Chapter 1: "Bullied"

3.3K 63 1
                                    

Chapter 1: Bullied

Alice Point Of View

"M-Mukhang hanggang d-dito na lang t-tayo magkakasama. I-Ilang metro na l-lang ang layo nila a-at maabutan nila t-tayo" Wika ng isang babae habang hawak ang isang sanggol.

Gusto kong tulungan ang babae dahil puro sugat na ang katawan niya pero nagtataka ako kung bakit hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko. Parang pinako na ako dito at hayaang maghirap ang babae.

"Lux de tenebrae. Ego sum Parry Mondela, multivolus in translativa ollud fabulosus regis filia in quod terra!"

"Lux de tenebrae. Ego sum Parry Mondela, multivolus in translativa ollud fabulosus regis filia in quod terra!"

"Lux de tenebrae. Ego sum Parry Mondela, multivolus in translativa ollud fabulosus regis filia in quod terra!"

Paulit-ulit na sabi ng babae. Ano kayang lengguwahe naman kaya yun?. An'dami pa kasing sinasabi ng babae bakit hindi pa siya tumakbo?! Baka mahuli sila ng mga humahabol sakanya!.

Nagulat ako nung biglang nagliwanag ang katawan nung sanggol!. Grabe! Bakit naman ganun?.

"Lapastangan-

" Alice gumising ka na!" Napabalikwas ako ng gising at napapikit nang makita ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto.

'Sayang naman! Nandun na eh!'

"Alice! Tulala ka d'yan!" Nabalik ang pag-iisip ko sa reyalidad ng kinawayan na ako ni Manang Denda ng kamay.

"A-Ah opo ito na maliligo na po" Pahiya kong wika sakanya. Ano ba namang kalaseng panaginip na yun?!. Nagsimula ito noong isang linggo nung may nakabunggo akong isang lalaki at nakipagtitigan pa ito sa akin.

Flashback

"Tita Luciana! Bibili lang po ako ng ice cream doon!" Pagpapaalam ko kay Tita Luciana nang makita ko si manong sorbetero na huminto sa kalye na dinayo naman ng mga bata.

"Sige, mag-iingat ka! Kadalagang bata na kumakain pa ng ice cream!" Biro niyang sabi na tinanguan ko na lang kasi takam na takam na akong kumain ng ice cream with chocolate and vanilla flavor!.

"Mamang sorbetero! Pabili nga po ng ice cream. Pagsamahin niyo po yung chocolate at vanilla" Nakangiti kong sabi at inabot ang bayad sakanya.

Bata man sabihin pero totoong totoo na gustong gusto ko ang ice cream. Walang araw na hindi ako kumakain ng ice cream. Hahahaha huwag niyo ako tularan!.

"Eto na miss!" Nakangiting abot sa akin ni Manong sorbetero ang ice cream. Kinuha ko iyon at bumalik na kay Tita Luciana.

Habang naglalakad ako ay aksidente akong nakabunggo ng isang tao at tumapon pa ang ice cream ko sa damit niya.

Agad akong nagpaumanhin. "Naku! Sorry po Kuya!" Nakayuko kong sabi pero ni isang salita walang lumabas sakanyang bibig kaya tumingin ako sakanya.

Nakita ko siyang titig na titig sa akin. Nakaramdam agad ako ng kaba at pagbilis na tibok ng puso ko. Kitang kita ko sakanyang mata na may masama siyang balak.

Nagpaumanhin na lang ulit ako at bumalik na lang kay Tita Luciana. Tumingin muna ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina pero wala na siya doon.

Magicus Academy: Where The Magic Was BornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon