Chapter 5

11 0 0
                                    

CHAPTER 5:

Jackson's P.O.V

Nagsasaya kami ngayong araw dahil alam namin na malapit na ang pasukan.

Tangina. Para namang mag-aaral kami no? HAHAHA!

Bakit pa papasok? Eh uuwi din naman. Di ko talaga maintindihan eh.

Bumabaha na naman ng alak dito.

Si Mark at JB nagbi-billiards. Yung iba naman naglalaro ng cards.

Ako? Di mo tatanungin? Nagkukwento ako.

Tahimik ang lahat ng biglang may may nag-ring na cellphone.

Natigilan ang lahat sa ginagawa nila , pati ako.

" Ano, Mark? Di mo ba sasagutin yan? " sabi ni JB at tinuro pa ang cellphone gamit ang nguso nya.

" Hayaan mo siya " walang ganang sabi ni Mark habang tinitisaan ang tako ng bilyar.

" Sagutin mo muna! " sabi ni JB

Napa-buntong hininga si Mark at sinagot ang tawag.

" Hello " walang ganang sabi ni Mark sa kabilang linya

" Oo, nandito" sabi ulit ni Mark

" Oo, ako na bahala! " sabi ulit ni Mark at binaba na ang cellphone nya sa lamesa.

" Sino yun pre? " tanong ni Jinyoung kay Mark habang nag-abot ng maaninom

" Si, Mitch pre! " sabi naman ni Mark sabay inom ng alak.

Medyo nagulat ako nung marinig ko ang pangalan ni Mitch. Oo. Si Mitch. Si Mitch nga. Si Mitch na girlfriend ni Mark.

" Wala man lang I love You ? " nang-aasar na sabi ni Jinyoung

" Eh ikaw di mo ba tatawagan si Daryel? " singit ko sa usapan nila.

Nilapag ni Mark ng malakas ang hawak nyang baso sa lamesa.

Buti nalang di nabasag.

" Wala akong nakikitang dahilan. " natatawang sabi ni Jinyoung.

" Nasan pala si Bambam at Yugyeom? " tanong ko sakanila

" Nag-aayos sila ng kwarto. Mamaya daw bababa sila dito " sabi ni Youngjae na naglalaro sa cellphone

" Wag nyo na painumin yung dalawang yun. Baka mamaya kausapin na naman yung bowl eh" natatawang sabi ni JB.

Mark's P.O.V

Nagbibilyar ako ng tumawag si Mitch. Eto na naman siya. Magtatanong na naman kung ano-ano.

" Nandyan na ba siya? " tanong sakin ni Mitch sa tawag.

Kaya nga ba ayoko sagutin tawag ng babaeng to eh.

" Oo, nandito" walang ganang sagot ko.

" Ikaw na bahala sakanya, Mark. Please."

" Oo, ako na bahala!"

JB's P.O.V

Nagising ako hindi dahil sa lakas ng alarm clock. Kundi, dahil sa bunganga ni Youngjae na abot hanggang dito sa kwarto ko.

Pumihit ako sa kama at nagtakip ng unan sa tenga ko.

" .. COCO YAH!! COCO YAH! "

Putangina.

Bumangon ako at umupo.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumababa sa sala.

Kumakain na sila. Si Youngjae naman nakikipaglaro kay Coco.

" Youngjae, yung bibig mo dinig hanggang taas" sigaw ko kay Youngjae habang nababa ng hagdan.

Di ako pinansin ng gago.

Umupo ako sa lamesa.

" Bilisan mo na kumain " sabi ni Jinyoung sakin sabay abot ng tinapay

" Magbihis ka na din, baka-ma-late pa tayo eh. " sabi ni Jackson

" Mangchi-chixx ka lang dun eh! " sabi ni Bambam habang siniko si Jackson

Pagtapos ko kumain ay umakyat na agad ako sa taas. Naligo at nagbihis.

Sinuot ko ang uniform ng school na papasukan namin at humarap sa salamin.

" Ang gwapo mo talaga, JB!" sabi ko sa salamin sabay kindat

"ARAY!" Daing ko nang maramdaman kong may tumamang remote sa ulo ko.

"Tigilan mo yang kaululan mo Jaebum. Ibabalik kita sa tiyan ng nanay mo." Sabi ni Mark habang nakasandal sa pinto. Tss. Hindi naman gwapo ang gago.

"Sa susunod na bubulong ka, siguraduhin mong hindi ko naririnig. Bumaba ka na jan, ikaw ang magmamaneho ngayon." Wala akong nagawa kundi sundin ang utos ni Mark hyung.

Yugyeom's POV

Location: School

Time: 9:30am-- Shit were doomed. First day pero heto at late kaming pito.

"Tangina naman kasi eh! Bakit ba naman kasi nagyabang pa yung isa sa harap ng salamin kanina eh." Sabi ni Jinyoung hyung.

"O tapos?" Sagot naman nitong singkit na to kasabay ng paghikab neto.

"Anong 'o tapos?' Ikaw dahilan kung bakit tayo nalate eh." Pagsagot ni Nyoung.

"Pakialam mo ba? Hindi naman kita pinapakialaman pag hinahalikan mo sarili mo sa salamin eh." Sabi ni JB sabay smirk. Namula naman si Jinyoung sa sinabi ni JB.

"PU-- Pano mo yun nalaman?!" Gulat na tanong nya kay JB.

"Pag nalalasing ka, ikinukwento mo samin na hinahalikan mo sarili mo sa salamin ng PAULIT-ULIT." ako na sumagot ng tanong ni Jinyoung hyung.

"Mas mabuti pang maglakad na kayo papuntang room imbes na mag-away kayo jan." Naiiritang sabi ni Mark hyung. Kahit kailan talaga napaka mainitin ng ulo nitong tanda na to.

Pagdating namin sa tapat ng pinto ng classroom ay nag-ayos muna ako ng buhok bago buksan ang pinto.

"Kayo ba ang mga bago kong estudyante?" Tanong ng guro namin sabay ngiti.

"Ah, opo. Kami nga po." Magalang na pagsagot ni Jinyoung. Hindi naman totoong mabait yan. Sadyang tinatamad lang kami sumagot sa guro namin.

"Pumasok na kayo at magpakilala sa harap." Sabi muli ng guro sa amin.

"Mark Tuan" sabi ni Mark hyung pagkatapos ay dumeretso sya sa mga bakanteng upuan sa likuran ng silid.

"Im Jaebum. JB" pagsunod ni JB hyung

"Choi Youngjae" pati naman tong si Youngjae ay nakigaya sa kanila.

"Park Jinyoung" sabi ni Jinyoung sabay ngiti sa lahat.

"Brraaaaa! Bambam." Pagsasabi ni Bambam. Ayaw niyang sinasabi ang totoo niyang pangalan. Nahihiya daw sya.

"Jackson Wang." Sabi ni Jackson sabay ngiti na may kasama pang kindat sa mga babae.

"Yugyeom. Pinakagwapo." Sabi ko sabay smirk sa harap ng mga babae. Pagkatapos ay sumunod na din ako sa kanila at umupo sa likod.

Mark's P.O.V

Nakaupo kami ngayon sa likod. Eto ang sinasabi nilang HANDSOME BOYS AT THE BACK.

Yung ibang babae namin na kaklase lingon ng lingon sa likod. Anak ng --- baka naman mabali ang leeg ng mga to

Mabilis na lumpas ang isang oras , mga rules and regulations lang naman kasi ang binaggit.

Nakaka-antok naman talaga sa paaralan, nako.

" Anong second subject ? " tanong ni Jackson habang kumakamot sa ulo

" Science " antok na sabi ni Jinyoung tsaka tumungo sa desk ng arm chair nya

Nag-aantay lang kami ng sa susunod namin subject.

Ayaw na rin namin na lumabas ng room. Mahirap na baka pag kaguluhan pa kami.

Nagsalpak nalang ako ng earphones sa tenga at tinanaw ang langit mula sa bintana.

Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya?

See the Light (GOT7)Where stories live. Discover now