a/n: di ko alam kung maganda to. pero nag update agad ako ng sinabi nyong maganda. ☺️ hope magandahan parin kayo. *muaphs*
kuwatro
Ayokong mag salita,
pati ang gumalaw ay ayoko din.
Pakiramdam ko ay gusto kong mag maktol.
Seryoso ba?
di makapaniwalang tanong ko sa sarili.kasi naman! parang di kayang tanggapin ng utak ko ang sinabi ng matanda na ang aalagaan ko pala mula ngayun ay. . . .
MALAKING BULAS PA KAYSA SAKIN!!
WTF??
Mula sa pagkakatayo ay ilang beses pa akong napa kurap habang nakatingin sa binatang nasa harap ko ngayun na
wala parin kagalaw galaw habang tulalang nakatingala parin sa kisame.wala na ang dalawang matanda.
kanina pa umalis ang mga ito matapos sabihin sakin ang mga kailangang gawin na parang wala naman akong naintindihan kahit isa.
kusa na kasing tumigil ang pag sirculate ng utak ko ng ipakilala ako ng ginang.
kaya kahit ang umangal ay di ko na nagawa.
Pagkatapos kasing ianunsyo kanina ni Mrs savedra na ito ang aalagaan ko ay di nako nakapag salita sa sobrang gulat.
kasi naman parang may sarling utak ang dila kong umatras sa pagsasalita kaya yan halos wala kong nagawa kanina kundi ang pakinggan nalang ang sinasabi ng ginang.
kahit sa totoo lang ay gusto kong umangal.
gusto kong sabihing ayoko!
Pero paano? ni ayaw mismo bumuka ng bibig ko.
iniisip ko palang kasi na magiging taga pag alaga ko ng lalakeng mas matanda pa sakin ng ilang taon ay parang ayaw ng gumana ng utak ko.
bukod dun, di ko pa nakakalimutan ang pag lalapastangan nito sa mga kamay ko kani kanina lang, kaya parang ayaw pa tanggapin ng utak ko ang mga nang yayari.
Pero paano ba umangal? Nakakahiya ng umatras kung kailan napakilala nako.
kaya kahit gusto kong umangal ay di kona talaga magawa.
hanggang tuluyang iwan na kami ng dalawang matanda.
Asar akong napairap sa hangin.
at napapikit sa sobrang frustrate.Ano ba itong napasok ko?
mariin ko nalang bulong habang simpleng padabog akong napa padyak ng paa.kaming dalawa nalang ang natitira sa mansyon.
at habang mas tumatagal ang oras ay mas napipikon nako.
Mag iisang oras na kasi mula ng umalis ang lolo't lola nito pero ang kumag heto at tulala paring nakatingala sa kisame.
mukang may tama parin ng alak sa ulo.
nakabalandra ang hubad na katawan nito sa harapan ko. Parang di alintana ang lamig na nilalabas ng aircon.
napaingot ako.
Wala ba itong balak gumalaw?
kung sa tingin nito ay natutuwa ako sa hubad na katawan nito ay nag kakamali sya. masama ang timpla ko ngayun kaya wala kong balak mag appreciate ng biyaya.
YOU ARE READING
Babysitting The Vorx Marcus
Action"You want a fucking honest answer? fine! Lay down to my bed and im giving you a honest answer. . Answer that will make you scream my name, loud and clear." -Vorx Marcus Forstman **** babysitting The Vorx Marcus Dyosangkulot