Chapter 3: Eroll Salvez
Alice Point of View
Nanatili akong tahimik sa biyahe pauwi sa amin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Pagkatapos kasi ng paguusap na'yun ay umalis na kami ni Tita Luciana ng hindi kinukuha ang report card ko.
"Alice, ang tahimik mo naman ata?" Tanong ni Tita Luciana habang nakatigin sa akin mula sa rear mirror ng sasakyan.
Nginitian ko na lang ito at hindi na nagsalita pa. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko. Una, ay yung masaya pa si Tita Luiciana na ma-expelled ako. Pangalawa, ay yung sinabi niya na ito na daw ang oras para malaman ko kung saan ako nararapat na mag-aral. At panghuli naman ay yung hindi niya pagkuha ng report card ko!!.
Nakauwi kami ng mansion pero nanatili parin akong tahimik. Nawi-weirdohan na ako kay Tita Luciana eh!
"Ang aga naman ata ng uwi mo ngayon Alice?" Tanong ni Manang Denda pagkapasok namin sa loob.
"Naexpelled po kasi siya Manang" Nakangiting sabi ni Tita Luciana. Nabigla ako ng makita ko din si Manang na napangiti sa balita ni Tita Luciana na naexpelled ako.
"Mabuti naman" Sabi ni Manang sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Malapit na ang oras para malaman mo ang lahat-lahat, Alice" At iniwan niya na ako.
Isang panibagon iisipin na naman ang ibinigay nila!. Bakit ba sila natutuwa na maexpelled ako?!!. Bakit parang ipinapahiwatig nila na hindi ako dito Earth nakatira at namumuhay?!! Hayss!!.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.
"Oh-my!!! Ano ba kasing nangyayari?!!" Sigaw ko. Gulong-gulo na ako at litong-lito. Hindi ko alam kung isa lang ba itong panaginip na bangungot o ewan?!. Pero kung isa lang itong panaginip... GUSTO KO NG GUMISING!!!.
Sa gitna ng pagmumuni ko sa pagiisip sa mga problema na kinakaharap ko, bigla na lang pumasok sa aking isipan yung mark na nasa balikat ko kagabi!.
Agad ko itong tinignan kaso, hindi siya makita ng lubusan. Parang blurred na ewan! Hindi ko alam kung ano ang tamang term para ipaliwanag ang mark na nasa balikat ko.
Nag-try na din akong mag-search sa Google, pero kahit anong facts about doon sa mark na nasa balikat ko wala akong makuha!. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya pumunta muna ako sa banyo at naligo.
"Paano na lang kaya ako niyan?! Na-expelled na ako sa school namin!. Tapos ang weird naman dahil mukhang masaya pa si Tita na ma-expelled ako! Ugh!" Inis kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa full length mirror sa kwarto ko.
Tinatamad naman akong magbasa ngayon at nakakatamad din mag-open ng mga social media's ko, kasi panigurado ako ang laman ngayon. Humiga na lang ako sa kama ko at namalayan ko na lang ang sarili ko na tulog.
***
Kusang dumilat na lang ang mga mata ko mulansa pagkakatulog nang may naramdaman akong kakaiba sa paligid. I don't what it ks but it makes me feel uncomfortable.
Saglit akong tumungo ng CR at naghilamos.
"9:00 o'clock na?!!" Sigaw ko nang madako ang tingin kovsa orasan. "Ang haba naman ng naitulog ko ngayong araw?... Weird" Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: Where The Magic Was Born
Fantasía-Highest Rank Achieved #45 in Fantasy- Magicus Academy: Where The Magic Was Born Hearing such a bad things is normally to her. Being bullied is she doesn't care. She never thought that one day her life will be so mysterious. A mark... A legendary m...