7 - The Festival

130 11 0
                                    

Christine's POV

"Festival ba kamo? Ano yun?" Tanong ko kay Mr. Bad.

"Uhm, pag diriwang. Parang party, libreng pag kain, tapos sayawan, kantahan, ganun." Sabi niya sa akin.

"Hmmm. Kala ko ba kilala ka sa west?" Tanong ko sa kanya.

"Pumunta dito si Jonny, binigyan nga tayo ng maskara eh." Sabi nito.

"Maskara? Para saan?" Tanong ko.

"Kada taon, merong festival. Ngayon, ang theme, naka maskara ka, last year, korona nga eh." Sabi nito.

"Ahh, eh anong maskara ko?" Tanong ko sa kanya kasabay ng pag hagis niya ng isang asul na maskara at nasalo ko naman ito.

"Woah, sparkle." Sabi ko, may glitter kasi sa akin eh.

"Sa akin itim, na parang Zoro." Sabi niya sa akin tapos pinakita niya.

"Woah, ang ganda. Wait, anong isusuot mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit nandito ako na mukhang mahirap tandaan mo ako pinaka mayaman dito. Hindi naman royalty ang mga pwedeng makisali e. Pantalon at t-shirt okay lang." Sabi niya sa akin.

"Edi yung nalang gagamitin ko." Sabi niya.

"No, hindi. Isuot mo yung blue dress na binili mo." Sabi nito.

"You mean 'ko' dahil ikaw bumili nun." Sabi ko sa kanya.

"Psh. Babae ka, baka pag ka malaman kang mag nanakaw dun." Sabi nito.

"Excuse me pero ikaw rin noh." Sabi ko sa kanya.

"So? Pag diriwang lang naman iyon, nothing more." Sabi nito sa akin.

Pumunta naman siya sa labas, so kinuha ko yung blue dress, simple lang, mahaba siya kaso hindi masyadong mahaba, parang sa mga nakikitang suot ng mga prinsesa? yun lang. So, sinuot ko na ito at inilugay ko yung buhok ko at sinuot ko na yung sparkly blue mask na bigay ni Jonny. ^_^

Wala namang salamin dito kaya hindi ko alam kung anong itsura ko pero sana naman okay lang.

Lumabas ako at nag pakita kay Mr. Bad.

"Okay lang ba?" Tanong ko sa kanya at lumingon ito.

Nanlaki ang mata niya pero hindi ko lang sure.

"Woah, wait, pangit ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, panget ka na talaga. Okay lang." Sabi nito sa akin.

"Grabeng sama. Uber." Bulong ko at nakita ko namang sinuot niya ng yung maskara niya.

Sinuot ko na yung flat shoes at nag lakad kaming dalawa paalis sa bahay.

Ilang minuto lang ay natanaw na namin yung gate ng west. Naririnig ko na yung mga tugtog.

"Nag sisimula na, tara!" Pasigaw niyang sabi at hinatak niya ako paloob.

Nakita ko yung mga taong may mga hawak na instrumento at may nag bibigay din ng pag kain. Nakita ko din yung mga taong nag sisiyawan, nag kakantahan, at parang an ganda sa pakiramdam na may ganito.

Yung mga bata, nag hahabulan na may hawak hawak ng bibingka at kakanin.

"Ate?" Napa tingin naman ako sa batang lalaking hinihila ang damit ko.

"Ano iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede ba kitang maisayaw?" Nagulat naman ako sa tanong nung batang lalaki.

Napa tingin naman ako kay Mr. Bad,

"Sige, sayaw lang kayo. Kakain muna ko." Sabi ni Mr. Bad kaso hinawakan ng isang matandang babae ang kanyang kamay kasabay ng pag tugtog nang nakaka-aliw na tunog.

The Princess and The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon