Chapter 2: "Expelled"

2.1K 41 4
                                    

Chapter 2: Expelled

Alice Point of View

"Hija nasa'n ka na? Nandito na ang Tita Luciana mo mansion. Hinahanap ka na din niya" Naga-alalang ani Manang Denda. Kanina pa kasi ako hindi umuuwi, pagkatapos ng pagkapaso sa akin kanina.

Hindi ko alam pero isang himala ang nangyari. Inaasahan ko na magkakaroon ng balat at mahihirapan akong huminga kanina pero hindi. Ni isang balat o sugat wala.

Pagkatapos ko naman nun magpaalam ay pumunta muna ako sa pinakamalapit na park at tumambay na muna.

Dahil magdidilim naman din at nando'n na si Tita Luciana ay naisipan ko ng umuwi. Abot na abot na sermon nanaman ang aabutin ko.

"Hays Shane! Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin at hindi mo ako matigil tigilan!" Sigaw ko. Pag ganito kasing nasobrahan sila sa pangbu-bully sa akin, nageexcuse ako sa lahat ng subject ko at iniiyak ang lahat. Inilalabas ko ang galit na nasa puso ko. Walang kaalam alam dito sina Tita Luciana at Manang Denda at ayoko pang malaman nila.

Pagabi na rin at ayoko ng maglakad sa daan baka kung ano pa ang mangyari sa akin kaya nagpahatid na lang sa driver namin.

Nakaupo ako at naglalaro sa cellphone ko ng may dumaan sa harap ko na umagaw sa atensyon ko. Nanlaki at gulat na gulat ako sa aking nakita! Yung lalaki ulit! Hindi ako nagkakamali siya yun. Parang gusto ko na lang maglakad nang humarap na siya sa akin. Stalker ko ba siya?.

"Alice..." Tawag niya sa pangalan ko. Stalker slash killer slash rapist slash admirer ko na talaga siya!. Hindi pa ako handa sa ganitong bagay! Mas'yado pa akong bata!!!!!!.

Pero teka, yung boses niya!.

Ewan ko ba! Nasa kanya na ang lahat! Ang gwapo na niya, maputi na siya, maganda na ang boses, at matangkad pa!. Kaso yung ugali at the way na tumitig siya para siyang...maniac na pervert!!

"S-Sino ka ba k-kasi t-talaga?!! B-Bakit palagi na l-lang kita n-nakikita?!!" Sigaw ko sakanya pero nagseryoso ang mukha niya na ikinatakot ko lalo!.

"This is not the time for you to know me" Nakangiti niyang sabi at tumalikod sa akin. "One of these days maybe you will know me at why I am following you" Naglakad siya ng naglakad hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Naiwan akong tulala hanggang sa dumating ang driver namin at inihatid na ako sa mansion.

"Alice?!! Anong oras na?!!" Bungad agad sa akin ni Tita Luciana at ibinaling ang tingin kay Manang Denda. "Manang Denda sa sususnod huwag niyo na payagan si Alice na hindi sumakay sa kotse! Is it clear?"

"Y-Yes ma'am" Nakayukong sabi ni Manang Denda kaya nakaramdam ako ng matinding guilt. Dapat hindi na pala ako nagpumilit kay Manang kaninang umaga para hindi na siya mapagalitan.

"Uhm... T-Titia Luciana the truth i-is, p-pinilit ko po si Manang n-na hindi n-na ako sasabay sa driver n-natin p-para makapagjogging n-naman ako k-kahit paano" Nauutal kong paliwanag kay Tita Luciana.

"I'll consider it as an excuse but you'll not doing that again, alright?"

"Yes Tita! Thank you for accepting my apologize!" Sabi ko at niyakap ko siya para malambing hehehe. Pagkatapos nun ay humarap naman ako kay Manang na nakayuko parin.

"Uhm... Manang..." Tawag ko dito at hinawakan ang kamay niya. "Manang sorry po ah? Dahil sa kakulitan ko ay nadamay pa kita" Sabi ko at niyakap ko din siya, niyakap din naman ako ni Manang at sinabing okay lang naman daw yun.

Magicus Academy: Where The Magic Was BornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon