Part 32

67 5 0
                                    

Part 32: Paano nga ulit ang REAL QUICK?

[Lavend Sanchez]

"Watch" Napalingon ako sa tinuro ni master. Katatapos lang naming kumain at ang kabog lang, halatang pang-mayaman talaga ang mga pagkaing nakahanda.

"Screen?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Parang wala naman 'to kanina a?"

"Yeah" napalingon ako sa gilid ko dahil katabi ko na si master. Parang kanina lang wala pa siya dito sa tabi ko a?-- "Shhh"

okay. Sabi ko nga, shattap na ako. Napansin kong napangiti siya ng slight kaya mahina kong sinundot ang pisngi niya. Wala naman siyang naging reaksyon na kahit ano, hindi siya lumingon o kahit tumingin sa akin ng masama. Tahimik lang siyang nakatingin sa unahan.

"Ikaw master a, ngingiti ka na lang... sa unahan pa, mukha ka tuloy baliw jan"

"Stop."

"Sabi ko nga po" 'To talaga! na-late lang ako sa pagsabi ng 'joke', inunahan niya agad ako. Tsaka, parang kanina lang.. may pa-'will you be my girlfriend' siya, tapos ngayon parang magkakilala lang kami kung magsalita siya.

"M-master" Napatingin ako sa kamay kong bigla niyang hinawakan. T-teka, hindi naman ako nananaginip 'di ba? Totoong, nangyayari ang lahat ng ito?

Biglang tumugtog ang kantang 'perfect ni Ed Sheeran' sa background kaya mabilis akong napatingin sa screen na nasa unahan namin.

(Hahaha)

T-teka!

"Ako 'yong nasa video!" Napatayo ako sa gulat nang makita ko ang sarili ko sa video na tumatawa. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa unahan at kay master-- at nang ma-realize kong para akong baliw ay naupo na ulit ako.

"Master, bakit may video ako ng sarili ko?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya, as in, tingin sa unahan lang talaga ang ganap ko.

Ito ang nakakaloka, may mga picture ako na natutulog, nakangiti, tumatawa at kung ano ano pa. Feeling ko tuloy, pwede na akong maging model, hindi ng patis a. I mean, pwede na akong maging artista ng toothpaste o 'di kaya ng unan.

Pero teka nga lang--- "Master, inii-stalk mo ba ako?" Hinarap ko siya. "Hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang 'to na-realize" kaya pala lagi kong nakikitang may hawak na camera si master? At kapag hindi naka-lock ang pinto, dahil sa kaniya 'yon? "Wah! Stalker pala kita master?" hindi makapaniwalang sabi ko at namula ang pisngi niya. So cuuuuuteeeee

"Tsk" lang ang nasabi niya at tumayo na pagkatapos.

"Teka--- saan ka pupunta, master?" Ang daya nitong si master, nagtatanong ako tapos hindi niya ako sinagot?

"Restroom" at tuluyan na siyang umalis. Ang saya!

Wala naman akong ibang magawa kung hindi manood na lang. Biglang nag-black amg screen kaya akala ko tapos na, pero nagulat ako nung may kasunod pa pala. Tungkol saan naman ito?

/AN: THE FOLLOWING--- BASTA NASA VIDEO ANG MAY GANITO (*) 😂 yaw q na mag-Englesh, baka ma-nosebleed kayo/

= =

* 'Zedref, I'm fine'

* 'Just stay put'

= =

T-teka, ito yung nasa Cebu kami 'di ba? Bakit may video sila master at ms. Chelsy habang wala ako?

= =

* 'I still love you'

* 'Zedref, anong pinagsasasabi mo jan? Lahat ng nangyari sa atin ay tapos na. I'm done with you'

MENTAL GIRLS 1: Lavend Sanchez #TAA2018 #WPAA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon