Prologue

3.3K 72 4
                                    

Prologue

"Mors aer!" Nakatutok ang mga kamay na sambit ko sa mga kalabang nasa harap ko at saka sila nagsitumbahan at natuyo ang kanilang mga balat, hudyat na sila ay patay na.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo palabas ng kaharian. Walang laman ang aking isip kundi ang batang nasa pangangalaga ko. Kailangan ko siyang maialis dito kung hindi mamamatay siya at iyon pa ang magiging katapusan ng buong mundo.

Sa gitna ng aking pagtakbo ay napatago ako sa isang pader ng bigla akong makarinig ng mga salamangkerong naguusap.

"Nawawala daw ang bata! Kailangan na siyang mahanap sa madaling panahon!" Dinig kong sigaw ng isa sakanila kaya napapikit ako at napadasal na sana maging ligtas kami.

Ngunit hindi yata dininig ng langit ang aking panalangin ng umiyak ang batang prinsesa sa aking mga bisig.

"Bakit ngayon pa prinsesa?" Pabulong na tanong ko sakanya at naghanda para sa pakikipaglaban sa mga salamangkerong ito.

"Nandoon sila!"

"Tara na!"

"Huwag silang hayaang makatakas!" Sigaw nilang lahat kaya inihanda ko na ang sarili ko. Kaunting oras na lang ay magsisimula na ang seremonya at dapat maialis ko na dito ang prinsesa.

"Aer soparatus" Pabulong kong sabi at may hangin na lumabas sa aking palad tungo sa mga salamangkero.

Matapos nun ay narinig ko na ang sunud-sunod nilang pagbagsak. 'Nagawa ko! Napatulog ko sila!'

"Decies centena milia de cultellulus!" Sa hindi inaasahan, nagalusan ako sa iba't ibang parte ng katawan. Malas 'to nandito na si Zaphira!

Si Zaphira ang isa sa mga pinakamalakas na taong gumagamit ng mga armas. Isa siya sa kinatatakutan. Bukod pa doon wala siyang sinasanto, mapa bata man o matanda ay kaya niyang patayin sa isang pitik lang!. Pero hindi dapat ako sumuko!, dapat kong maialis ang bata dito!.

"Saan mo naman balak dalhin ang bata?" Tanong niya sa akin at itinutok ang espada sa aking lalamunan.

Hindi ako sumagot at nagsabi ng isang spell sa aking isipan. Hindi niya dapat ito mahalata kaya nagsalita ako ng pabalang.

"At sa tingin mo saan ko naman dadalhin ang bata?" Mataray at mayabang kong sabi na ikinainit naman ng kanyang ulo.

"Lapastangan—"

"Vado!" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinakawalan na ang spell na siyang nagpatalsik sakanya.

Kahit mahapdi ay tiniis ko ang mga sugat na nagdurugo na ngayon. Nagpatuloy lang ako sa aking pagtakbo hanggang namalayan ko na lang ang sarili ko sa gitna ng gubat.

"H-Hanggang d-dito na lang a-ako prinsesa..." Sabi ko sakanyan at hinaplos ang kanyang pisngi. Kay gandang bata nito paglaki, at inaasahan kong maraming maghahabol at manliligaw sakanya.

Ngumiti ako. "M-Mukhang hanggang d-dito na lang y-yata tayo m-magkakasama. I-Ilang metro na lang a-at maabutan na n-nila tayo..." Nanghihina ko paring sabi kaya sinimula ko na ang spell.

"Lux de tenebrae. Ego sum Parry Mondela, multivolus in translativa ollud fabulosus regis filia in quod terra!"

"Lux de tenebrae. Ego sum Parry Mondela, multivolus in translativa ollud fabulosus regis filia in quod terra!"

"Lux de tenebrae. Ego sum Parry Mondela, multivolus in translativa ollud fabulosus regis filia in quod terra!"

Inulit ko ng inulit hanggang sa magliwanag ang batang prinsesa na nagpangiti sa akin.

"Sa wakas magiging mapayapa na ang mundo. At sa muli mong pagbabalik prinsesa, sana mailigtas mo ang liwanag sa kadiliman..."

"NULLUS!!!!!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Zaphira mula sa kalayuan. Narinig kong umiiyak ang prinsesa nakita kong dumudugo ang kanyang kaliwang braso, nasugatan na siya!. Kailangan niya nga na talagang umalis.

"Prinsesa hindi ka na pwedeng magtagal dito kailangan mo n-ng umalis!" Sabi ko at lumiwanag pa ng lumiwanag ang bata hanggang sa mawala ito.

"IKAW!!!" Hindi agad ako nakalingon kung saan nanggaling ang boses na yun ng may naramdaman akong tumusok sa aking likuran na umabot sa aking tiyan.

Zaphira...

"Hindi mo alam kung anong kalokohan ang ginawa mo?!!" Sigaw niya sa mukha ko habang hawak niya ito, kita ko sakanyang mga mata ang galit pero imbis na matakot ako ay napangiti na lang ako. "At nagagawa mo pang ngumit?!! Nangiinsulto ka ba?!! Nararapat sayong paratan ng kaukulang kamatayan!!!" Tila nang iinis niyang sabi at hinigot ang espada sa likod ko na ikinasuka ko ng dugo...

Hindi kayo magtatagumpay Zaphira...

Matapos niyang hatakin iyon  sa likod ko ay itinusok niya naman yun sa aking puso...

Kahit kailan wala talaga siyang kinaawaan kahit isang matalik niya pang kaibigan..

Bago pa ako malagutan ng hininga ay naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha pababa sa aking pisngi.

"Yan ang nararapat sayo taksil!" Huling salitang aking narinig mula sakanya at tuluyan na akong nalagutan ng hininga...

3rd Person Point Of View

"Huwaahhh!!" Iyak ng munting batang prinsesa na ngayon ay nasa gitna na nga kalsada sa mundo ng mga tao.

Hindi siya mapapansin agad ng mga nagdadaanang mga sasakyan dahil sa liit nito. Isang pagkakamali lang ng isang sasakyan ay siya namang katapusan ng bata.

Hanggang isang mabilis na pulang sasakyan ang umaandar at kung hindi siya magdadahan-dahan ay masasagasaan niya ang bata.

Patuloy lang sa pagiyak ang prinsesa at ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan hanggang isang sentimetro na lang ang layo ng sasakyan sa sanggol ng huminto ang oras at pagtakbo ng mga tao.

"Maligayang pagdating sa mundo ng mga tao... Alice..." Sabi ng babae na nasa edad 30 hanggang 35. Lumapit ito sa bata at tsaka niya kinuha.

Tumigil sa pagiyak ang bata kaya napangiti ang babae. Tumingin siya sa kapaligiran at naglaho na lang ng parang hangin kasama ang bata.

Pagkatapos ng pagkawala ng babae ay siya namang pagbalik ulit sa dati ang oras at pagkilos ng mga tao't hayop.

Samantalang sa isang sulok, isang lalaking naka naka coat ang nasa likod ng puno at nakangiti.

"Dito ka lang pala niya dinala..."

FOR MORE DETAILS ABOUT KAY AUTHOR FOLLOW THE FOLLOWING ACCOUNTS!!.

AND PLEASE DON'T FORGET TO PRESS THE STAR BUTTON AND LEAVE A COMMENT ABOUT THE PART OF THE STORY.

KyahKyah02 - Pinterest ❤

Kuya_JohnM - Twitter ❤

Eminemminem - Instagram ❤

AND FOR MORE IMPORTANT INFORMATION TO THE STORY, KINDLY VISIT:

https://twitter.com/JohnmKuya?s=09

Magicus Academy: Where The Magic Was BornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon