1 - I am Princess Christine

293 17 6
                                    

Christine's POV

"Ang tunay na prinsesa, laging naka ngiti." -Mama.

-__- ~ Ako.

"Ang tunay na prinsesa, mabait." -Mama.

ψ(`∇')ψ ~ Ako.

"Ang tunay na prinsesa, nagigising ng maaga." -Mama.

(( _ _ ))..zzzZZ ~ Ako.

"Ang tunay na prinsesa, malinis tignan." -
Mama.

@(・●・)@ ~ Ako.

"Ang tunay na prinsesa, mahinhin." -Mama.

ε=ε=ε=ε=ε=ε=┌(; ̄◇ ̄)┘ ~ Ako.

"Ang tunay na prinsesa.. Alam niya ang pag kaka iba sa tama at mali."

Dyan ako napatigil. Ang tunay na prinsesa, alam niya ang pag kaka iba sa tama at mali. Pero ang pag kaka alam ko, hindi ko alam kung anong pag kakaiba niyan.

Mabait dapat ako, pero mala demonyo naman ang ugali ko.

Naka ngiti dapat ako, pero lagi akong poker face.

Nagigising dapat ako ng maaga, pero para akong bampira na buhay sa gabi.

Malinis dapat akong tignan pero ang suto ko ngayon ay berdeng bistida na sobrang simple lamang.

Pero ano kaya ang pinag kaiba ng tama at mali?

Napa kunot nuo ako at tumingin ako kay Tricia, kapatid ko malamang.

"Sa tingin mo ba masama ako?" Tanong ko sa kanya.

"No offense Ate Tin, but you're a bit evil." Sabi nito habang patango-tango pa.

"Paano kung sabihin ko sayo na pwedeng ikaw nalang ang maging queen?" Naka taas na kilay ang tanong ko sa kanya.

Tumingin naman ito sa akin ng diretso,

"Ikaw ang mas matanda sa atin, kaya ikaw ang magiging reyna ng Edenia balang araw." Naka ngiti nitong sambit sa akin.

Napa tingin naman ako kay Mama habang kumakain siya ng carbonara.

"Kabaligtaran ako ng mga sinasabi niyo." Sabi ko sa kanya at nilagay ko yung bow at arrows ko sa lamesa at kinamay ko yung kinakain ko.

"Ang tunay na prinsesa, hindi nag kakamay. Ang tunay na prinsesa, hindi nag lalagay ng armas sa lamesa. At ang tunay na prinsesa, hindi ganyan ka baboy kung kumain." Tuloy tuloy na sambit nito.

Bahagya naman akong naka tingin kay Papa at ngumiti lang ito sa akin kaya naman I sat up straight, faced them, raised my chin up, and smirked.

"Pwedeng si Tricia nalang? Ayaw ko talagang maging future Queen ng Edenia." Sabi ko sa kanila.

Napa tingin naman ang dalawa sa akin, walang iba kundi si Mama at si Papa.

"Ikaw ang matanda, you should know better." Sabi sa akin ni Mama.

"But I know Tricia is smarter than me. I mean, I can't do this." Sabi ko sa kanya.

"You're the future queen and that's it. End of discussion and eat your food." Utos nito kaya naman ako napa yuko at kinain ko na lamang ang pag kaing nasa harapan ko ngayon.

This is the life I don't want to have but suddenly the man above just gave it to me. Maybe He has a reason why He gave it to me. Pero ano naman ang dahilan na iyon? Ang ibig kong sabihin, isang normal na tao lang ako and yet they are treating me like a goddess. They means the people of Edenia.

The Princess and The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon