CHAPTER 6:
Jinyoung's P.O.V
Inangat ko ang ulo ko at humikab. Tangina. Naka-idlip pala ako.
Wala pa din yung teacher namin. Sayang lang binabayad namin don ah.
" Jinyoung hyung, may dala kang lipbalm? " tanong sakin ni Bambam
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
" Sabi ko nga , kay Jackson na lang ako manghihiram " sabi naman ni Bambam at agad na humarap kay Jackson
Ilang sandali pa ay may pumasok sa classroom namin na naka-uniporme na pang guro.
Siya na siguro ang teacher namin sa second subject.
" You have new classmate. They're from Haneul Group of Company. " sabi ng guro namin
Nagkatingan kami ni Jackson.
Nagsisimula na ako makarinig ng bulungan sa mga kaklase namin.
HANEUL GROUP ?? Wag mong sabihin na ..
" The KANG Cousins. You may come in "
Putangina!
Napahawak ako sa noo ko at napailing.
Hindi pwede to.
" Shit " narinig kong sabi ni Jackson
Napatayo naman si Mark na gulat na gulat.
" Pre, Haneul Group!" bulong ni Bambam kay Youngjae
" Oo nga eh. Pinadala rin pala sila dito " sabi ni Youngjae
" Isang katanginahan na naman " bulong ni JB
Di ako makapaniwala.
Akala ko ayos na.
Akala ko kaya kong takasan ..
" I'm Daryel Kang. Please be good to me " nakangiting sabi ni Daryel. Ang aking girlfriend. Oo! Girlfriend ko.
Tumingin siya sa lugar kung nasaan ako.
Nagtama ang mga mata namin.
Seryoso mukha lang ang pinakita ko sakanya.
" I'm Mitch Kang. I hope that we can be friends " sabi naman ng girlfriend ni Mark.
" I'm Ayisha Kang " sabi naman ng babae na pinapangarap ni Bambam
Matagal na namin kilala ang KANG cousins.
Sila lang naman kasi ang tagapagmana sa isa sa pinakamayaman na kompanya sa Korea.
Sila ang tagapag-mana ng Haneul Group
Business partner sila ng SL Group
-
<Break Time>
" Mga pre, kayo muna kumain. May gagawin lang ako." sabi ko sa members na palabas na ng room
Tumayo ako at pumunta sa upuan ni Daryel.
Nakita ko siya na nilalagay ang mga gamit niya sa bag.
" Oh , Jinyoung! " masayang sabi ni Mitch
Napalingon naman si Daryel.
" Jiny--" hinawakan ko ang braso nya
" Mag-usap tayo " seryosong sabi ko sakanya habang hawak ang kamay niya.
" Mitch, Ayisha , mauna na kayo. " sabi naman nya sa mga pinsan nya at lumabas na din sila ng room
" Nyoung ~ I miss you " nakangiting sabi nya.
" We need to talk " seryosong sabi ko sakanya
" Nag-uusap na tayo ah? Bakit hindi mo nalang dito sab--"
Hinila ko siya palabas ng room.
Pinagtitinginan na kami.
Wala akong pakialam.
Gagawin ko ang gusto ko.
" Ano ba? Nasasaktan na ako! " sigaw niya sa akin
Di ko pa din binibitawan ang kamay nya.
Hinihila ko pa din siya. Di ko din alam kung saan ko siya dadalhin. Basta doon sa walang tao.
Doon sa makakapag-usap kami.
Hanggang sa hallway ang hawak-hawak ko pa rin ang braso nya.
Hanggang makarating kami sa field kung saan walang tao. Kami lang. Kami lang dalawa.
" Okay! Stop! " sabi nya sabay hila nya sa braso nya na hawak ko.
Nakatangin lang siya sakin na nagtataka.
" Bakit ka pa sumunod dito ha? " seryosong tanong ko sakanya
" Hindi kita maintindihan! " medyo tumataas na ang boses nya
Nilapitan ko sya at sinandal sa pader.
Habang tulak ko ang dalawang balikat nya.
" Bakit ka sumunod dito? "
" Ano bang problema mo? " naiiyak na tanong nya sakin
Nakita ko ang mga luhang pumatak mula sa mga mata nya.
Tiningnan ko lang sya at inalis ang kamay ko sa balikat nya.
Tumalikod ako sakanya
" Yan ba una mong dapat sabihin sa girlfriend mo? Hindi mo ba ako na-miss? " medyo tumataas na ang tono ng pagsasalita nya.
Humarap ako sakanya.
" Hindi kana dapat sumunod dito. "
" BAKIT NGA?? BAKIT ? Sabihin mo. Hindi kita maintindihan! " sigaw na sabi nya sakin habang umiiyak
" OO. ALAM KO! ALAM KO NA HINDI MO NA AKO MAHAL. DI KO ALAM KUNG BAKIT KA NAGKAKA-GANYAN! TINIIS KO LAHAT. KAHIT NASASAKTAN NA AKO NG SOBRA. KAHIT BINABALIWALA MO AKO! KASI NGA MAHAL KITA! "
Walang tigil na tumutulo ang luha nya.
" HINDI KA MAN LANG BA NATUWA NA NANDITO AKO? KAHIT HINDI NA BILANG GIRLFRIEND MO! KAHIT BILANG KAIBIGAN LANG!" nangingig na ang boses nya
" AKALA MO BA DI KO ALAM? ALAM KO! ALAM KO LAHAT, JINYOUNG! ALAM KO NA DARE LANG TONG RELASYONG NATEN! DARE LANG TO NG BARKADA MO! PERO KAHIT NA ALAM KO DI AKO BUMITAW. NANINIWALA AKO NA MAHAL MO AKO! NA MINAHAL MO AKO! PINANIWALA KO LANG PALA ANG SARILI KO"
Nangingig na boses at hikbi ang naririnig ko matapos nyang sabihin ang mga salitang yan. Para akong sinampal sa mga sinabi nya.
Nakita ko syang napa-luhod sa sobrang iyak.
Hinubad nya ang singsing na bigay ko sakanya at binato nya ito sa akin.
Pinulot ko ang singsing na ibinato nya.
" AYOKO NA! PAGOD NA AKO. PAGOD NA AKONG MANIWALA SAYO! NILOLOKO KO NA NGA ANG SARILI KO, NILOLOKO MO PA AKO!"
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa mga sinasabi nya.
Hindi kita niloko Daryel. Hindi.
Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya.
" Jinyoung ... ang . sa kit . sa .. kit" nangingig na boses na sabi nya.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
" I'm sorry " naiiyak na sabi ko sakanya at hinalikan ko sya sa noo.
Umiiyak pa din siya habang yakap-yakap ko siya.
Sana ganito na lang, ganito na lang kami palagi.
Kaso hindi pwede, alam kong hanggang dito na lang kami.
" Let's end our relationship here " seryosong sabi nya.
Di ko alam kung bakit may kirot akong naramdaman sa puso ko.
Eto naman gusto ko dba?
Tama lang yung ginawa mo Jinyoung.
Tama lang yan.
YOU ARE READING
See the Light (GOT7)
FanfictionSeven Lights isang grupo na may pitong myembro. Isang grupo na kung saan ang buhay ay isang laro. Laro na kung saan palagi sila ang panalo. Paano kung paglaruan sila ng tadhana? Mababago kaya ang grupong ito?