singko
"Ano ba! sabing kailangan mo ngang uminom ng gamot e. bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Mula sa kusina ay pigil ko ang sarili kong sumigaw dito habang pilit itong pinaiinom ng gamot.
Tapos na itong kumain, naubos naman nito ang hinain ko pero ang loko mukang papahirapan naman ako sa pagpapainom dito ng gamot.
"I said no. drink it if you want." simple lang nitong sagot habang tila walang pakeelam na nilagpasan lang ako palabas ng kusina matapos uminom ng tubig.
Habol ang tingin dito ay asar nalang akong napa padyak ng paa habangpilit ang sariling kinakalma.
halos kanina pa kasi kami nag pipilitang uminom ng gamot pero ang ending. eto tinalikuran at iniwan lang ako ng walang hiya.
punyetang yun!
yung totoo? Malaki na ito. Pero bakit parang pakiramdam ko bata pa ang inaalagaan ko?
Daig pa nito ang kapatid ko sa katigasan ng muka!
dyusmiyo gamot nalang ayaw pang uminom? ano? takot lang sa gamot?
hilot ang ulo ko ay asar nalang akong napa sunod dito.
sumasakit ang ulo ko sa lalakeng yun!
pakiramdam ko ay unang araw palang ng trabaho ko ay pagod na agad ako.para kasing a di lang isang simpleng babysitter ang trabaho ko dito. kundi
kundi
Hawak hawak ang lalagyan ng gamot at baso ng tubig ay asar nalang akong humabol dito.
hindi ito pwedeng hindi uminom. mahigpit ang bilin ng lola nito na painumin ito gamot sa tamang oras.
Mayron daw kasi itong sakit sa puso— char! joke lang.
he-he for past recovery lang daw ng binti nito ang gamot.Chika kasi sakin ng lola nito, galing daw kasi sa isang car accident ito. at kahit nakakalakad naman daw ito ay hindi pa daw ganun kagaling ang buto nito sa binti kaya kailangan nitong uminom parin ng gamot.
yun nga lang . . .
Pano ito gagaling kung ayaw uminom ng gamot!!
Umakyat ito sa secondfloor at Papasok sa isang kwarto ng maabutan ko.
"Hoy teka—!"
Kaso di paman ako nakakalapit dito ng saraduhan agad ako nito ng pinto.
"aba–t."
Sinubukan kong ipihit agad ang doorknob para tignan kung bukas pero shutanes! naka lock na."Hey! buksan mo to! inumin mo muna tong gamot mo." halos kalampugin ko ang pinto nito sa sobrang lakas ng katok ko.
konti nalang.
konti nalang talaga at makakalimutan kong ito ang amo ko.
Pero kahit anong katok ang gawin ko ay parang wala lang itong naririnig sa loob.
Asar na lalo ko pang mas nilakasan ang katok ko.
"Ano ba!! Bubuksan mo ba to o Sisirain ko tong pinto??"
kulang nalang ay lumabas lahat ng ugat ko sa leeg sa sobrang lakas ng sigaw ko dito.
pake ko kung malakas ang sigaw ko e sa hindi nako natutuwa e.
bukod don kaming dalawa lang naman ang na andito kaya pakels ko ba.Pero khit anong kalampag ang gawin ko. wala parin akong narinig na sagot mula dito.
Abat!—
ngali ngaling sisigawan ko pa sana ulit ito pero napatigil sa hangin ang bibig ko ng bumukas bigla ang pinto.
YOU ARE READING
Babysitting The Vorx Marcus
Action"You want a fucking honest answer? fine! Lay down to my bed and im giving you a honest answer. . Answer that will make you scream my name, loud and clear." -Vorx Marcus Forstman **** babysitting The Vorx Marcus Dyosangkulot