na okay ka o hindi?" Sunod sunod na tanong ko at napataas baba siya ng balikat.

"No one care about me."

Nalungkot ako sa naging sagot ni master. Buong buhay niya siguro, hindi niya masyadong naramdaman yung pagmamahal na binibigay ng mga magulang. Yung nga yakap, play time at sweet moments.

"Hindi ko man alam kung gaano kahirap yung nararamdaman mo, pero sana maging okay ka" seryosong sabi ko at pinikit niya ang mga mata saka mabagal na tumango.

"Thank you, Lavend" Minulat niya ang mga mata niya at tipid na ngumiti.

Alam niyo yung feeling na natulala ka sa hindi maipaliwanag na dahilan? Ang kavogue, nagiging deep na talaga ata ako mag-isip.

Wala sa sarili akong napatango at ngumiti. "Walang anuman, master. Basta 'wag mong kalimutan na birthday ko bukas a.. Pupunta tayo sa enchanted kingdom"  natatawang sabi ko at bumalik nanaman ang masama niyang tingin. Automatic na nawala ang ngiti ko at napalitan ng nagso-sorry na mukha with matching peace sign.

Ilang sandali pa ang tinagal namin ni master sa lugar na 'yon bago kami umalis at bumalik sa bahay.

Excited na ako para bukas!

* - * - * - * - * - * - * - * - *

(I don't know what am I doing anymore ㅠㅠ btw, sana nakakasabay pa rin kayo T^T huhuhu.)

-crazySaddistAlien ♡

MENTAL GIRLS 1: Lavend Sanchez #TAA2018 #WPAA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon