CHAPTER 4
Yugyeom's POV
Habang nasa sasakyan, nag-iingay pa din yung dalawang bakla (JackBam) isama mo pa si YJ na bakla din. Napaka ingay! Pag ako naasar, ako manununtok sa kanya eh.
"Babawi ako, di pwedeng hinde." seryosong sabi ni Youngjae hyung.
"Hyung naman, babae yun. Papatulan mo pa?" Sagot ko sa kanya.
"Di ka pa nasanay jan Gyeom. Alam mo namang hindi yan magpapa-api eh." Sagot naman ni Bambam.
"Tarantado kasi kayo eh. Alam nyo namang pikunin yang si Youngjae hyung tas yan pa napili nyong i-prank." Sagot ko kay Bambam.
"HEY HEY HEY! NOT ME! Si Bambam lang!" Sigaw ni Jackson hyung. Kahit kailan talaga, napaka ingay nito.
"HEY HEY HEY! Kasama kita pagpa-prank kay Youngjae! Don't lie Jackson!"
"Shut up you two!" Ayan na! Nagsalita na si Mark hyung. Tiyak mananahimik na yung dalawa.
--
Pagdating ng bahay ay deretso na kami sa sari-sarili naming mga kwarto para ilagay ang mga gamit na dala namin. Pagkapasok ko ay dinatnan ko ang kwartong kulay abo ang pader at dingding, mga ilaw na hindi masyadong maliwanag na mas makakadagdag sa ganda ng kwarto. Samahan mo pa kama na magkakasya na ang isang buong pamilya, naka carpet na sahig, may maliit na ref at isang malaking flat screen tv.
Pagkalabas ay nakita ko silang nakapaikot sa sala.
"CHU CHU CHU CHUUUU!" Sigaw ko habang sila ay nakatingin sakin ng masama.
"What? You all look serious. I'm just lightening up the mood." Sabi ko sa kanila with matching pogi pose.
"Lightening up the mood. Tch! Kala mo naman napaka galing mag-english ng gago." Sagot ni Jaebum hyung.
"So ano meron? Bakit ang seryoso nyo masyado?" Tanong ko sa kanila.
"Were waiting for you actually. Were--" pinutol ni Jinyoung hyung sa pagsasalita si Mark hyung.
"Pupunta tayong mall." Sabi niyo sakin.
Nagtinginan si Bambam at Jackson hyung kasabay ang pagngiti nila na halatang may binabalak na masama.
"Kung may gagawin lang kayong kagaguhan, huwag na kayong sumama Bambam at Jackson" pagsasalita muli ni JB hyung.
"WHAT?! NO WAY!" Sabay na pagsigaw ng dalawa.
"Pag ba ako, lagi nalang prank naiisip nyo?" Sabi ni Bambam pabiro habang nakahawak sa dibdib na para bang nasaktan.
"Aish! Mangchichixx ako dun! Not to prank others!" Sagot ni Jackson.
"Mang chichixx daw pero hindi naman kayang umamin. Tch." Pabulong na sabi ni Mark hyung na ikinatawa ko ng malakas.
"Ikaw pa talaga nagsabi nyan Mark hyung?" Sabi ko sa kanya ng mahina.
Tiningnan nya lang ako ng masama at sinuntok ng mahina sa tiyan.
--
Location: Mall
Pagdating sa mall ay agad na tumakbo ang JackBam. As usual, nag-iingay nanaman yung dalawa na parang ngayon lang nakapunta ng mall.
"SYEEET! ANG DAMING CHIIXXXX!"
"BRRAAAA! Hi miss! Can I get your phone?" Sabi ni Bambam imbes na phone number ang kukunin ay mismong phone ang hinihingi ng gago.
"Sure! Here." Sagot naman ng babae kay Bambam at inabot ang cellphone nya dito.
"PFFT. HAHAHAHAHAHA!" Hindi na namin napigilan ang pagtawa ng malakas. Si Mark hyung at JB hyung naman ay tahimik na tumatawa sa harapan ko.
Hinila na nila ang dalawa upang makaiwas sa gulo at ingay na ginagawa ng dalawa naming kasamahan.
Pumasok kami sa Bookstore upang bumili ng gamit para sa pasukan. Kahit naman takaw gulo kami, nag-aaral pa din naman kami. Hindi lang halata.
YOU ARE READING
See the Light (GOT7)
FanfictionSeven Lights isang grupo na may pitong myembro. Isang grupo na kung saan ang buhay ay isang laro. Laro na kung saan palagi sila ang panalo. Paano kung paglaruan sila ng tadhana? Mababago kaya ang grupong ito?