Chapter 9

10 0 0
                                    

Youngjae's POV

"Seven Lights yan. Gwapo no... Mayayaman pa." Naririnig naming bulungan ng mga babae.

"Ang gwapo nilang lahat. Ang hirap mamili." Bulong naman ng isa pang babae.

Lumapit si Yugyeom sa nagbubulungan at sinabing

"Hindi mo naman kailangan mamili eh." Pagkatapos ay ngumiti sya sabay kindat na ikina-kilig naman ng mga babae.

"Tara na Yugyeom at mahuhuli na tayo sa klase." Sinabihan ko si Yugyeom ngunit ayaw pa umalis nito sa tabi ng mga babae.

Napakalandi talaga ng higanteng to! Mahuhuli na kami sa klase--

"Aray ko naman hyung! Eto na nga. Eto na. Pupunta na sa classroom." Biglang ingit ng higante. Pagtingin ko sa kanya hinihila na siya ni Mark hyung sa may kaliwang tenga at si JB hyung naman sa kanan.

"Youngjae tara na't wag tumunganga jan." Sabi ni Mark hyung kaya sumunod na ko.

"Bye babies!" Sigaw ni Yugyeom sa mga babae.

"Mark babe!" Sigaw ni Mitch.

"Owshit. Kayo na bahala sa maknae pupuntahan ko muna si Mitch." Sabi ni Mark hyung at tumakbo papunta kay Mitch noona. Kami naman ay dumeretso na sa classroom.

Mark's POV

Nilapitan ko agad si Mitch nang marinig kong tinawag nya ako.

"Ano nangyari sa inyo? Bakit meron kayong pasa?" Nag-aalalang tanong nito sakin.

"Nasan yung mga pinsan mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Si Daryel, hindi pumasok kasi masama daw pakiramdam nya. Si Ayisha naman, binantayan si Daryel." Masama daw pakiramdam. Tch. Brokenhearted lang naman yun.

"Ahh, tara na sa classroom?" Pag-aaya ko sa kanya.

"Sige." Sagot nya at hinawakan ko na ang kamay nya. Tiningnan nya ako ng may halong pagtataka.

"Bakit mo hawak kamay ko?" Pabulong na tanong nito sa akin.

"Eh diba nga, GIRLFRIEND kita." Sabi ko na may pagdiin sa salita. Sumilip kasi sa bandang bintana si Jackson.

"Nakatingin satin si Jiaer. You know how to act." Bumulong ako sa kanya at ngumiti para mukha kaming sweet sa harap ng iba.

Ngumiti naman sya sa akin pabalik. Pumasok na kami ng classroom at umupo sa pwesto namin. Magkatabi kaming dalawa ni Mitch at naguusap nang biglang lumapit si Jackson.

"Mitch, pwede ko ba kunin sandali si Mark hyung?" Tanong nito kay Mitch. Wala naman nagawa si Mitch kaya tumango nalang sya.

"Talk." Sabi ko kay Jackson nang makalayo kami kay Mitch at sa ibang miyembro ng Seven Lights.

"Hyung meeting daw mamaya. Without Jinyoung." Sabi ni Jackson.

"Why?" Pagtatanong ko ulit.

"Sobrang nalasing sya kagabi pagkatapos ng away." Napatango ako.

Isang beses ko pa lang yata makita na maglasing ng sobra si Jinyoung. Una ay family problems. Muntik nang maghiwalay ang magulang nya.

"Okay. Itext nyo nalang ako kung saan at kung anong oras. Pero sino maiiwan kasama ni Jinyoung? Maghihinala yung tao." Sabi ko.

"Si Youngjae na bahala dun. Kakausapin din nya si Jinyoung." Sagot nito sakin.

"Tara na't bumalik sa classroom." Pag-aaya ko.

See the Light (GOT7)Where stories live. Discover now