Part 16

62 6 0
                                    

Part 16: Ey stop! I quit!!

[Lavend Sanchez]

11 : 07 am

Napa-pout ako dahil kanina pa ako naghihintay dito sa sala pero hindi pa rin dumadating si master. Nasaan na kaya siya?

Nakatulog na si nanay Eda kaya mag-isa na lang akong naghihintay dito. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng gate, automatic kasi yung gate na nagbubukas kapag na-detect nito ang kotse ni master. Tumayo ako at lumapit sa pinto para masigurong si master nga iyon.

Napangiti ako nang lumabas si master galing sa kotse. "Magandang gabi, master!" Masayang bati ko at mukhang nagulat ata siya kasi medyo lumaki yung singkit niyang mata. Aaaang Kyuuuuut!

"W-what--" Umayos siya ng tayo at naglakad papasok sa loob ng bahay. "Why still awake?"

"Kasi hinihintay po kita" nakangiting sagot ko habang sinusundan siya.

"Y'don't have to" Napakunot ang noo ko.

"Ang alin po ang hindi ko dapat gawin?" Napalingon siya sa'ken.

"That waiting" sagot niya at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

"Wala naman po akong ginagawa e. Hindi pa rin naman po ako inaantok, kaya okay lang" Hindi na nagsalita pa si master kaya ako na lang ulit ang nagsalita.

"Nagluto po pala si nanay Eda ng pagkain, nasa ref. Gusto mo po bang initin ko para sa'yo?" Binuksan ko ang ref at kinuha yung mga pagkain kanina.

"Sure." Sagot niya at naupo sa upuan. Napatango naman ako at pinasok sa loob ng microwave yung mga pagkain. Kanina, bago matulog si nanay Eda ay tinuruan niya ako kung paano mag-init ng pagkain kaya alam ko na ngayon kung paano.

Ilang minuto lang ang hinintay ko pagkatapos ay hinain ko na kay master ang pagkain.

"Eat well, master" Masayang sabi ko at nilapag sa harapan niya yung mga pagkain.

"Thanks"

"You're welcome po" Sabi ko at naupo sa upuan na katapat ng kaniya. "Master, hindi ba ako hinanap nila Blue at Kassie?" curious talaga ako kung naaalala pa ba ako ng dalawang 'yon. Baka mamaya, nabaon na ako sa limot ng mga 'yon e.

"They did"

Halos mapatalon ako dahil sa sinabi niya. "Talaga master?! E ano pong sinabi mo?" Nakakatuwa namang marinig na naaalala pa pala ang ng dalawang iyon.

"You quit" Napatango ako dahil sa sinabi niya.

"Eh ano pong sabi nila o di kaya naging reaction nila?"

"Sad."

"Ahhh.." Napatango na lang ako at dinikit ko sa mesa ang kanang pisngi ko. Infairness, medyo inaantok na ako. Pinikit ko muna ang mga mata ko tutal kumakain pa naman si master.

*

Medyo naalimpungatan ako nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Binuksan ko ng kaunti ang mga mata ko at nakita ko ang seryosong mukha ni master.

Nananaginip ba ako? Kasi kung oo, ito ang first time kong nanaginip na hindi lollipops, mga magulang ko o di kaya mga kaibigan ko ang kasama ko.

Naramdaman kong dumikit sa malambot na bagay ang likod ko. Naramdaman ko ring parang may naglagay ng kumot sa katawan ko.

"Goodnight"

Iyon ang huli kong narinig bago tuluyan akong nabalik sa dream world ng mga lollipops.

* * *

Isang napaka-boring na araw ang araw ko ngayon... Napa-buntong hininga ako at ininom ang hinandang juice ni nanay Eda.

MENTAL GIRLS 1: Lavend Sanchez #TAA2018 #WPAA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon