9 - Fireworks

122 11 0
                                    

Christine's POV

"Ilang minuto nalang at iilawan na yung mga fireworks." Sabi sa akin ni Mr. Bad kaya naman ako napa tigin sa kanya.

"Pwedeng dito nalang tayo?" Tanong ko sa kanya. Andito parin kasi kami sa bench, yung sa may fountain. Onti nalang yung mga tao dito at tila ba parang kaming dalawa nalang ang nandito. Pumunta kasi sila sa loob ng palasyo para i-set up yung mga fireworks na gagamitin.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Mr. Bad.

"So ang fireworks, dito mo makikita." Sabi niya sa akin at tinuro yung clear sky.

"Maganda ba yung fireworks?" Tanong ko.

"Oo, sobra. May mga iba't iba siyang ilaw. Natatanaw ko yun sa bahay dati eh." Sabi nito sa akin.

"Talaga?" Tanong ko sa kanya.

"Yep. Well dito, maganda din ang view dito kaya makikita mo siya ng maliwanag." Sabi niya sa akin.

"Ahhh, okay." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka man lang ba gumagala sa lugar niyo?" Tanong nito.

"Uhm, tumatakas ako para mag archery." Sabi ko sa kanya.

"No way, nag a-archery ka?" Tanong nito.

"Diba nga? Nung sinabi ko sayong binali ni Mama yung bow ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, hindi kasi ako masyadong nakikinig nun." Sabi nito sa akin. -_-

"Hay nako. So iyon, lumalabas ako ng gate at sa gubat ako nag papana." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo ba pabalik sa inyo?" Tanong nito sa akin.

"No.. Hindi." Pagsisinungaling ko. Actually, alam ko kasi ayaw ko na talagang bumalik duon, and plus, hiniwa ko yung mga puno kaya natatandaan ko pa.

"Ahh, eh paano kung lumipas yung two months?' Tanong nito.

Wait, ayaw niya ba ako? Tanong ko lang.

"Hmm.. Edi hahanap ng ibang lugar." Sabi ko sa kanya.

"Saan?" Tanong nito.

"Sa Safe and Sound. Tsaka sabi sa akin ni Cookie, kung may kailangan ako pupunta daw ako sa kanya." Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Yung tokneneng Prince na yun? Jungkook talaga oh." Naka poker face niyang sabi.

"Jungkook?" Tanong ko.

"Oo, tunay na pangalan niya yun. Cookie lang ang apelyido." Sabi nito sa akin.

"Paano mo alam?" Tanong ko.

"Wala." Sabi nito at tumingin siya sa harap.

Madilim na nga sa lugar.

"Let's say, paano kung mahanap ka ng mama mo?" Tanong nito biglaan dahilan kung bakit ako napa tingin sa kanya at naka tingin lang siya sa langit na sobrang madaming butiun.

"Hindi ko alam.. Tatakbo ako." Sabi ko sa kanya.

"Psxh. Mahuhuli ka nila." Sabi nito.

"Sinong nila?" Tanong ko.

"Wa-wala." Nauutal niyang sabi.

This guy is weird.

"Alam ko na ipapakasal niya ako sa lalaking iyon pero hindi ako papayag." Sabi ko sa kanya.

"Sinong lalaki?" Tanong nito.

"Si Jin, yung Prinsepe ng South." Sabi ko sa kanya.

"Ah, ayaw mo ba sa kanya?" Tanong nito.

The Princess and The ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon