"Ano ba naman yan! San ako ngayun mag hahanap ng trabaho?" Mula sa pag lalakad ay inis na napa upo ako sa gilid ng bangketa ng medyo maramdaman ko na ang sobrang pagod sa paglalakad.Syet! Parang di ko na kasi kaya pang maglakad ulit sa sobrang sakit ng paltos sa mga paa ko e.
Panu ba naman kasi. Mula ala syete ng umaga ay tatlong oras na ang nakakalipas ng umalis ako sa bahay para mag hanap ng trabaho.
Pero kahit dish washer sa palengke ay wala parin akong makita.Bwiset! Di man lang sinuwerte.
Salubong ang kilay na napangiwing tinignan ko nalang yung paa kong namamaga na.
Aray!
Pakiramdam ko pati paa ko suko narin sa kaka lakad.
Inis na dahan dahan kong tinangal yung doll shoes na pinilit ipasuot sakin ni meg.
Maganda daw kasi sa paa ko sabi nito.Napanguso ako.
Tsk! Maganda daw... Maganda kamo itapon! Bulong ko tyka asar na binalibag yung sapatos sa tabi.Nakasimangot na Pinilit ko nalang hilutin yung sakong ng paa ko.
Ang totoo nyan. Di ko alam kung maiinis bako sa kalagayan kong ito o maiiyak nalang.Pakiramdam ko kasi Parang wala ng magandang nangyari simula ng
Nawala si nanay samin ni alec e.Puro nalang kapalpakan at kamalasan.
Dinaig pa namin ang may balat sa pwet!
Tsk!
Wala sa sariling na pangalumbaba nalang ako habang naka salampak parin ako dito sa bangketa. Maraming dumaan na galing sa bayan pero Wala kong pakeelam.
Kaasar!!
Di ko tuloy alam ngayun kung saan ako kukuha ng pambayad sa koryente!..
Mag babayaran na kasi pero wala parin akong pera.
Nahihiya na rin kasi ko kay meg na lagi sya ang nagbabayad kaya nangako ako sa kanyang ako naman ang magbabayad ngayun, kahit ayaw nya.Yung ngalang san naman ako kukuha ng ipambabayad?
Haist!
Mula sa tabi ay mabigat ang loob na pinulot ko nalang yung isang pares ng sapatos ko. Walang mangyayari kung uupo nalang ako dito. Kailangan kong makahanap ng trabaho kahit anong mangyari.
Pero di ko paman tuluyang nasusuot ang sapatos ko ng mula sa kabilang kalsada ay nakita ko ang isang may katandaang babae na parang konting kembot nalang ay mukang matutumba na habang naglalakad.
Nangyari dun?
Para kasi itong nahihirapan sa paghinga batay narin sa pagkakahawak sa dibdib nito.
Mula sa pwesto ko ay Tinignan ko ang pinangalingan nito.
Galing ito sa isang coffe shop.
Pero wala ni isa man sa loob ang nakakapansin sa matanda kahit na ang mismong guard ng shop.Muli akong tumingin dito. Palagay ko ay pupunta ito sa isang kotseng nakaparada sa di kalayuan.
Pero halos manlaki ang mata ko ng tuluyan na itong bumaksak."Hala! Si lola!!
Sigaw ko sa isip ko ng makita ko itong tila wala ng malay na nakahiga sa semento.
mabilis na napatakbo ko sa kinaroroonan ng matanda.Halos muntik muntik pakong masagasaan sa sobrang pagmamadali.
" La? Okay lang po kayo!? Ano hong nangyari sa inyo!?" Alalang tanong ko ng makalapit agad ako. Mabilis ko itong kinalong paupo.
MAy malay pa ito pero halatang nahihirapan paring huminga.
YOU ARE READING
Babysitting The Vorx Marcus
Action"You want a fucking honest answer? fine! Lay down to my bed and im giving you a honest answer. . Answer that will make you scream my name, loud and clear." -Vorx Marcus Forstman **** babysitting The Vorx Marcus Dyosangkulot