Chapter 7
JB's P.O.V
Nandito kami ngayon sa field at nagpapahangin.
Mamaya pa kasi next class namin.
Abang-abang lang ng mga dumadaan na babae.
" Makahiga muna nga dito " sabi ni Jackson at nag-unat
" Ewwww, tara mag prank" sabi naman ni Bambam na agad binatukan ni Youngjae
" Napapahamak ako dahi sayo eh! " asar na sabi ni Youngjae
" Ohh, Mark! Girlfriend mo oh. Naglalakad ang init-init" sabi ko kay Mark ng makita ko si Mitch
" Oo nga no? May payong ka ba? " agad na tanong ni Mark
" Ako meron " prisinta naman ni Youngjae
Boyscout laging handa talaga tong bata na ito eh.
" Pre. Sa room nalang ah? Puntahan ko lang tong isa." sabi ni Mark at umalis.
" Mark! Sama ako! " sigaw naman ni Bambam
Nakakamiss tuloy magkaroon ng girlfriend.
Kaso nakakatamad mag seryoso.
" Makiki-epal na naman si Bambam don." natatawang sabi ni Youngjae.
" Hayaan mo, papansin yan kay Ayisha. Alam mo naman na pangalawang beses na siya binusted nyan eh. " sabi ko at tumawa naman ang dalawang kupal
Nakita ko na inakbayan ni Mark si Mitch at pinayungan.
" Boyfriend material talaga si Mark hyung no? " sabi ni Youngjae
" Ulok mo! " sabi naman ni Jackson at nagsalpak ng earphone sa tenga
Mark's P.O.V
Nandito kami ngayon sa Canteen na apat.
Ako si Bambam, Mitch at Ayisha.
" .. hyung iwan mo muna kami " bulong sakin ni Bambam
Natawa ako nung narinig ko yun.
Wala eh.
Gusto nya masolo yung isa eh.
" Mitch, lipat tayo. Date tayo. Hayaan mo yung dalawa dyan " sabi ko kay Mitch at tumayo
" Mitch , san ka pupunta? " tanong ni Ayisha
" Dyan ka lang. Mag - usap kayo ni Bambam " sabi naman ni Mitch kay Ayisha
Hindi maipinta ang mukha ni Ayisha. Si Bambam naman ay walang pagsidlan ang tuwa.
Natawa ako bigla.
Umupo kami sa lamesa na malayo kila Bambam.
" So, kamusta naman siya?" tanong ni Mitch
" Di ba muna tayo kakain? " nakakalokong tanong ko
" Parang tanga ka na naman, Tuan! " sabay irap sakin ni Mitch
Ginulo ko ang buhok nya. Ang sarap nya talaga asarin.
" Ayos naman, mukhang effective!" nakangiting sabi ko sakanya
" Eh, ikaw? Okay ka lang ba? " nag-aalalang tanong nya sakin
" Mukhang hindi nga eh. " sabi ko habang nakatingin sa phone ko
Biglang dumating si Bambam at Ayisha.
" Tara na magkakaklase na!" sabi ni Bambam habang nakatingin sa relo.
" Mauuna na kayo, naiihi ako. " sabi ko kay Bambam
" Kinikilig ka lang kay Mitch eh " natatawang sabi naman ni Bambam
" Tarantado " sabay batok ko sakanya.
Lumabas ako ng canteen at naghanap ng CR.
Ilang minuto na akong naglalakad pero di ko pa din makita.
Putangina.
Sasabog na yung pantog ko.
Ayoko naman magtanong sa mga babaeng nandito.
Gahasain pa ako ng mga to.
Sa patuloy na paglalakad ko ay umagaw ng atensyon ko.
Parang bumalik ata sa loob ang ihi ko.
Isang babaeng pamilyar. Isang babaeng kilalang-kilala ko.
Naka-upo lang siya don at mag-isa.
Pumunta ako sa lugar kung nasaan siya.
" Hoy! Daryel, anong ginagawa mo dito? " tanong ko sakanya
Humarap siya sa akin ng ..
UMIIYAK!
Oo. Umiiyak siya.
" Putangina .." bulong ko sa sarili ko
" Ohh, sana makatulong" sabi ko sakanya sabay abot ng panyo ko.
" Patabi ha. " sabi ko sakanya nung kinuha nya ang panyo na inabot ko.
" Bakit ka umii--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay niyapos nya ako
" Mark .. si .. Jinyoung " patuloy nyang iyak sa akin.
Sa bawat iyak nya ay mararamdamam mo kung gaano siya ngayon nasasaktan.
Hinayaan ko lang siya na umiyak.
" Hindi ka ba papasok ?" tanong nya sa akin nung medyo nahimasmasan na siya.
" Eh sino kasama mo pag pumasok ako? Hindi ka naman pwede pumasok, mugto pa mata mo" natatawa kong sabi sakanya.
" Tara, gala nalang tayo.. sagot ko " sabi ko sakanya at inayos ang buhok nya.
Tumayo naman siya at inayos ang gamit nya.

YOU ARE READING
See the Light (GOT7)
FanfictionSeven Lights isang grupo na may pitong myembro. Isang grupo na kung saan ang buhay ay isang laro. Laro na kung saan palagi sila ang panalo. Paano kung paglaruan sila ng tadhana? Mababago kaya ang grupong ito?